Isa nga itong colosseum na nakikita ko sa Humanities classes namin tungkol sa Rome. Kaya pala kaunti lang ang nakasalubong namin sa bawat rings ay dahil nandito silang lahat sa colosseum.

Nakaupo sila sa palibot na benches sa itaas ng stadium at pumapalakpak sa 'min. Ang iba ay binubuhusan pa kami ng flower petals. Iba't-ibang kulay ang uniforms nila maliban sa 'ming mga nakapila.

Patuloy akong sumusunod sa pila dumaan sa harapan ng iba pang mga grupo ng nakapilang scholars katulad namin. Nahahati ang bawat grupo depende sa karatulang nasa harap nila. Mukhang sila ang mga Tyros sa ibang family na dumaan sa iba pang mga gates.

Binibilang ko ang grupo ng nakapilang Tyros na bawat dinadaanan namin. Hanggang sa madaanan ko ang karatulang may nakasulat na "Terra Domus."

"Irine! Irine!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cyndel.

Tumalon ako para makita si Cyndel. At nakita ko nga siya mula sa pila ng Terra Domus na tumatalon at iwinawagayway ang kamay niya. Kaya naman tumalon din ako at kinawayan siya.

"Sino 'yon?" Tanong ni Nisha mula sa likod ko.

Lumingon ako sa kanya. "Si Cyndel, kaibi–kapatid ko."

"Elf na kapatid mo?" Tuwang sabi niya. "Ipakilala mo ako, Irine, ha?"

"Syempre naman." Nginitian ko siya.

Muntik na ako do'n. Buti nalang kapatid ang nasabi ko.

Nang makalampas kami sa Terra Domus, nagpatuloy akong nagbilang ng mga karatula hanggang sa makapunta kaming dulo. Pito, pito ang nabilang ko at kami ang pang-walo.

Pumila kami sa likod ng karatulang may nakasulat na Lequide en Ferostī Domus. Nang maayos ang pila namin ay isang lalakeng nakasuot ng puting robe na may linings ng violet ang pumunta sa gitna ng stage.

"Scholars!" Pagtawag niya ng pansin. Nag-echo ang boses niya sa buong colosseum kaya napatahimik ang lahat.

"Nandito ang lahat upang saksihan ang isa sa pinakainaabangang seremonya ng Amaryllis Camp. Ako nga pala si Rocio, ang messenger ng kampo. Bilang isang miyembro ng Amaryllis Council, binabati ko kayo Tyros bilang mga bagong miyembro ng Amaryllis Camp!"

Nagsigawan ulit ang audience at nagpalakpakan.

"Kami ay umaasa na ang lahat ay magiging mga tapat na mandirigma ng buong Amaryllis."

"Distro!" Sumigaw ang mga kasama ko.

Ano raw? Disco? Kinalabit ako ni Nisha kaya napalingon ako sa kanya.

"Kapag sumasang-ayon ka sa sinabi niya, sabihin mo ay Distro."

"Ahh okay okay." Humarap ako at sumigaw. "Distro!"

Napatigil ako nang tumingin silang lahat sa 'kin at natahimik.

Natawa ang nagsasalita sa harap. "Mukhang may nahuhuli sa pagsagot."

Sumunod ding tumawa ang iba kaya napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Ramdam ko na ring nag-init ang mukha ko.

Leche, Irine. Umayos ka!

"Ayos lang yan, Irine." Tinapik ni Nisha ang balikat ko. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon.

"Ginoong Gareth. Maaari mo na bang simulan?" Nakatuon muli ang pansin ko sa harap. May tinulungang isang matandang nakaupo kasama ng iba pang mga nakarobes ang messenger na si Rocio para makatayo at pumunta sa gitna ng stage.

Tumindig ang matandang may mahabang puting buhok at nakasuot ng black robe. Inilabas niya ang wand niya at itinapat sa 'min.

"Isang wizard." Rinig kong bulong ni Nisha.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon