Chapter 7

199 12 6
                                    

Chapter 7

Nakauwi na ako sa boarding house pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Nakaka-frustrate na kasi ilang beses na akong uminom ng tubig and inhaled-exhaled pero ganoon pa rin. Wala naman akong dapat ikakaba pero bakit ganito?

Still frustrated, I took a bath and changed into my pajamas. Ipapanood ko na lang 'to ng kdrama at baka mawala pa.

So I grabbed my laptop and browsed for an interesting kdrama to watch. Buti na lang the internet's not a bitch right now.

Whenever I need a diversion from reality ay sa kdrama agad ako kumakapit. Nagkakaroon kasi ako ng sariling mundo kapag nanonood ng kdrama. It makes me calm kahit na minsan ay intense ang pinapanood ko. Kasi mas gugustuhin ko pang problemahin ang problema ng mga bida sa kdrama kesa sa sarili kong problema.

It was so hard to choose which kdrama should I watch because clearly, there are a lot of interesting series. Gusto ko nga sanang panoorin lahat nang sabay but it would be impossible. Isa lang muna and the rest will follow.

I ended up choosing Go Back Couple. It was about a married couple that are about to get divorce. But even before they get to sign for their divorce ay nagbalik sila sa nakaraan, where everything started. They met again as college students and tried to change everything.

Hindi ko alam ano nang kasunod because I didn't get to finish it. Ilang episodes na lang at matatapos na ako pero kailangan kong matulog kasi may class pa ako. Ayaw ko namang makatulog sa klase.

Kaya kinabukasan ay bitbit ko ang laptop ko to school so I can watch the remaining episodes during my vacant time.

"Iniyakan mo na naman ba ang ex mo?" Bungad sa akin ni Melody nang makapasok ako ng classroom. Nandoon na rin si Fiona. Pareho na silang nakaupo sa pinakalikuran ng classroom. And like the usual, they saved a seat for me. Ayaw kasi talaga naming nalalayo sa isa't-isa. Yeah, we're that clingy.

"Hindi ah," agad na sagot ko. Because it's the truth. Napuyat ako sa kakanood ng kdrama tapos may mga scenes pang nakakaiyak kaya nakikiiyak rin ako.

"Ba't ganyan mata mo?" Mel queried.

"Let me guess," Fiona butted in. Sabay kami ni Melody na napatingin sa kanya. "Kdrama 'no? Nakakaiyak?" She asked. I nodded with a smile. She knows me so well.

Since wala pa namang instructor ay inilabas ko muna ang laptop ko to continue watching. Pero hindi ko pa man nasisimulan ang panonood ay ginulo ako ni Melody.

"Nakita ka daw ni Kuya Ethan kahapon?" Tanong niya. Kinunutan ko siya ng kilay.

Ang daldal naman ata ng Kuya niya.

"Hinanap ka niya sa akin kahapon," walang ganang sagot ko.

"Tapos?"

"'Yon na 'yon."

"Iyon na? Wala nang ibang nangyari?" She questioned. I shook my head as response at ibinalik ulit ang tingin sa laptop ko.

Of course I won't tell her na hinatid ako ng Kuya niya sa Student Center. Baka isipin niya pang big deal sa akin 'yon kahit hindi naman. Kasi hindi naman talaga.

Ipi-play ko na sana ang papanoorin ko kaso dumating na Instructor namin. Asar.

•●•

"Gala tayo this weekend," biglang sabi ni Fiona. Nasa Library kami ngayon, doing some of our home works. May exam kasi kami bukas kaya gustuhin ko mang tapusin ang Kdrama na pinapanood ko ay kailangan ko munang mag-aral para sa exam. Di ko pa afford magka-singko.

"Beach?" Mel asked.

"Yes please!" Mabilis namang sagot ni Fiona.

Di na ako nakisali sa pinag-uusapan ng dalawa. Basta gala ay sila talaga nag-o-organize. Umaambag lang ako at sumasama.

Eventually (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon