Chapter 24

144 7 0
                                    

Chapter 24

I used to be excited whenever my birthday comes up. Lagi kasing may pa-surprise at regalo si Kevin. We don't really go on dates pero kapag birthday ko, he always drops everything for me. Pero hanggang reminisce lang ako. Even if we're given another chance, I don't think I can be with him again. Not after what he did.

Nang magising ako ng madaling-araw, iyong greetings agad nina Melody, Fiona, at Ate ang una kong nakita. Si Ate uuwi daw para makapag-celebrate kasama ako. Pagkatapos kasi nitong birthday ko, magiging sobrang busy ko na kasi malapit na finals week at magpi-prepare na kami para sa Practicum namin this summer.

Gusto sana ng parents ko na umuwi ako para makapag-celebrate kami sa bahay since natyempong Sabado iyong birthday ko. Pero ayaw ko talaga. Kaya sina Mama na lang daw ang pupunta dito and we'll have  lunch later. Kailangan din kasi nilang umuwi agad pagkatapos. Then sa dinner, sina Melody at Fiona naman ang kasama kong magsi-celebrate.

Since hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog, bumangon na lang ako't gumawa ng ilang homeworks para wala akong iisipin mamaya.

My phone suddenly beeped. When I checked it, may isang message from an unknown number.

Happy birthday, Dane. I wish nothing but happiness for you. Enjoy your day.

Hindi ko alam kung sino iyon kaya napakunot-noo na lang ako. Magrireply sana ako para itanong kung sino 'yon kaso natakot ako. I could only think of two people- my ex or Kuya Ethan. Pero naisip ko rin, baka ex ko 'to. Hindi na kasi talaga kami nag-usap ni Kuya Ethan. Lalo na 'nong malaman ko iyong totoong nararamdaman ni Ate Marian para sa kanya. Wala eh. Parang ayaw ko nang makigulo. Wala na rin namang nababanggit si Mel so baka lumipas na rin 'yong gusto ni Kuya, kung totoo mang nagkagusto siya sa akin.

But I still feel sad. Hinihintay ko pa ring magtext siya. Kahit simpleng "HBD" lang, okay na siguro ako.

I shook my head because of these things running in my head. Ang kapal ko naman atang humiling ng greeting kay Kuya Ethan gayung ako itong hindi na nagparamdam.

Pero ang hirap kasi. Nakakagulo.

Nang mag-umaga na, nagpadeliver na lang ako ng pagkain. Tinamad na kasi akong mag-prepare ng makakain. Saka birthday ko naman. I deserve to eat whatever I want to eat today.

Almost two minutes after I placed my order, my phone suddenly rang. It was an unknown number. Kahit kinakabahan ay sinagot ko iyon. Baka kasi importante.

"Hello?"

"Hello, Ma'am? Food panda po," the other person said from the other line. Napatingin ako sa cellphone ko at nagtaka. Ang bilis naman ata dumating 'nong order ko?

"Ah, sige po. Bababa na po ako. Salamat po," I murmured.

I went out of the boarding house to get the food. Baka alam nilang birthday ko kaya binilisan nila pagdeliver? Pero 'yong store kung saan ako nag-order, hindi naman ganoon kalapit. It's weird.

"Danielle Anne Samonte po?"

"Opo," I replied.

"Heto po order niyo. Paid na po 'yan," sabi 'nong nagdeliver.

Napakunot-noo ako kasi hindi naman iyon ang inorder ko. "Kuya, hindi po kayo nagkakamali? Hindi po kasi ako nag-order nito," I said.

Napa-check naman si Kuya and looked at me with a smile. May nagpa-order daw. When I knew who sent it, napalunok na lang ako.

Maybe this is his way of greeting me?

Tinanggap ko na lang kasi sayang naman. Baka makaabala pa ako sa foodpanda rider.

This morning, I ended up with two set of meals. Busog na busog ako. Paano pa kaya mamaya?

•●•

There's nothing much happened during our lunch. Pumunta iyong ilang relatives namin and I received some cash as gift. Iyong isang Tita kong mayaman, nagbigay pa ng cheke. My eyes almost widened upon seeing the amount. Pwede nang pambayad ng tuition pero wala naman akong binabayarang tuition kasi scholar ako. So baka itabi ko na lang muna.

We just really had lunch and a little conversation. Pumunta lang talaga ang parents ko para sa lunch saka umuwi rin agad. Ganoon rin si Ate kaya hindi na kami nakapag-bond after. Tumambay na lang ako sa coffee shop hanggang sa kami naman nina Melody at Fiona ang magkikita.

"Happy birthday, Danielle!!!" Malakas na bungad ni Melody nang makapasok sa coffee shop kung nasaan ako.

"Maligayang kaarawan, beshie! It's your day to shine!" Dagdag naman ni Fiona.

May dala si Fiona na isang box ng cake samantalang si Melody naman ay may hawak na balloons. Salitan sila sa pagyakap sa akin bilang pagbati.

Well, I don't have a boyfriend to surprise me today. But I have best friends and I think this is way better.

"Ahhh! Excited na akong kumain! Samgyup ha!" Masayang sabi ni Melody. Tumango na lang ako as I took my bag and stood up.

"Last hurrah na rin bago igapang ang finals!" Fiona mumbled. Medyo malakas iyong boses niya kaya marami ang nakarinig. May ilan pa ngang natawa.

Natawa na lang ako as I headed the way out of the coffee shop. Nakapagpa-reserve na kami sa isang samgyup place sa malapit. Sinabi ko nang ako na bahala ngayon kasi may pera naman akong natanggap as gift. Actually, nagbigay din parents ko para din sana pang-celebrate ko kasama ang friends. Buti na lang dumagdag iyong ilang relatives ko. Sana pala birthday ko na lang araw-araw.

"Ano regalo ni Ate Marielle?" Melody asked.

I showed her the earrings I was wearing.

"Ay, taray. Big time talaga si Ate 'no? May pa-jewelry na," Fiona commented. Napangiti na ako. Ganoon talaga. Maraming pera si Ate eh. Saka ako lang nag-iisa niyang kapatid. Kahit nga 'yong boyfriend niya, nagpadala ng regalo para sa akin which is a bag. Gamitin ko daw kapag nag-OJT na ako.

Buti na lang pera ang bigay ng parents ko. Ayaw kong maraming bitbitin. Alam ko kasing may ibibigay itong dalawa and it would be too handful.

Pagdating sa Samgyup place, pumuwesto agad iyong dalawa and even started cooking the meat immediately. Dapat maupo lang daw ako at maghintay na may maluto. Birthday girl eh.

The dinner was fun and I proved that I don't need a boyfriend to make this day extra special. Who would need one when you have a supportive family and friends?

Kahit 'nong pauwi na kami ay hinatid pa ako ng dalawa para tulungan ako sa pagbitbit ng mga bigay sa akin. They didn't stay long though. Gabi na rin kasi.

I was all smiles while looking at the gifts I received today. Hindi pa ako ulit nagbubukas ng social media. I'm sure people flooded my inbox and timeline. I didn't check just yet. I already received the greetings that matter.

Except for one though.

And remembering it brought sadness to my heart. My smile quickly faded.

But I'm not blaming him. I know I was the one who distanced myself first.

I took a quick shower and changed into my pajamas. Saglit lang akong nagpatuyo ng buhok saka nahiga sa kama and just stared at the ceiling.

Malapit nang mag-12, which means na malapit nang matapos ang araw ko. Is it bad that I'm still hoping for a greeting from him? Iyong pagkaing inorder niya para sa akin, wala namang kahit anong note. That doesn't count as  a greeting, does it?

I took a heavy sigh and just decided to sleep. Nothing good will happen if I remain awake at this hour. Kung ano lang ang maiisip ko na baka makasakit sa akin.

But just when I  closed my eyes,  I heard my phone beeped.

Happy birthday, Dane :)

It was supposed to make me smile, but I ended up crying.

Ganito ko na ba siya kagusto?

•●•

Twitter: EessaArkisha

Facebook: Eessa del Fuerto


Eventually (Completed)Where stories live. Discover now