Chapter 20

154 5 0
                                    

Chapter 20

I have a feeling that Ate Marian likes Kuya Ethan, and maybe, just maybe, it's mutual. Kakaiba kasi iyong closeness nila. Alam ko namang pwedeng magkaibigan lang talaga sila, pero kasi, parang iba 'yong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila. Kaya ayaw kong makisawsaw.

Lumipas ang mga araw na hindi ko nirereplyan si Kuya Ethan. Nagsimula na rin kasi ang panibagong sem. I chose not to open my social media accounts. Medyo mahirap din kasi isingit 'yon sa schedule ko these days kasi may pasok na tapos hindi ko pa tapos iyong kontrata ko sa isang client. Kapag natapos 'yon, saka lang ako titigil sa part time ko.

"Girl, kakasimula pa lang ng sem uy. Bakit mukhang hindi ka nakatulog? Acads agad?" Bungad sa akin ni Melody. I was walking on the hallway going to our classroom nang sabay silang dumating ni Fiona at sinabayan na ako sa paglalakad.

"Kdrama 'no?" Hula ni Fiona.

Nakangiti akong umiling sa kanila. "Hindi. Kahit 'yan, di ko maisingit eh. May tinatapos lang akong trabaho."

"Ah, 'yong part time," Fiona murmured. Tumango ako.

"Tapos niyo na activity natin?" Tanong naman ni Melody.

"Natapos ko 'yon kahapon during lab," I replied.

"Sana all," Melody mumbled.

"Friday pa deadline 'non diba?" Fiona grumbled.

"Yeah. Friday pa naman," sagot ko.

"May mali kasi sa akin kaya hindi ko matapos-tapos," Melody said.

"Ayaw mag-run?" I asked. Iyon kasi madalas mga mali sa activity namin. Mostly, dahil sa wrong codes. "Gusto mo i-check ko mamaya?" I offered. May dalawang oras kaming bakante after nitong unang klase namin kaya may free time ako.

"Okay lang ba? Baka pagod ka na," Melody said.

"Hindi naman. At saka okay lang. Mamaya na lang sa free time natin."

Biglang umirit si Melody saka naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. "Thank you! Hulog ka ng langit!"

"Ikaw, Fiona? May problema sa code mo?" Tanong ko.

"Naayos ko na kagabi. Pinagpuyatan ko," she replied. Tumango na lang ako.

"Ay, sana all," Melody murmured. "Napag-iiwanan ata ako ng mundo."

"Hindi uy! Nahirapan nga ako. Iniyakan ko nga ilang beses kagabi," Fiona stated. "Muntik na akong tumawag ng saklolo kay Dane."

We finally reached the classroom and so far, wala pa namang instructor kaya nagpatuloy lang sa pagdadaldalan ang dalawa.

"May naisip na kayo saan kayo magpa-practicum?" Tanong ni Fiona. Iyon 'yong parang OJT namin. Naka-schedule 'yon ng midyear, pagkatapos ng sem na 'to.

"Tagal pa 'non," Melody mumbled. "Ipapasa ko muna 'yong mga prerequisite na subjects. Tapos saka ko na poproblemahin," she added. "Nabanggit pala 'yan ni Kuya. Baka gusto ba daw natin sa company nila."

Just the mere mention of him made my heart skip a beat. Ano ba 'to. Parang tanga naman.

"Parang nakakahiya naman," natatawang sabi ni Fiona. "Baka mamaya doon ako tapos makita niya pangit performance ko, edi nalait ako."

"Ito naman! Hindi naman judgmental kuya ko!"

"Hindi natin sure," Fiona replied teasingly. "Ikaw, Dane? May naisip ka nang company?"

I thought of those times na nakakapag-usap kami ni Kuya Ethan. He also mentioned it to me before. Kung gusto ko daw sa kanila mag-OJT, he said he can pull some strings. Eh nahiya ako kaya humindi ako. Ayoko namang isipin ng iba kong blocmates na may connection ako kaya nakapasok ako sa magandang company.

Eventually (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon