Chapter 14

3K 98 19
                                    

Two

Kami ang huling sasayaw. Kanina pa namamawis ang kamay ko habang pinapanood ang representatives ng ibang school. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pumalakpak dahil magaling talaga sila. Wala pa yata akong grupo na nakitang hindi magaling.

We waited for this day to come. For the previous years, we never really get to win the championship award. Minsan 1st place, minsan wala talaga. Saksi ako sa pagsisikap ng bawat isa kaya kailangan talaga namin na makuha ito.

Kailangan naming manalo. Ang ilan sa amin graduating na rin ngayong school year kaya pinapangarap talaga namin na manalo bago man lang kami umalis sa school na ito.

"Pasensya ka na sa nasabi ko last time," si Froilan iyon na bigla na lang sumulpot.

Inayos ko ang costume ko at tumango. Hindi ko rin naman masyadong dinibdib ang sinabi niya dahil hindi naman totoo iyon. Kilala ko si Zero kaya hindi ako maaapektuhan ng komento ng ibang tao tungkol sa kaniya.

"Ayos lang, Froi. Huwag mo nang isipin iyon."

"Totoo ba talaga na kayo na ni Zero?" tanong niya pa.

I sighed. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang sarili sa front camera. Hindi ko pa rin nilingon si Froilan kaya nagsalita na ako.

"Hindi."

"Pasensya na sa tanong ko. Marami lang kasing nagsasabi," pahabol pa niya.

"But he's courting me," binaba ko ang phone ko at tinago na sa bag ko.

Mabuti na lang at hindi pa tunaw ang makeup ko. Medyo mainit pa naman ngayon tapos kami pa ang huling sasayaw. Sumulyap ako sa audience at nakita ko si Zero na nanonood. Nginitian niya ako nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

Nanalo sila Zero sa finals kahapon. Hindi ako nakapanood dahil may practice kami kahapon. Alam ko rin naman na mananalo siya. He's a pro player after all.

"Sasagutin mo siya?" bakas sa boses ni Froilan ang pagkagulat.

For years, madalas isipin ng mga tao na bestfriend lang kami. We almost grew up together. Sabay kaming pumasok ng high school hanggang sa last year namin. Everytime they ask us if we're a thing, we used to deny it because that's what we feel before.

Akala namin bestfriend lang talaga kami. In my case, I am afraid to confess my feelings. In his case? Hindi ko alam. Nasanay lang talaga kami na i-deny iyon noon. I didn't really pay much attention to what I feel lalo na noong hindi ko naman nakikita si Zero na may kausap na ibang babae.

I like him but I was contented dahil ako lang ang babae na malapit sa kaniya. Not until Yelena entered the picture.

"Maybe?" I answered playfully.

Hindi na sumagot si Froilan. Nilapitan ko na lang si Darlene na kasalukuyang busy sa phone niya. Ilang araw siyang absent sa practice pero ang sabi niya kaya naman daw niya na humabol.

"Sinong kausap mo?"

Binaba ni Darlene yung phone niya at tinago. "Wala naman."

"Meron yata. Gigil na gigil ka pa nga mag-type."

She shrugged. "Nakipagbardagulan lang ako sa Twitter."

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa grupong sumasayaw ngayon. Magaling sila at medyo delikado ang ilang stunts nila. Kahit delikado naitawid pa rin naman nila. Mukha yatang matagal nilang pinaghandaan iyon kaya swabe at walang palya nilang nagawa.

Pagkatapos ng ilang minuto pinahanay na kami ni Wendy dahil kami na ang susunod na sasayaw. Tiningnan niya rin muna ang bawat isa para makita kung may kulang ba sa costume or wala. Sinipat ko ang sarili ko. I am wearing a cropped long sleeve top and baggy pants.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now