Chapter 2

332 9 7
                                    

 Chapter 2

Hindi agad ako nakasagot. Ano naman kasi ang sasabihin ko? What he said just made me speechless. Nobody has ever told me those words, or probably my parents. But the way he said it just brought comfort to my heart.

"Naks kuya, iiyak na ba ako?" Pabirong sabi ko just to at least lighten up the mood. Bigla kasi siyang nagseryoso.

"I'm serious. Hindi naman kasi dapat pinapaiyak ang mga babae," sagot niya.

"Bakit Kuya? Hindi ka pa ba nakakapaiyak ng babae?" I asked and it made him quiet. Oh my god. Did I just hit the bull's eye?

Tinitigan ko siya with my other brow arching while anticipating for his reply. Bigla kasi akong naging interested dahil sa reaksyon niya. May dinadala rin 'to eh. Gusto ko tuloy ungkatin.

"You better eat para makauwi ka na sa inyo," sabi niya saka tumayo at naglakad papuntang lababo para ilagay ang pinagkainan niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin at napailing.

Masyado kang obvious, Kuya.

Hindi ko na lang ipinagpatuloy 'yong nasimulan naming usapan kasi baka isipin niyang ang chismosa ko. Kaya tinapos ko na lang ang pagkain ko at hinugasan na rin pagkatapos ang pinagkainan ko. Nakakahiya naman kasi kung iiwan ko lang na nakatiwangwang sa lababo ang pinggan na ginamit ko.

Pagkatapos kong hugasan ang pinggang pinagkainan ko ay hindi ko na alam kung ano ang susunod na gagawin. Uwi na lang kaya ako? Magpapaalam pa ba ako? Ba't parang nahihiya akong humarap ulit sa kuya ni Mel? Ugh! Nasaan na ba kasi ang bruhang 'yon at iniwan niya ako sa kuya niya? Gaga rin 'yon eh. Alam niya namang awkward talaga akong tao at may pinagpipilian lang ang pagka-madaldal ko. Batukan ko 'yon kapag nagkita kami eh.

Matapos makipag-debate sa sarili ko ay dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Mel kung saan ako natulog. On her study table ay nakapatong ang bag ko. Uwi na lang talaga ako. Ayaw ko pang magtagal dito at nakakahiya na talaga sa kuya niya.

Nag-ayos muna ako ng sarili kasi nakakahiya namang umalis. Hindi na nga ako nakaligo kasi wala akong dalang spare clothes, ang dugyot ko pang tingnan. Napaghahalataang may hangover eh. Amoy beer pa ako.

Bago lumabas ng kwarto eh ilang beses pa akong huminga  nang malalim at humugot ng lakas ng loob. Nang makuntento ay dahan-dahan ulit akong lumabas.

Nasa may sala si Kuya habang nanonood ng TV at may ginagawang kung ano sa laptop niya. So basically, nakikinig lang siya sa TV. Ah, ewan.

"Uhh, kuya," tawag ko. Tumingin naman siya sa akin saglit at agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa. "Una na po ako. Pakisabi na lang po kay Mel. At saka salamat na rin po sa accommodation," I said. Muntik ko pang masampal ang sarili ko dahil sa sinabi kong 'accommodation'. Ano 'to? Hotel?

Sinagot niya lang ako ng tango. Cue na ata 'yon na umalis na ako. Kaya nagmadali na akong lumabas ng bahay nila at pumara ng taxi para makauwi na.

Pagkapasok ko sa taxi ay nakahinga na ako nang maluwag. Medyo nawala nga 'yong sakit ng ulo ko pero nakaramdam naman ako ng kahihiyan dahil sa pinaggagawa ko. Ang gaga ko talaga. Kaya ayon, sumakit ulit ang ulo ko sa kakaisip sa mga nangyari. Imbes na makalimot ay mukhang nadagdagan pa tuloy ang iisipin ko. Makakatikim talaga itong si Melody sa akin eh.

•●•

I fell asleep for a few hours nang makarating sa boarding house. Nakalimutan ko nga 'yong sakit 'nong malasing ako. Pero bumalik pa rin lahat ng sakit nang bumalik ang katinuan ko. Kaya nang magising ako at kinuha ang phone ko to check kung nag-text siya sa akin, naiyak lang ako dahil naalala kong wala na nga pala kami.

I got used of his texts, of his calls, of his existence in my life at hindi ko alam kung bakit kahit determinado akong kalimutan siya ay nahihirapan pa rin ako. I know it's a process and it will take time for my wounds to heal pero gusto ko na talagang maka-move on. Ayoko nang isipin siya at mas lalong ayaw ko nang bumalik sa kanya. Pero sa bawat pilit kong kalimutan siya, laging bumabalik sa isip ko kung paano kami nagsimula at paano rin natapos.

I wiped the tears on my face at kinalma ang sarili ko. Hanggang kailan ba kasi ako iiyak? Hanggang kailan ko ba dadalhin ang sakit sa dibdib ko?

"Tapos na, Dane. Bakit ka iiyak-iyak diyan? Kasalanan mo rin kasi nagpauto ka," parang baliw na sabi ko sa sarili ko. Pero may bagong mga luha ulit ang tumulo. Nakaka-frustrate na.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak and just decided to shower. Siguro kailangan ko lang ng gagawin para mawala sa isip ko 'yon. Aaliwin ko na lang ang sarili ko.

I decided to go to a mall alone. May lakad rin kasi si Mel kaya hindi ko na inabala. Ayaw ko ring magmukmok sa boarding house at baka kung ano pa ang maisip kong gawin.

Naglalakad-lakad lang ako nang makaramdam ako ng gutom kaya dumiretso na lang ako sa fast food na madalas kong kainan. Kaso nang makarating doon ay nakita ko ang table na madalas rin naming upuan ng ex ko kapag kumakain doon. Muntik na namang tumulo ang luha ko kaya bago pa man mangyari 'yon ay umalis na ako at naghanap na lang ng ibang kakainan. Iyon nga lang ay nawalan na rin ako ng gana kaya dumiretso na lang akong supermarket para mag-grocery at bumili ng maraming pagkain.

"Dane?" Someone called and my heart automatically felt a pang. There's no need for me to turn my back to see who it is. I am familiar with his voice.

Very familiar.

For a moment, I was thinking of running away to avoid this situation. But it was too late. I'm already facing him. Mas lalo lang akong magmumukhang tanga kapag tumakbo pa ako. Pero kung sakali namang maisipan kong tumakbo ay hindi ko rin ata magagawa kasi parang naka-glue ang mga paa ko sa sahig. Even my legs don't even know what to do. I'm doomed. And right there, my whole body froze.

"Uy," as usual ay parang tangang sagot ko.

Sinong gaga ang sasambit ng 'uy' sa harap ng ex niya na para bang walang nangyaring sakitan?

And yes, I'm facing my ex right now.

And he's standing beside his new.

Eventually (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora