"Hindi naman po nakakahawa, diba? Kasi po kahit palagi kong kasama si Sam, hindi naman sumasakit ang mga mata niya."

"Hindi nga, Irine, anak. Basta tandaan mo nalang na hindi malala ang sakit mo, maliwanag ba? At siguro dapat mo ring malaman na magbabago ang kulay ng kanang mata mo sa ika-labing limang taon na kaarawan mo."

"Po?" Nabalutan ako ng pagtataka. "Bakit magbabago, Sister? Akala ko po ba hindi malala ang sakit ko?"

Saglit natigilan si Sister at napabuntong hininga bago nagsalita ulit. "Irine, hindi mo talaga mauunawaan kung bakit. Mas mabuti pang matulog ka na para maganda ang gising mo bukas ng umaga. Advance happy birthday, hija."

Hinalikan ni Sister ang noo ko kaya napangiti ako. "Salamat, Sister."

Birthday ko na nga bukas. Magiging 15 years old na ako, ibig sabihin, bukas magbabago ang kulay ng kanang mata ko?

Hindi ko mawari kung bakit. Nagdududa parin ako sa sinabi ni Sister.

"Ingatan mo rin ang shades na ibinigay ko sa 'yo, Irine. Mag-iingat ka anak."

Hinaplos ni Sister ang noo ko. Sa hindi malamang dahilan, biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko at nakaramdam ng antok.

Bago pa man ako makatulog, narinig ko ang huling sinabi ni Sister Martha.

"Tandaan mong, mahal kita, Irine. Mag-iingat ka."

"Tabi diyan!" Isang malakas na sigaw ang nakapagpagising sa 'kin sa katotohanan. Binunggo ako ng isang malaking tao dahilan kung bakit ako napatumba.

Hinaplos ko ang balakang kong unang tumama sa sahig. Kung minamalas ka nga naman oh!

Napabuntong-hininga ako bago tumayo at pinagpag ang damit ko. Nandito na rin pala ako sa tapat ng lab. Mas mabuti pang kunin ko nalang ang payong ni Sam kaysa mainis pa sa taong nambunggo sa 'kin kanina.

Pagkapasok ko sa lab. Naroroon pa pala si Sir Steve na kasama si Ma'am Krizel.

"Hello po," bati ko sa kanila. Napatingin silang dalawa sa direksyon ko.

"Bakit bumalik ka Irine?" Tanong ni Sir sa 'kin.

"Naiwan po kasi yung payong ni Sam dito. Kukunin ko lang po." Paalam ko.

Nang tumango sila, kaagad akong tumakbo sa pwesto kung saan umuupo si Sam. Nakita ko ang payong kaya kinuha ko 'to.

"Nakita mo na ba?" Tanong ni Sir.

"Yes, sir. Aalis na rin po ako. Salamat po." Ngumiti ako sa kanila.

Papaalis na sana ako ng lab pero natigil ako nang sumagi sa isip ko ang kagustuhan kong humingi ng tulong. Si Sir Steve nalang yata ang pag-asa ko para malaman ang kondisyon ko.

Iniisip kong maaaring genetical ito pero kailangan ko paring manigurado.

"May problema ba, Miss Irine?" Tanong ni Sir sa 'kin. Lumingon ako sa gawi niya ngunit wala na si Ma'am Krizel sa tabi niya. Ang bilis naman. Weird. "Irine?"

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now