Kaba,takot at excitement, yan ang mga nararamdaman ko ngayon.Takot at kaba na baka sa layo namin sa ospital ay baka kung anong mangyari sa mag-ina ko.Excitement kasi gusto ko nang makita kung anong itsura ng anak ko.

Habang nasa byahe kami ay sinasabihin ko sya na huminga lamang at magiging matatag dahil malapit na kami sa ospital.Kitang-kita ko ang hirap at sakit na dinadanas nya,nagpapawis na rin sya...

Dumating na kami sa entrance ng ospital ay agad naman kaming sinalubong ng dalawang nurse na may dalang wheel chair"Manganganak na ho ang asawa ko"inalalayan ko palabas si Cheska at ang mga nurse naman ay kumuha ng strecher at dun sya isinakay

"Patrick, dito ka lang sa tabi ko!"siga nya habang papasok sila

Binayaran ko kaagad ang sinakyan namin at humabol paloob.Nakapasok na sila sa delivery room nung abutan ko sila at sa labas na lamang nila ako pinaghintay.

Pabalik-balik akong naglakad sa kinatatayuan ko habang nagdadasal na sana ay maging maayos ang panganganak niya.Nagdadasal na sana parehas silang maging ligtas...

"Kayo po ba ang asawa ng nanganak?"tanong ng babaeng doktor

"Opo"mabilis kong sagot

"Congratulations, babae po ang anak nyo.Ilalabas na po sila mamaya,ililipat na ang asawa nyo sa kwarto"at umalis na ang doktor

Lumapad ang ngiti ko pero agad din iyong nawala nang mapag-alamang isa lang pala iyong alaala,,alaala nung si Marie pa ang nasa kalagayang ito.

Napahilamos na lamang ako,ano ka ba Hans?!Bakit sya pa ang naiisip mo?!

Umupo na lamang muna ako at naghintay...

One hour later...

"Excuse me"pukaw saakin ng isang boses

Tinignan ko kung sino iyon at doktor pala.Agad akong tumayo"Doc,kamusta na po ang mag-ina ko?"agad kong tanong

"Okay na po sila,ililipat na lang ho namin ng kwarto ang asawa nyo at isusunod na lang namin ang anak nyo matapos syang malinis"nakangiti niyang sabi

"S-Salamat ho"at kinamayan ko sya

"Congratulations"yun lang at umalis na siya

Ilang sandali pa at lumabas na sila,si Cheska na mukhang nakatulog na at ang anak ko naman ay buhat ng isang nurse

"P-Pwede ko ba syang masilip?"tanong ko sa nurse na may buhat sa anak ko

"Sige po"at ipinasilip nga nya ito sa akin

Si Cheska naman ay inialis na doon.Napangiti ako nang makita ang mukha ng anak ko,mukha syang anghel.

"Hi,ako ang Daddy mo"bulong ko

At mas lalo pang napalapad ang ngiti ko dahil sa tila pagngiti din nito...

Napatingin ako sa binigay na hospital bill sa akin kanina,ang laki.Siguro ay dahil sa nakaprivate room kami,ayaw ko rin namang nasa ward lang sila kasi pag ganun kung sinu-sinong tao ang makakasama nila at natatakot din naman ako na baka mahawaan ng sakit ang anak ko.

"Pat"agad kong ibinaba ang papel nang marinig ang mahinang tawag ni Cheska

"Bakit?"nakangiti kong sagot

"Sabi ko naman sayo diba,sa ward na lang ako"medyo nanghihina pa sya

"Ssh,magpahinga ka na lang.Ako nang bahala dito,uuwi lang muna ako pagdating ni Ate Ida"

"Pat"magsasalita pa sana sya pero hinarang ko nang hintuturo ang labi nya

"Wag nang makulit okay?"at hinalikan ko sya sa noo

Maya-maya lang ay dumating na ang taong hinihintay ko.Kapitbahay  namin sya at madalas syang magpart-time sa pag-aalaga ng mga bagong anak kaya tiwala ako na safe silang mag-ina.

Gusto ko sana ay si Mama na lang para makita na rin nya ang apo nya pero imbes na matuwa ay nagalit siya at sinabing ikinahihiya nya ako.Masakit pero wala akong magagawa,kasalanan ko rin naman...

"Aalis na ako"paalam ko sa kanya

Hinawakan nya ang kamay ko bilang pagpigil"Babalik agad ako"nginitian ko sya at ilang saglit lang ay binitawan na rin nya ako

Sinilip ko saglit ang anak namin saglit at hinaplos ang pisngi.Mahimbing siyang natutulog,mukha talaga syang anghel...

Umalis na ako para umuwi muna sa bahay,kukunin ko ang bank book ko,magwiwidraw ako.

Pagbaba ko sa tapat ng apartment ay agad akong binati ng ilan sa mga kapitbahay namin at tinatanong ang kalagayan ng mag-ina ko kaya lang ang iba ay nagparinig.Nagparinig na ipinanganak na daw ang anak ng kabet.Hinayaan ko na lamang sila kasi ayoko rin namang magkaroon ng kaaway...

Pagpasok ko sa kwarto namin ay agad kong binuksan ang luggage ko at tinignan doon ang hinahanap ko pero wala..

"Nasaan na?"tanong ko sa sarili ko

Tinignan ko sa iba pang maaaring paglagyan,maski nga sa damitan namin tinignan ko na pero wala..

Kabado na ako kasi baka nawawala na o nanakaw ito.Di bale sana kung hindi ko pa kinakailangan pero hindi eh,kailangang-kailangan ko na.

Inisip ko kung saan ba maaaring mapalagay iyon at sa pag-iisip ko ay naalala ko na hindi ko nga pala iyon nadala.Nasa kaha nga pala namin ni Marie nakalagay iyon.

Napatigil naman ako bigla at napaisip.Kung kukuhanin ko yun ibig sabihin,,,makikita ko ulit sya...

Shit,kakayanin ko ba??

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon