Chapter 6

251 13 6
                                    

Chapter 6

After class ay tumambay pa ako sa classroom para tapusin ang isang assignment na di ko man lang nagalaw last night. Bukas pa naman 'to ipapasa pero wala kasi akong ganang gumawa ng acad-related stuff sa boarding house later. Kaya tatapusin ko na lang dito.

Nauna nang umuwi si Fiona kasi nag-aalala pa rin siya sa pinsan niyang di pa rin umuuwi. Si Melody naman ay nauna na ring umalis kasi may meeting pa siya sa isang org niya. Kaya heto ako at naiwang mag-isa, which I don't really mind. Medyo sanay na rin kasi akong nag-iisa.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad na akong nagligpit ng mga gamit para makauwi na. Habang pababa naman ng stairs ay iniisip ko kung anong pwede kong gawin mamaya sa boarding house. Baka magma-marathon ako later. But I can't choose if I should watch Friends or The Big Bang Theory or How I Met Your Mother. Maybe I'll just watch a Kdrama later. Sana lang hindi bitch ang internet connection para ma-enjoy ko naman kahit papaano ang pag-stream. Kapagod nang mag-download eh. Ayoko ng pinaghihintay.

Hapon na kaya wala nang araw 'nong lumabas ako. So I decided to just walk going to the Student Center. Dadaan lang ako saglit to eat early dinner para diri-diretso na ang marathon ko later.

May ilang students rin ang naglalakad pababa. May ilang grupo-grupo at may iba rin namang loner kagaya ko kaya di na ako ganoon kalungkot.

I put on my earphones and played my playlist on shuffle.

Diretso lang akong nakatingin sa harapan, sinusubukang huwag isipin na broken hearted ako. Ayoko munang magdrama. Nakakapagod.

Habang naglalakad ay napansin ko iyong isang motorsiklong sinasabayan ako. Dahan-dahan lang ang takbo niya na para bang sinasabayan ako sa paglalakad. Nang lingunin ko ang driver ay naka-helmet siya kaya hindi ko alam kung sino 'yon.

I tried not to pay attention to whoever it was saka binilisan na lang ang paglalakad ko. Baka mamaya kidnapin pa ako nito. Nakakatakot naman. Broken hearted na nga ako, maki-kidnap pa ako.

Pero nabigla ako nang biglang tumigil iyong motor sa harap ko. Sisigaw na sana ako ng 'tulong' kung hindi lang nagtanggal ng helmet iyong driver.

"Sorry, natakot ata kita," sabi ng kuya ni Melody. Nanlaki pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. At saka iyong puso ko hindi magkamayaw sa mabilis na pagtibok. Bigla-bigla ba namang naghuramentado.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago tinanggal ang earphones ko saka ibinalik ang atensyon kay Kuya.

"Hindi kayo magkasama ni Melody?" Tanong niya. Nilingon ko ang kanan ko saka ang kaliwa before I looked at him.

"Obviously?" I answered. It was too late when I realized how rude I sounded. But he doesn't seem offended. Mukhang nagpipigil pa nga siya ng ngiti.

"Sorry, sorry. I mean, alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong niya, still suppressing a smile. Lumabas tuloy iyong dimple sa kanang pisngi niya. It made him look more charming.

Shemay.

"Nasa meeting ng org niya," sagot ko. Medyo nakakaramdam na naman ako ng kahihiyan kasi medyo nasa gitna pa kami ng daan at bawat dumadaan na sasakyan ay bumubusina na.

"Hindi ko kasi siya ma-contact. May pupuntahan kasi kami dapat," he mumbled. Hindi ko na tuloy alam kung anong susunod kong sasabihin.

"Ah... okay?" Parang tangang sagot ko.

"Ikaw? San ka ba papunta?"

"Student center po," sagot ko. Naroon kasi ang mga masarap na kainan.

"Hatid na kita. Baka doon ko na rin kasi hintayin si Melody."

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now