Chapter 2

4.8K 147 46
                                    

Tattoo

"Hindi ka nagkuwento ah." Nakasimangot si Zero habang pinaglalaruan ang ballpen niya. Hindi pa nag-uumpisa ang klase kaya dito muna siya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ano namang ikukuwento ko?"

I glanced around the room and spotted Yelena chilling in the left corner with her friends. They're all caught up in doing some retouch. Nagkibit-balikat ako. May pera naman sila kaya marami talaga silang mabibiling pampaganda. Samantalang ako pulbo lang ang afford tapos lip tint na nabili ko lang ng 50 pesos online.

"What happened with your audition? Hindi mo man lang pinakita sa akin video mo. Ang daya nito," halos pabulong niyang nasabi.

My forehead creased. "Napanood mo na naman sayaw ko ah."

"Syempre gusto ko pa rin makita mismo yung final output," he mumbled. Zero is still frowning while looking at me.

"Huwag na. Abangan mo na lang kasi ako sa TV!"

"Ang damot naman. Akala mo hindi kaibigan," he said with his voice laced with bitterness.

"Parehas lang naman iyon sa nakita mo. Kung ano yung sinayaw ko, gano'n din iyon."

"Syempre maganda pa rin makita yung final output!" hirit pa niya.

Umiling ako. "Ayoko nga. Nakita mo na naman na kaya huwag mo na ako kulitin."

Ano ka ngayon, Zero? Naiirita pa rin ako sa nakita ko sa mansyon kaya ikaw naman ang mainis ngayon!

"Bahala ka nga!" Padabog siyang tumayo at naglakad palayo. Mukhang napikon yata. Akala niya siya lang may karapatan mamikon ah. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung pagpunta ni Yelena sa mansyon.

"Tampo ka ba Zero?" sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya. Napalingon naman ang mga kaklase namin. Sumulyap naman si Zero sa akin at umirap. Nagtatampo talaga siya?

Magsasalita pa sana ako nang dumating si Sir Zamora. Kasunod niya ang kaklase namin na madalang lang pumasok. Siya yung nakaupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nagbulungan naman ang mga kaklase ko habang tamad na nakatayo sa harap ang lalaking nakasunod kay Sir Zamora. Mula sa kinauupuan ko kitang-kita ko ang kumikislap na bagay sa tainga niya. Piercings ba iyon? Bawal iyon ah.

"Damian Santillano needs to make up for his absences. Please cooperate with your classmate so he can join the graduation."

Tumango ang mga kaklase ko. May binulong pa si Sir Zamora kay Damian bago niya pinaupo sa tabi ko. Napatingin naman si Sir sa banda namin at tinanguan niya ako.

"Ms. Salazar since ikaw ang seatmate ni Mr. Santillano pakitulungan na lang siya sa mga gawain. Magaganda naman ang grado mo. I'll give you plus points."

Bumuntong hininga naman ako dahil pala-absent itong si Damian pero wala naman akong choice kaya tumango na lang ako. "Sure po."

Nilingon ko si Damian at napansin kong medyo maitim ang ilalim ng mata niya. Mukhang hindi siya nakatulog nang maayos dahil panay hikab din siya. Bihira lang pumasok si Damian. Minsan tuwing exam lang at kung minsan hindi talaga.

"Stop staring," tamad niyang sambit.

"Sorry, inaantok ka ba? Kanina ka pa kasi hikab nang hikab."

Napansin ko rin ang nakasilip na tattoo sa braso niya. Hindi ito masyadong nakikita dahil natatakpan ng sleeve pero dahil sa pagkakaupo ni Damian bahagyang umangat ang sleeve niya at nagpakita ang buntot ng tattoo niya.

"Oo, kaya huwag ka na magtanong," sagot niya, nakakunot pa rin ang noo.

Umiling na lang ako at nagfocus sa sinasabi ni Sir Zamora. Nilipat ko ang tingin ko kay Zero na nakaupo sa kabilang dulo ng room. Nahuli ko ang tingin niya sa akin. Agad din naman siyang nag-iwas ng tingin kaya nakinig na lang ako sa lesson.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now