Chapter 25

2.7K 87 48
                                    

Truth

The tattoo that we had four years ago is permanent. Napansin na rin ng management iyon pero hinayaan lang din nila dahil mukha rin naman talaga siyang anklet kapag tiningnan mo. I never once considered covering it or adding some design.

I am quite surprised after seeing his tattoo. Akala ko pinatungan na iyon ng ibang tattoo or kahit binago man lang ang design pero wala pa ring pinagbago iyon. I pushed him away countless times. I refused to acknowledge every gifts that he sent me. Kaya nagtataka ako kung bakit hinayaan niya pa rin iyon.

Well, that shouldn’t be my problem. Siguro sa mga susunod na linggo padadagdagan ko ng design ang tattoo ko para hindi na magmukhang matching ang tattoo namin. Hindi ko rin kasi gustong patungan iyon dahil baka mas lalo akong sawayin ng management.

Nilagyan ko na lang ng betadine ang sugat ko at nilagyan ng band aid. Hindi naman masyadong malaki ang sugat at sigurado akong hindi naman masyadong pansin ang peklat nito kapag gumaling na.

“I can’t believe na pumayag ka,” namamanghang saad ni Jabez.

Umupo naman siya sa sofa habang may kung anong tinitipa sa phone niya. Tinabihan naman ako ni Seira para tingnan yung sugat ko. Natulog lang pala sila kanina habang nasa dagat ako.

“Ano ba talaga? Parang ayaw niyo naman na sumama tayo sa kanila.”

“Gaga ka. Hindi lang kami makapaniwala,” ani Seira.

“May point naman kasi si Jabez. Nakamove on na rin naman ako kay Zero kaya pointless na rin ang pag-iwas sa kaniya.”

Naningkit ang mata ni Jabez.

“Sige kwento mo iyan e,” ngumisi siya.

“Punyeta ka. Sarcasm ba iyan?”

“Kulit niyong dalawa. Magbihis na tayo,” inawat naman kami ni Seira.

“Magkita na lang tayo sa lobby mamaya Seira tapos yung babaeng nakamove on na raw,” pang-asar pa ni Jabez.

Tinaas ko naman ang gitnang daliri ko at tinulak siya palabas ng kwarto ko. Natatawa silang lumabas ni Seira at nakita kong tinaas niya rin yung gitnang daliri niya.

Hinalungkat ko naman ang maleta ko at kinuha yung puting bikini ko. I decided to wear the white bikini and my denim shorts. Kinuha ko rin ang makeup kit ko at inayusan ang sarili ko.

I pouted when I realized what I’m doing. Tangina bakit ba ako nagpapaganda? Agad kong kinuha yung tissue at tinanggal ang makeup ko. Ano naman kung makita nila ako na walang makeup? Tinabi ko na lang ang mga gamit ko at niligpit.

Sinalubong ko sa lobby si Seira at Jabez. 9:05 PM na sa relo ko. Ayos lang naman siguro kung mahuli kami. Kanina lang naman kasi kami naimbitahan.

“May gym pala dito. Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” tanong ko.

“Hindi ka naman kasi nagtatanong,” sagot ni Seira.

Nagkibit na lang ako ng balikat. Maaga akong gigising bukas para magwork out. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang goal ko na magbawas ng dalawang kilo.

Hindi na rin ako nagulat nang malaman ko na grupo pala nila Joyce ang kumuha ng pinakamalaking villa dito. Napansin ko naman na may pool din pala iyon sa gilid. Maliit nga lang pero sakto na iyon para sa isang grupo.

“Euphony, buti nakapunta kayo!” binati kami ni Joyce.

Napatingin naman sa amin yung ibang kasama nila. Busy sila sa pag-iihaw kaya hindi na nakalapit yung iba. Kahit nakatalikod alam kong si Zero yung isa sa mga nag-iihaw. I saw how his muscles flexed while fanning the barbecue.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now