Chapter 25

172 9 0
                                    

TW: Mention of suicide and depression

Chapter 25

I was supposed to go to the bank today para i-deposit iyong cheke na bigay sa akin ng Tita ko. Kaso we're so busy. Sobrang daming gagawin for the finals- exams, papers, projects, and such. Halos kulang-kulang na nga kami sa tulog.

Kahit sina Melody at Fiona na mga reklamador ay wala nang time para magreklamo. Sobrang dami kasing dapat aralin at ipasa. Hindi naman kami pwedeng magpabaya kasi mostly sa mga subjects namin ay prerequisite ng Practicum namin. Kapag naibagsak, hindi kami makakapag-OJT which would mean we'll be delayed. Ayaw naman naming mangyari 'yon.

"Ahhhh! 'Wag niyo 'kong guguluhin!" Biglang sabi ni Fiona. Sabay kaming napatingin sa kanya ni Melody, parehong nakakunot ang mga noo.

"Naano ka, girl?" Melody asked.

"'Yong Tita ko na nanay ni Bee text nang text sa akin. Kesyo bantayan ko daw anak niya. 'Wag ko daw hahayaang mag-isa. Lagi ko daw samahan. Si Tita, parang hindi ata aware na may sarili akong buhay," Fiona stated.

Pareho kaming natigil ni Melody sa ginagawang pagri-review. Siguro break time na rin namin. Baka tuluyan na kaming mabaliw kung hindi kami titigil saglit.

Madalas makwento ni Fiona iyong pinsan niyang si Bee. Bigla na lang kasi 'yong nawawala. Walang may alam kung saan pumupunta. Kinakabahan ang lahat sa kanila kasi may history siyang muntik nang kunin ang sariling buhay.

We really think Bee needs help kaso iyong parents niya hindi naman naniniwalang totoo iyong depression. Pressured kasi 'yon kasi achiever 'nong high school tapos 'nong nag-college nahirapan na. Kaya siguro ganoon na lang siya ka-down. Kahit naman siguro ako, malulungkot. Dagdagan pa ng mga taong wala nang ibang ginawa kundi pumuna sa buhay ng iba. Kaya naiintindihan ko si Bee. Life's just really unfair sometimes. Kailangan niya talaga ng tulong pero ayaw siyang ipatingin ng parents niya kasi nag-iinarte lang daw siya.

This really makes me sad. Marami talagang hindi naniniwala na totoo 'yong mental problems. Nakakalungkot kasi imbes na tulungan, nasisisi pa kung bakit nagkaganoon. Hindi naman kasi lahat pareho ng capability at stability. Hangga't hindi nila nararanasan, hindi sila maniniwala. That's just... disappointing.

"Naiintindihan ko naman si Bee. Kung pwede lang, sasamahan ko talaga all the time. Pero kasi hindi sa lahat ng oras available ako para sa iba. May sarili naman kasi akong buhay," Fiona added.

"True. Ngayon, nag-aalala sila. Sana kasi sinuportahan nila si Bee at ipinatingin," Melody butted in.

"Sinabihan ko siyang tutulungan ko siya. Maghahanap kami ng Psychiatrist na pwedeng makatulong sa kanya. Sabi ko, tutulungan ko siya sa gastos. Hindi naman ako mayaman. Wala din akong maraming pera pero may konti akong ipon. Kaso ayaw niya. Ayaw niya talagang humingi ng tulong sa iba," malungkot na sabi ni Fiona. "Sobrang laki ng pinagbago niya."

"Pero kasi kailangan niya rin tulungan sarili niya?" Melody mumbled.

"Kapag kasi nasanay kang tumayo sa sariling paa, minsan mahihirapan ka talagang i-acknowledge 'yong thought na pwede namang humingi ng tulong," I said. "Kailangan talaga ngayon ni Bee ng strong support system."

"Oo. Hindi ko naman siya pababayaan. Hindi ako mapapagod sa kanya kasi pinsan ko 'yon, best friend ko rin 'yon. Ngayon lang talaga, kailangan kong unahin ang sarili ko kasi kung hindi, mababagsak ako!"

"Labas tayo after finals. Isama natin si Bee," Melody suggested.

"Gusto ko ngang yayain pero ayaw din lumabas eh. 'Yong friends niyang sina Faith, niyayaya din siya. Kaso napi-pressure din ata siya sa mga kaibigan niya. Ang hirap talaga."

Eventually (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora