Chapter 16

14.3K 458 18
                                    


ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 16

I R I N E

Pagkatapos mag-explain ni Nikko ay sinuot na namin ang blindfolds.

"Papasok na tayo sa next ring." Excited na sabi ni Nisha habang nakatakip sa mga mata namin ang tela.

"Wala ka namang makikita, Nisha." Natatawang sabi ko.

"Ayos lang, Irine. Maapakan ko lang ang lupa sa Stager at Deyon Ring, masaya na ako."

Napailing nalang ako at natawa sa excitement ni Nisha.

Hinawakan namin ang balikat ng nasa harap namin para raw hindi magkawalaan. Naglakad lang kami ng direstso na katulad ng sinabi nila.

Habang naglalakad, napansin kong paiba-iba ang nararamdaman naming temperature. Naramdaman kong parang biglang lumamig, tapos biglang iinit, magiging mahangin, at babalik na naman sa dati ang temperatura.

Tahimik lang din ang paligid na para bang walang tao sa susunod na rings. Ang tanging mga yapak at naaapakan naming tuyong dahon o sanga ang naririnig namin.

Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa huminto ulit kami.

"Tanggalin na ang blindfolds," sabi ni Nikko.

Tinanggal namin ang blindfolds. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko para maiayos muli ang paningin ko. Nasa isang madilim na corridor na naman kami at tanging apoy sa sulo na lamang ang nagbibigay ng ilaw.

Nasa bandang gitna kami ni Nisha. Kaya nakita namin kung gaano kadami ang nakapila.

Sa tingin ko ay higit sa isang daan ang bilang namin. May mga enchanters na katulad ko, wizards, at mga kakaibang nilalang na hindi ko alam kung ano ang tawag pero nasa human form.

Isang metal na gate ang humaharang sa harapan namin. Kahit makapal ang bakal ay naririnig namin ang ingay mula sa kabilang side ng gate.

Sigawan at tawanan.

"Velcomé neiocomre!" Nagsigawan muli sila. Hindi tumitigil ang sigawan tuwing may sasabihin ang nagsasalita.

"Nandito na tayo sa Omphalus Colosseum," usal ni Nikko na nakatayo sa harap ng metal gate. "Bago kayo papasukin ay maaari niyong ilagay sa gilid ng corridor ang mga gamit niyo."

Tinuro niya ang lugar kung saan binabantayan ng mga taong nag-abot sa 'min ng blindfolds. Sinunod namin siya at inilagay ang mga gamit namin doon bago bumalik sa pila.

"Ito na ang pinakahihintay niyong lahat, Tyros. Bilang parte ng pagtanggap sa inyo ng Amaryllis Camp bilang scholars, dadaan muna kayo sa isang seremonya." Patuloy ni Nikko. Lumawak ang ngiti niya. "Velcomé, Tyros! Welcome to your Acceptance Ceremony!"

Tumalon ang mga tao sa sobrang tuwa nang marinig nila ang sinabi ni Nikko.

"Velcomé lequide en ferostī!" Sigaw naman ng boses sa labas at unti-unting binuksan nila Nikko ang metal gate.

Tinakpan ko ang mata ko dahil sa biglaang pagpasok ng liwanag. Umalingawngaw na rin ang mga sigaw sa corridor na para bang nag-ch-cheer sila.

Unti-unti rin akong nasanay sa liwanag at naaninag ang labas. Gumalaw na rin ang pila para pumasok sa sinasabing colosseum kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko.

Nang makalabas kami nang tuluyan ay napanganga nalang ako habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.

Nandito kami sa  isang napakalawak na pabilog na stadium.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon