Chapter 17

150 6 1
                                    

Chapter 17

After having breakfast at Melody's, sabay na kaming umuwi ni Fiona. Nang makauwi sa boarding house ay naglinis lang ako ng katawan at humilata lang sa kama. Parang ayaw maging productive ng katawan ko ngayon kaya hahayaan ko na lang. Deserve kong magpahinga pagkatapos ng mga pinagdaanan ko hindi lang sa acads pati na rin sa personal life ko. I am not okay but it's okay. Babawi na lang ako kapag okay na ako at kaya ko nang kumilos ulit. I shouldn't force myself.

Ilang minuto rin akong tumitig lang sa kisame, sinusubukang huwag mag-isip ng kung anu-ano. Until I thought of opening my social media accounts. I deactivated those pero ang sabi naman nina Melody, the issue already subsided. Kaya safe naman sigurong sumilip ako kahit sandali lang.

I still received a lot of notifications but those were from last weekend. Hindi ko na lang pinansin.

Until one notification caught my attention.

Ethan Jay Alonzo sent you a friend request.

Naramdaman ko na naman iyong pamilyar na pintig ng puso ko. But I still chose to dismiss it.

I accepted Kuya Ethan's friend request and continued to check my messages.

Marami akong messages na hindi pa nababasa, to which are mostly about me and Kevin. Iyong mga hindi ko kakilala at ka-close ay in-ignore ko para mapunta lahat sa spam. Ayaw kong may bahid ng pang-uusisa nila sa messages ko. Iyon namang mga kilala at ka-close ko talaga ay nireplyan ko, iyong mga alam kong genuine ang concern sa akin, hindi iyong alam kong gusto lang sumagap ng chismis. Wala akong time para sagutin lahat ng pang-uusisa nila na pwede nilang gamitin against me. Maraming mapanghusga sa mundo kaya mas pipiliin ko na lang manahimik kesa ipaliwanang ang sarili ko. Sayang ang effort kung sarado naman mga utak nila.

I was about to go back to my feed to scroll when a message popped up.

Ethan Jay: Hey. Thank you :)

I stared at the screen. And bit my lower lip to stop myself from smiling.

Wala lang 'to. Mabait lang talaga si Kuya Ethan.

I just replied with a gif saying 'you're welcome' at agad rin akong nag-log out para matulog na lang. Baka kung ano pang katangahan ang magawa ko.

•●•

The next few days went like a blur. Mostly ay sa acads lang ako nakatutok. Sunod-sunod rin ang naging exams and other assessments kaya wala ako masyadong time para mag-entertain ng ibang bagay sa utak ko.

One Saturday, we had to finish a project. Kasama ko sa grupo sina Fiona at Melody. We decided to do the project at Mel's house. I was even going to opposed to it pero hindi ko na lang ipinagpatuloy. Baka kung ano pa ang isipin ng dalawa.

They said we should meet at 9 am. 8:30 pa lang ay umalis na ako sa boarding house. During the 30 minutes, I tried to calm myself.

Bakit naman ako kakabahan?

Bakit ako mahihiya?

Bakit ganito nararamdaman ko?

No. I should calm down. For sure naman wala namang ibang meaning mga ginagawa ni Kuya Ethan. Sure, tatanga-tanga ako. Ang dami ko nang kagagahan na ginawa sa harap niya but that shouldn't faze me.

Si Kuya Ethan lang 'yan. Hindi niya naman siguro ako jina-judge. And if he does, anong pakialam ko?

"I am calm. I am not panicking," I told myself when I was already in front of their gate. Hindi pa ako nagdo-doorbell. Binigyan ko pa ng oras ang sarili kong huminga.

Eventually (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon