Chapter 29

142 6 1
                                    

Trigger warning: Traumatic situation

Chapter 29

"Na-miss ko kayo," madramang sabi ni Melody nang pagbuksan niya kami ng gate ni Fiona. It's weekend kaya nagkayayaan kaming mag-sleepover kina Mel. Hindi sana ako sasama kasi akala ako andito si Kuya Ethan. But according to Mel, may lakad daw siya at hindi raw dito sa bahay nila matutulog.

I wonder where he went pero hindi na ako nagtanong pa. Baka kung ano pang isipin ng dalawa.

"Ako nga rin. Nakakaiyak," sagot naman ni Fiona kay Melody. Nagyakapan naman ang dalawa na para bang ilang taon talagang hindi nagkita.

Like the usual, we brought groceries para sa sleepover. Ang usapan ay magmo-movie daw at magchichikahan. Kung anong pagchichikahan, I'm not sure.

It's almost dinner time so we prepared food first. Nagluto ng sinigang si Fiona. She's not really a cook. No one among us really cooks pero may youtube naman kaya habang nagluluto ay may hawak rin siyang cellphone. Natatawa pa nga kami ni Melody kasi hindi namin sure kung makakain ba talaga namin iyong niluluto niya, which is well, a little exaggeration.

After the dinner, we changed into our pajamas and stayed in the living room. Naglatag lang kami ng malaking foam kasi gusto naming nakaharap kami sa TV. Nakaupo kaming tatlo sa foam, iyong mga likod namin ay nakasandal sa sofa.

"Sana naman hindi ako umabot sa ganyan, ano? Iyong kinakasal na lahat ng kakilala ko tapos ako hanggang bride's maid lang," komento ni Fiona. We're watching 27 dresses, a rom-com movie about a girl who attended 27 weddings wherein she's always a bride's maid and always helps the brides in organizing their weddings. Iyon nga, kinasal na lahat habang siya ay hindi pa gusto ng taong gusto niya.

"Okay lang 'yan 'no. Naniniwala naman akong kahit ilang kasal pa mapuntahan mo, darating at darating pa rin iyong taong para sa 'yo talaga. Magbride's maid ka muna ngayon. Saka na 'yong bride," sagot naman ni Melody.

Natawa na lang ako sa mga side comments nila.

"Ay, true din 'yan," Fiona replied. "Di bale na. Basta ba ganyan din kagwapo iyong dadating sa buhay ko," dagdag niya pa.

The movie was fun. I'm not sure if we're just hopeless romantics o nakakaiyak talaga iyong ending kung saan kinasal na talaga siya. Kaming tatlo pa talaga ang naiyak. Nakaubos tuloy kami ng isang box ng tissue.

"Sa tingin niyo, sino unang ikakasal sa atin?" Biglang tanong ni Melody.

"Feel ko, ako," Fiona answered. "Char!" Mabilis naman niyang dagdag. Pareho kaming natawa ni Melody.

"Bakit feeling ko si Dane?" Melody mumbled. Napakunot-noo ako sa kanya sabay iling.

"Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Di ko pa sure kung... kailan dadating 'yong para sa akin."

"Ay, ako feeling ko dumating na," Fiona muttered. I tried to dismiss it. Ayoko kasing pag-usapan.

"Ay ako may crush ako sa office!" Masiglang sabi ni Melody. Umayos pa siya ng upo saka humarap sa amin. "Trainee rin. Taga-Ateneo!"

"Taray! Yamanin!"

"Para secured ang future," Melody said with a grin.

"Asa ka namang magugustuhan ka rin," Fiona mumbled.

"Beh, what if I told you I'm a mastermind? Someday he'll be mine."

"Bakit parang nakakatakot? Anong plano?" Sabi ko. Para kasing may kung ano siyang binabalak gawin. Nakakakilabot.

"Gayumahin ko sana."

"Matakot ka nga sa pinagsasabi mo," I hurriedly reply. Tumawa naman iyong dalawa.

Eventually (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon