Chapter 21

141 6 1
                                    

Chapter 21

It's Christmas break. Ilang weeks rin walang pasok hanggang sa new year. Pareho kaming umuwi ng ate ko sa bahay para mag-celebrate ng Pasko. I'm happy to be here back at home, pero hindi ko maiwasang mataranta sa tuwing may nakakasulubong akong taga-rito.

Hindi naman sa snob ako o ano. Baka kasi mapag-usapan iyong nangyari. Mukhang alam pa naman ng mga taga-rito.

But my fear happened. Nakasalubong ko iyong dalawang classmates ko from high school. Syempre may kumustahang naganap, life update and stuff like that. We were at the convenience store. Ayaw ko na nga sanang magtagal doon kasi baka kung sino pa ang dumagdag sa pagkikita namin. But these two, Ariana and Selena, dragged me to a bench so we could sit and talk.

Ayaw ko sana, pero ayaw ko namang masabihang attitude at snob.

"Nagkita na ba kayo ni Kevin after niyo mag-break?" Ariana asked. I couldn't reply right away.

Bakit ganoon? Bakit parang ang dali lang para sa iba na banggitin ang pangalan ng ex ko sa harap ko? I was expecting them to go easy on me and on that topic kasi alam naman nila iyong intense ng mga nangyari. Pero bakit ganito? Bakit parang ang insensitive?

Alam kong ex na 'yon pero dapat hindi pa rin basta-bastang bini-bring up 'yon. That person hurt me in ways I couldn't imagine. It can be a trigger. So dapat may pag-iingat sa pagbring up ng mga tao from the past. Just because it already happened in the past, doesn't mean you can just freely talk about it.

Nakita kong siniko ni Selena si Ariana when I wasn't able to answer. I saw Ariana bit her lower lip and suddenly, she looks sorry.

"Kumusta pag-aaral mo, Dane?" Tanong ni Selena.

I'm glad she changed the topic. Kahit naman ilang buwan na ang dumaan nang mangyari 'yon, hindi ko pa rin gustong balikan at pag-usapan 'yon. Certain things should just remain in the past. At kung ipinagpilitan nila, magwo-walk out talaga ako. Forget the possible names they would call me after.

"Okay naman. Kayo?" I asked.

Agad nagkwento si Ariana ng mga ganap niya sa buhay recently. Medyo close kami 'nong high school pero hindi sila iyong best friends ko talaga. Iyong pinaka-close ko from high school ay sa UK na nagtuloy ng pag-aaral.

They started talking about their lives now. Wala akong imik na nakatingin sa kanila. I'm not really listening. Alam kong rude pero hindi talaga ako interesado. Kung maldita lang talaga ako, kanina pa ako nagwalk out.

"Rinig ko consistent top student ka daw," Selena murmured. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. "Ang galing mo talaga 'no?"

"Sayang talaga pinakawalan ka ni Kevin! Ilang taon din kayo eh!" Ariana grumbled. Nakita ko ulit ang pagsiko sa kanya ni Selena.

I tried to smile at them. "Wala na kami. Hindi ko na 'yon iniisip. Marami kasi akong kailangan unahin." Dahan-dahan akong tumayo saka kinuha iyong isang plastic na may laman ng mga binili kong snacks na kakainin ko sana habang manonood ng kdrama. Kaso nahila nila ako, na nakaapekto nang konti sa mood ko. "Mauna na ako, ha? May gagawin pa kasi ako. Ingat kayo pauwi."

Ngumiti saka tumango si Selena sa akin. Ariana just said, "okay. Ingat ka rin." Saka umalis na ako at umuwi sa amin.

Sa labas pa ng subdivision iyong convenience store kaya kailangan ko pang sumakay ng tricycle papasok. It was just a short ride kaya nakauwi agad ako.

"Nak, dumaan dito si Kevin. May iniwang regalo para sa 'yo," bungad sa akin ng nanay ko nang pumasok ako ng bahay. I saw Ate Marielle sitting at the dining and eating pancit canton. 'Nong banggitin ni Mama ang pangalan ni Kevin, I saw Ate rolling her eyes. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now