Chapter 16

159 7 1
                                    

Chapter 16

Parang binibiyak ang ulo ko. Para akong nasusuka. Umiikot pa rin ang paningin ko.

I tried to sit on the bed and looked around. Katabi ko sa kama si Fiona na mahimbing pa rin ang tulog. Si Melody naman ay sa sahig natulog. 

Heto na naman tayo sa hangover. Dagdagan pa ng mga nangyari kagabi na isa-isang bumalik sa isip ko! I groaned. Gusto kong sabunutan ang sarili ko and when I actually thought about doing it, bigla kong naramdaman ang pag-aasim ng bibig ko. Oh my God, I'm gonna throw up!

Mabilis akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo na nasa labas pa ng kwarto ni Mel. Saglit kong naisip na baka makita ako ni Kuya Ethan pero saka ko na lang iyon iisipin kapag nailabas ko na lahat. I made sure to reach the comfort room saka hindi na pinigilan ang pagsuka.

Ang sakit-sakit ng tiyan ko nang matapos ako sa pagsuka. I could even feel some tears spilling from my eyes. Kakagising ko lang pero iyong lakas ko napunta doon.

Ayoko pa sanang lumabas ng banyo kasi nahihiya ako at baka makasalubong ko si Kuya. But I have to kasi hindi ko naman pagmamay-ari itong banyong 'to. Siniguro ko lang na nakapaghilamos ako nang maayos at malinis kong iiwan ang banyo. Nakakahiya naman kung iiwan kong may bahid ng dumi ko.

Isang mahabang paghinga pa ang ginawa ko bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto ng CR. The idea of seeing Kuya Ethan just makes me nervous. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ang dami ko na talagang kahihiyan na ginawa sa harap niya.

He was not there when I went out of the comfort room kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ni Mel. Kaso saktong paghawak ko sa door knob ay ang pagbukas ng pintong katabi 'nong kay Mel. My heart hurriedly drummed inside my chest.

"Hi," narinig kong bati ni Kuya.

"Hello po," mahina kong sagot. Hawak ko pa rin iyong door knob habang dahan-dahan lumingon sa kanya.

"Gising na ba si Mel?" He asked.

"Hindi pa po," I replied.

"I see," he mumbled. "I'll just... prepare some breakfast. Labas lang kayo kung magutom man kayo."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko when I asked, "kailangan niyo po ng tulong?"

"Are you sure?"

Bawiin mo! Sabihin mo masakit ang ulo mo! You're putting yourself in an awkward situation!

Tumango ako.

Dane, you are stupid.

I saw him smile a little and nodded his head. He gestured for me to follow him to the kitchen. Kinurot ko pa ang sarili ko bago tuluyang sumunod sa kanya.

"You were drinking a lot last night. Tough week?" He suddenly asked while we were walking towards the kitchen. Hindi naman ganoon katagal ay nakarating na kami doon and he quickly opened the fridge to check for food to cook.

"Medyo po," I replied. "Para kina Mel at Fiona. Extra tough naman para sa akin," I added. It was too late when I realized what I just said. Shemay.

God, Dane! You're oversharing again.

Nakasandal lang ako sa kitchen counter when Kuya Ethan looked my way with a confused look.

"Extra tough? Why is that?" Tanong niya. Hindi naman nagtagal iyong tingin niya sa akin kasi mabilis na ibinalik niya ang tingin sa ref.

Dapat lang. Kasi pakiramdam ko matutunaw ako sa tuwing tumitingin siya akin. He just really has this... kind of stare that would make you feel that way. At ayaw ko ng ganoon na nararamdaman.

"Wala po," I just said to dismiss the topic.

"Do you cook?" He suddenly inquired.

"Medyo?" Parang tangang sagot ko. I heard him chuckle.

Ayan na naman tayo sa tawa niyang 'yan.

Naglabas siya ng mga ingredients mula sa ref and he told me what we're going to prepare. He also instructed me what to do and stuff.

Sobrang tahimik 'nong nagsimula na kaming kumilos. But there's something about our silence that made me feel somehow comfortable.

"How are you, by the way?" He suddenly asked. I was slicing some onions while he's beating some eggs.

Saglit akong napatingin sa kanya. Diretso lang naman ang tingin niya sa ginagawa niya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Okay naman po," sagot ko.

"And your ex? He's not bothering you anymore?" Dagdag niyang tanong. Naalala ko naman iyong nangyari 'nong gala namin, when Kuya Rap answered the call on my behalf.

"I.. already told him to stop," mahina kong sagot. Pero sigurado naman akong narinig niya kasi hindi naman kami ganoon kalayo sa isa't-isa.

"Nagkita kayo?"

I hesitated for a while pero sumagot pa rin ako.

"Pinuntahan niya 'ko," sagot ko. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto niyang mag-explain so I let him. Pinakinggan ko siya pero iyon lang 'yon. Buo iyong desisyon kong hindi na siya pabalikin sa buhay ko. He already caused too much pain."

"And that was why you went drinking and got drunk?"

Tumango ako kahit hindi ko sigurado kung nakita niya 'yon. "Fresh pa kasi 'yong sakit, Kuya. When we ended, I thought that was it. Pero andami palang atras-abante. Mahaba pala talaga ang proseso."

"Ganoon talaga. The important thing is you're not beating up yourself," he mumbled. This time, I could feel him looking my way. "None of it was your fault."

Tumango ulit ako bilang pagsang-ayon. Totoo naman. Hindi naman ako nagkulang. Kung meron mang pagkukulang, hindi pa rin 'yon sapat para lokohin 'yong taong sinasabi mong 'mahal' mo. There's no right reason to cheat. It's not my fault.

"I'm enough. I know I'm enough," I whispered, more to myself, than to anyone.

"I'm glad you know that," he commented.

"Salamat nga po pala," sabi ko. "Sa pasensya, sa pagsundo... sa lahat, Kuya. Pati na rin sa abala kagabi," I added. Nilingon ko siya and I found him already staring. Tapos na siya sa ginagawa niya kaya nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin.

"'Nong inalagaan mo 'ko 'nong unang beses kong malasing. 'Nong nakita mo 'kong nagpapakatanga sa harap ng ex ko sa mall. You were there and you never let me looked like a fool."

He gave me a small smile so I did the same.

"Thank you for being so warm kahit hindi tayo ganoong magkakilala," dagdag ko.

"You're Melody's friend. I guess that makes me your friend too?"

"Yeah. I think-"

"GOOD MORNING!!! MAY HANGOVER AKO. ANONG ULAM?" Narinig kong sigaw ni Melody. Sabay sila ni Fiona na papalapit sa amin. Parehong kagigising lang. I laughed after seeing their faces. Mukhang sabog na sabog kasi.

"So we're friends," I heard him whispered. Hindi ko na iyon inalala and just smiled at the thought.

We're friends.

And I'll continue moving on.

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now