Natulala ako sa sinabi ni Sister. Bakit ako nasa labas? Ang pagkakaalala ko ay nasa dump site ako. At kung ganoon, malaki ang posibilidad na siya nga ang narinig ko kanina.

"Sister, nagsisinungaling lang po kayo diba?" Tumayo ako at naglakad. "Nandito pa po siya. Nandito po ang wheelchair niya." Pilit akong ngumiti at hinanap ang wheelchair ni Sam. Pinilit kong isipin na hindi talaga siya umalis. Hindi niya ako magagawang iwan.

"Tumigil ka na, Irine," usal ni Sister pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang cabinet ni Sam pero wala na ngang gamit.

"Irine..."

"Hindi naman ako magagawang iwan ni Sam. Buong buhay namin kami na ang magkasama. Hindi niya ako kayang iwan." Tumawa ako ng mahina.

Binuksan ko ang cabinet ko at nagbabakasakaling inilipat niya lang ang gamit niya pero wala akong nakitang gamit na pagmamay-ari ni Sam.

"Hija, tama na."

Naglakad-lakad ako sa kwarto baka sakaling may mahanap akong gamit niya.

"Tama na 'yan, Irine. Umalis na siya–"

"HINDI PO SIYA UMALIS!" Sumigaw ako. Napaupo ako sa sahig at umiyak. "Hindi niya ako iiwan! Pangako namin sa isa't-isa na walang iwanan!"

Simula pa noong pagkabata ay kami na ang magkasama. Hinding-hindi kami napaghihiwalay noon at mistulang tunay na magkapatid na kami. Pinangako naming poprotektahan namin ang isa't-isa. Pinangako naming hindi kami mag-iiwanan.

"Tahan na, Irine. Tumahan ka." Niyakap ako ni Sister at hinaplos ang likod ko. Wala akong nagawa kundi yumakap pabalik at umiyak sa mga balikat ni Sister.

'Mamatay ka na!'

'Wala kang kwentang kaibigan, Irine.'

Bakit Sam? Bakit bigla kang nagbago?

~*~

PILIT kong inalala ang nangyari kanina, at kahit anong gawin ko ay sa dump site talaga ang huling pinuntahan ko. Hindi ko naman kayang maglakad dahil sa sakit na naramdaman ko.

Kaya nakapagtatakang natagpuan nila ako sa labas ng ampunan.

Hindi ko rin mawari ang naramdaman ko kanina sa dump site. Akala ko nga ay mamamatay na ako. Naalala ko ring nawalan na ako ng paningin kanina ngunit mabuti nalang ay bumalik muli ngayon.

At ang ang boses na naririnig ko,

'Kilthei..."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero bakit siya bumubulong? Ano bang kailangan niya sa 'kin?

Si Sam... Na akala ko ay hindi ako iiwan.

"Ah!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkalito. Ayoko na muling isipin si Sam, dahil sa tuwing iniisip ko siya, gusto kong lumayas sa ampunan at hanapin siya. Naluluha ako tuwing naaalala ko siya.

Sana may nakakita man lang sa 'kin at kay Sam kanina para malaman ko kung totoo bang siya ang kasama ko sa dump site.

'Naririnig ko kung ano ang naririnig ni Erracious.'

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now