Chapter 3

272 9 5
                                    

Chapter 3

"It's good to see you," sabi ng gago. I'm not on the mood para makipag-plastikan pero ayaw ko namang magmukhang bitter. Kasi ngayong nakaharap ko na nang personal ang ipinalit niya sa akin, mas lalo akong naging atat mag-move on.

"Ganoon ba?" Sagot ko while pasting my fakest smile.

"Si Jessa nga pala, girlfriend ko," pakilala niya sa kasama niya. Ngayon ay na-realize ko na kung gaano kakapal ang mukha ng mokong na 'to. Nagloko na nga siya, may gana pa siyang ipakilala sa akin ang bago niya. Walang hiya talaga!

"Ah, siya ba 'yong bago mo?" I asked. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin 'yon. Siguro ay dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Napansin ko ang pagputla niya matapos kong sabihin 'yon. Pero wala akong pakialam. The moment he decided to hurt me, he gave me the reason to be mad at him. Pero itong traydor kong dibdib, ayaw magpapigil at bigla na lang sumikip. I don't know where my strength to remain standing came from. Gustong-gusto ko nang magmove on at makaahon sa pagkakadapa, pero paano ba?

No one dared to talk after it. It was so awkward I decided to break the silence.

"I just don't get why you have to introduce her to me when we just broke up recently because of her," I murmured. Hindi siya nakapagsalita kaya magsasalita pa sana ako. Pero biglang sumingit ang bago niya.

"Because he's proud I'm her girlfriend," the girl replied. Naaasar na nga ako sa kakapalan ng mukha ng ex ko, dumagdag pa siya.

"Baka naman 'his girlfriend'? Pwedeng pakiayos ng grammar?" I mumbled and her mouth hanged open. She glared at me as if she's going to kill me but I'm not scared at all.

"You know what, kaya ka iniwan kasi perfection ka masyado!" Baka perfectionist?  "Ang yabang mo! Akala mo sa 'yo lang umiikot ang mundo," the girl said again. Kating-kati na akong manampal ng hipon pero pinigilan ko lang ang sarili ko. I don't want her skin to touch mine.

I was about to snap at them when I felt someone's arm around my shoulder. Nilingon ko siya, only to find Melody's brother. Nanlaki ang mga mata ko. I couldn't move.

"Why are you letting that girl say something not true about you?" He said. Magsasalita na sana ako but I couldn't speak. I just don't know what to say.

"And you," turo niya sa gago kong ex. "How dare you show your face to Dane after what you've done?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Why is he here? Why is he even defending me?

"We better go," my ex said.

"Yeah. You should really go. At 'wag na 'wag ka nang magpapakita kay Dane," he murmured before the two left.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay bigla ko na lang naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko. Muntik pa akong matumba, pero buti na lang at nahawakan ako ni Kuya.

"Bakit mo naman pinansin 'yon?" Tanong niya habang inaalalayan akong makaupo sa isang bench.

"Hindi ko alam," I answered.

"Next time, just ignore them. Hindi mo na responsibilidad na pansinin ang ex mo sa tuwing magkakasalubong kayo. I thought you badly want to move on? You kept on saying that last night," sunud-sunod na sabi niya. Naalala ko namang nalasing ako kagabi and he was there. I bet he heard all my rants about my ex. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. What more can I say? Wala nang lumalabas na salita sa bibig ko. I just felt the need to cry.

Napayuko na lang ako. Hanggang sa naramdaman kong umalis siya sa tabi ko. Siguro nasa isip niya ang tanga ko. Maybe he's laughing at how foolish I am.

Nanatili lang akong nakaupo doon, trying to regain my strength. Kapag pakiramdam ko na kaya ko nang maglakad palayo ay saka lang ako tatayo. Baka sumubsob pa ako sa sahig. Napahiya na nga ako kanina. Ayoko munang dagdagan.

"They say ice cream helps," he suddenly said I almost jumped. Sa harapan ko ay may kamay na may hawak na isang cone ng ice cream. I looked at him and felt my face become hot. Agad akong yumuko ulit.

"Hindi mo naman ako kailangang bilhan ng ice cream, Kuya. It won't heal my pain," nahihiyang sabi ko. I realized ang OA ng sinabi ko at gusto kong sapakin ang sarili ko for it.

I heard him chuckled. Matapos 'yon ay pilit niyang binigay sa akin ang ice cream.

"Matutunaw na 'to, oh," he said kaya kinuha ko na. "Kapag umiiyak o nalulungkot kasi si Mel, lagi ko siyang binibilhan ng ice cream."

"Salamat," I just said as I began eating it. Nakaupo lang siya sa tabi ko, not saying anything. Kaya hindi na rin ako nagsalita.

"Hatid na kita. Baka mamaya makasalubong mo pa ulit ex mo," sabi niya nang matapos akong kumain. Agad akong napatingin sa kanya at sunud-sunod na umiling.

"Nako, 'wag na kuya. Hindi na kailangan. Iiwas na lang po ako kung makakasalubong ko man siya," agad na sagot ko. Ang awkward na nga na nakita niya ako kaninang nagpapakatanga sa harapan ng ex ko, tapos sasamahan niya pa ako umuwi? Hindi okay sa akin 'yon at sa pride ko.

"Are you sure?" He asked. Kasi naman, hiyang-hiya na ako sa sarili ko lalo na sa kanya. Baka mamaya may magawa na naman akong katangahan.

"Oo, kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat po," I murmured. "Sige po, mauna na ako."

Hindi pa man siya nakakasagot ay tumakbo na ako paalis. Feeling ko kasi hindi ko na matatagalang makasama sa iisang lugar ang kuya ni Melody. Feeling ko kasi talaga kaya niya ginagawa 'yon kasi tingin niya sa akin isang napakatangang nilalang.

Wala ako sa isip nang makarating sa boarding house. I guess I spaced out while going home. Buti na lang at nakauwi ako nang safe at walang nangyaring masama. Pero nang makahiga sa kama ay agad na bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari mula sa pagkikita namin ng ex ko, sa pagtatarayan namin ng bago niya sa isa't-isa, sa pagdating ni Kuya hanggang sa pagbigay niya ng ice cream sa akin.

Hindi na talaga ako babalik sa bahay nina Melody! Wala na talaga akong mukhang maihaharap kay kuya. Sirang-sira na ako sa kanya.

Meanwhile, in the other part of mind, I asked myself... why am I even caring about what Melody's brother thinks of me? Bakit ko ginagawang isyu 'to when we're not even friends in the first place?

Ah, nababaliw na nga ata ako.

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now