"Irine." Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na vase.

Nagtaka ako sa itsura ni Cyndel. Bakit parang hindi siya naaalarma na may nakapasok na elf sa bahay niya?

"Hindi siya magnanakaw." Pumunta siya sa tabi ng lalaking elf bago ngumiti."Kapatid ko siya."

Napako ako sa kinatatayuan ko. At ang lalaking elf naman ay nakangiti na sa 'kin na para bang siya ang nanalo sa 'ming dalawa.

Hindi ako makapaniwalang tinuro silang dalawa. "Magkapatid kayo?"

Tumango sila. Bigla kong naitago yung vase sa likod ko at nakaramdam ng hiya.

"Sorry. Hindi ko alam." Napakagat ako sa ibaba kong labi.

Tumawa muli ang lalakeng elf pero kaagad siyang pinalo ni Cyndel.

Buti nga.

"Okay lang 'yon Irine. Ito rin naman kasi, nangunguha ng 'di sa kanya." Binatukan niya ang kapatid niya at sinenyasan. "Ibalik mo na 'yan."

"Ayoko." Niyakap nung lalake ang kahon.

"Ayaw mo?" Tinitigan siya ni Cyndel at mukha namang nasindak kaya ibinalik niya kaagad sa 'kin kaya kinuha ko ang kahon.

Wala pala 'to. Takot sa kapatid.

"Irine.." Hinila ni Cyndel ang braso ko at inilapit sa kapatid niya. "Siya nga pala si Eoin."

[Eoin- "Owen"]

"At siya naman si Irine. Bago kong kaibigan." Pagpakilala niya sa 'kin.

In-offer niya sa 'kin ang kamay niya. Nag-alangan pa ako noong una pero siniko ako nang bahagya ni Cyndel kaya  tinanggap ko ito at nakipaghandshake.

Ang lamig ng kamay niya pero malambot. Inalis ko kaagad ang kamay ko sa palad niya dahil ang awkward.

Ngumiti sa 'min si Cyndel.

"Enchanter ka diba?" Tanong ni Eoin sa 'kin.

"Uhm..." Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Oo. Enchanter siya pero hindi niya pa nagagamit ang kapangyarihan niya," sabi ni Cyndel.

"Seryoso?" 'Di makapaniwalang sabi ni Eoin.

"Mahirap ipaliwanag. Tabi ka muna diyan." Itinulak niya si Eoin at kumapit sa braso ko. "Maliligo pa kami."

"Kaya pala may mabaho." Tinakpan ni Eoin ang ilong niya.

Sinipa ko ang paa niya kaya siya nagulat at tiningnan niya ako nang masama. Ngumisi ako.

"Irine, mas mabuti pang itago mo muna ang kahon na hawak mo," ani Cyndel.

Itinuro niya ang isang chest sa likod ko. Mukhang doon ko ilalagay ang kahon. Kaagad naman akong pumunta sa chest at maingat na inilagay ang kahon kasama ng mga damit ni Cyndel.

"Eoin! Pakidala ang mga gamit namin." Utos niya sa kapatid.

Binuhat naman ni Eoin ang malaking pouch na hawak ni Cyndel nang nakababa siya mula sa taas.

Kumunot ang noo ko. "Bakit niya dadalhin? Sasama ba siya?" Tanong ko.

Tumango si Cyndel. "Oo-"

"Bakit?!" Naalarma ako.

Maliligo kami. Inuulit ko, maliligo kami. At lalake si Eoin!

Tumawa si Cyndel. "Delikadong pumunta sa Rhine falls nang tayo lang ang magkasama kaya naman tinawagan ko siya at pinapunta rito para samahan tayo."

Tinawagan? Hindi ko naman napansing tumawag si Cyndel gamit ang telepono kanina.

"Mind link ang ginamit ko." Usal niya na ikinatahimik ako.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now