Chapter 1

560 16 1
                                    

Chapter 1

The moment I opened my eyes, I realized I wasn't at my room. Yeah right, I'm at Melody's place and I got drunk last night. First time ko atang malasing and truly, it doesn't feel nice at all.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga and just sat on the bed, my hands massaging the side of my head. It hurts. Parang binabasag ang ulo ko. Ano ba kasi pumasok sa utak ko at pumayag akong malasing! May kagagahan rin talaga ako eh. Alam ko naman na hindi ko kaya pero ipinagpilitan ko pang uminom.

"You better get up and eat. Para makainom ka ng gamot para diyan sa sumasakit mong ulo dahil sa hangover," somebody said. Agad akong napatingin sa may pinto and saw a guy leaning on the doorway, his hands on his pockets. He's looking at me seriously.

Oh my god! Kuya ni Melody!

Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung paano ako nakapunta dito sa kwarto eh hindi naman ako kayang buhatin ni Melody. Pakshet, si kuya pa ata ang bumuhat sa akin!

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo kahit na sobrang sakit ng ulo ko. Muntik pa akong lumanding sa sahig. Buti na lang may sumalo sa akin. Pero shemay, kuya na naman ni Melody! Nakaka-quota na talaga ako.

"Pasensya na po," agad na sabi ko nang makalayo na mula sa kanya. Tae. Nakakahiya na talaga ako.

"Mel left for a while. Babalik rin 'yon mamaya," he said.

"Ganoon po ba? Uhh, sige po. Mauuna na rin siguro ako. Maybe I'll just go. Pakisabi na lang rin po kay Mel-"

"No. You'll gonna eat breakfast. Binilin ka niya sa akin," matigas na sabi niya. I could hear authority in his voice which made me sit on a dining chair. Shet. Nakakatakot naman pala ang Kuya niya. Di niya naman ako in-inform. At bakit niya rin ako iniwan kasama kuya niya! Ugh Mel!

He sat in front of me and began putting food on his plate. I started to do the same and just remained quiet. I can't even dare to talk right now. Nakaka-intimidate kasi si kuya. And to think we're just alone here. Oh my God, this looks like a couple's thing!

Sobrang tahimik niya. Hindi siya nagsasalita and it's getting awkward. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor at pinggan ang naririnig ko.

"Uhh kuya," I interrupted. I'm not really that talkative. Pero ewan ko ba, parang nakakahiyang manatiling tahimik. Kausapin ko na lang 'to kapalit ng kabutihan niya.

He made a glance at me for a second. Ano ba sasabihin ko?

"Ilang taon ka na po?" I asked. It was too late when I realized how lame my question was. Para may mapag-usapan lang eh.

I heard him chuckled. Did I just make him laugh? Shemay.

"I'm 24. You're 19, right?" He stated. Of course he knows kasi magka-edad lang naman kami ng kapatid niya.

"Opo. Turning 20 in a few months. So... may girlfriend ka?" I suddenly asked. Napansin ko kasing gwapo siya and he seemed nice kahit na parang suplado ang mukha niya. And he has dimples! Sa parehong pisngi pa! Imposible namang walang girlfriend 'to. Eh siya ata iyong tipong hinahabol ng girls.

He then chuckled again. He even shook his head while smiling.

Ay, ang pogi nga.

"Single. Things like that aren't really my thing," he replied. Oh. "Hindi ata bagay sa akin ang magka-girlfriend. I suck at it."

"Wala namang binabagayan 'yong love, Kuya. Siguro... it's not yet the right time? You won't suck at something if it's really meant for you," I murmured. Naks. Saan ko nahugot 'yon?

He chuckled again. Mahilig naman palang tumawa itong si kuya. He should do that more often para hindi siya mapagkamalang suplado.

"Classmates kayo ni Melody, diba?" He asked and I nodded. "I see," he responded. "Computer Science din."

"Opo. Sa school po kami nagkakilala ni Melody," I answered.

"Bakit ka nga pala naglasing kagabi?" He suddenly asked na muntik nang nagpatigil ng sistema ko. Paano, naalala kong wala na pala akong boyfriend at nagsayang lang ako ng oras at effort para lang mapatagal ang akala kong true love na. Leche.

"Gusto lang pong lumimot," I replied.

Naalala ko rin kung paano ako ipinahiya ng ipinalit sa akin ng ex ko. Kulang na lang ipangalandakan niya sa buong facebook world na wala akong kwentang girlfriend. Kesyo hindi ko raw man lang mabigyan ng oras ang boyfriend ko kaya sa kanya lumapit. Alangan naman unahin ko siya, ano? Eh mas mahalaga naman sa akin ang huwag magka-singko sa records ko. Pero nakakainis lang talaga kung paano sya umasta. Eh second choice lang naman siya.

Second choice nga ba? Eh siya ang pinili.

Ugh. I hate my thoughts sometimes. Pakiramdam ko sinasaktan ko rin ang sarili ko.

"Sige nga, spill," he grumbled and my eyes grew wide. Seryoso ba siya?

"'Wag na kuya. Nakakahiya naman sa 'yo. Nakakahiya namang ikwento kung paano ako niloko ng leche kong ex. Akalain mo 'yon? Ipinagpalit niya ako sa isang high school student? Kuya, sa isang minor! Hindi man lang siya pumili ng at least masasabi ko man lang na mas better sa akin? Nakakainis! Nakaka-insultong isipin. Tapos ilang buwan na pala silang may contact ng isa't-isa at may pasahan pa ng voice message na nagaganap. Nakakahiya, ano?" I stated at mukhang hiningal ata ako doon.

Bigla naman akong nagulat 'nong biglang tumawa nang malakas si Kuya. Napatingin agad ako sa kanya and thought of something funny about what I said. Wala namang nakakatawa kaya bakit siya tumatawa? Tinatawanan niya ba ako at ang problema ko?

Napansin niya atang nakakunot na ang noo ko habang nakatingin sa kanya kaya tumigil na siya sa pagtawa at sumeryoso nang konti ang mukha niya.

"Sorry. Akala ko kasi hindi ka magkukwento. But you just shared your story," he said. Sinabi ko ba?

"Ah basta. Ipinagpalit niya ako. Pero siguro, mas maganda 'yon sa mga mata niya. Siguro kapalit-palit lang talaga ako," I murmured and suddenly ay naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Pesteng mga luha 'to.

"Hey," biglang sambit ni Kuya. Agad akong napatingin sa kanya kasi napayuko pala ako. At hindi ko rin alam kung tama bang parang may narinig akong pag-aalala sa boses niya.

"Wag kang mag-alala, Kuya. Hindi ako iiyak. Matibay na ako," I grumbled.

"Hindi. I shouldn't have asked you. Sorry," dagdag niya.

"Hindi talaga Kuya. Okay lang talaga. Wala kang kasalanan," I assured. Kasi naman, parang nagi-guilty rin ako na nagi-guilty rin siya. Ang hirap tuloy lumunok. Nakikikain pa naman ako.

"But you shouldn't feel that way. You're beautiful. You're smart. You're more than fine. You're almost perfect. At hindi ka kapalit-palit. In fact, he doesn't deserve you. You deserve someone who will love you the way you should be loved. You don't deserve someone as asshole as your ex," he said, his voice laced with sincerity.

Bigla ay parang gusto ko ulit maiyak. Hindi dahil naalala ko ang ex ko at ang ginawa niya kundi dahil parang may kung anong comfort na yumakap sa puso ko... a comfort na ngayon ko lang naramdaman.

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now