Chapter 23

125 7 0
                                    

Chapter 23

When Friday came, ginawa nga namin iyong plano naming uminom. Nag-aya akong sa pub na lang malapit ng boarding house uminom kasi baka nagsisinungaling si Melody. Kaso the two insisted na doon na nga lang daw kami para mas safe at para makainom ako. At least we don't have to travel home if we're already drunk.

May nakita silang recipe ng gin online kaya iyon ang ininom namin. Masarap naman, parang juice lang. Kaso iyon nga, akala ko dahil lasang juice, hindi gaanong makakalasing pero nalinlang ako. Just after a few glasses, I could feel my body heating up.

"Ayoko na," I grumbled.

"Ayaw mo na saan?" Melody asked teasingly.

"Ayoko nang uminom. Nalalasing na ata ako. Lasinggera na talaga first impression ng mga tao sa akin eh. Kayo kasi! Aya nang aya. Alam niyo namang hindi ako makakatanggi sa inyo."

The two laughed at what I said. Kita ko ring medyo lasing na si Fiona. Siya kasi iyong pinakamarami na ang nainom.

"So... usapang puso na ba tayo ngayon?" Fiona murmured.

"Kayo lang. Pass ako," sagot ko. Bahagya akong lumayo mula sa mesa. Baka ma-tempt ako at kumuha ulit.

Naunang dumating dito si Fiona kanina. Medyo tinagalan ko ang pagpunta kasi natatakot akong baka maabutan ko si Kuya Ethan. Hindi pa ako handang harapin siya kaya kailangan kong mag-ingat. Hindi pa ako sure kung totoo ba talaga itong nararamdaman ko ngayon. Seeing him would just confuse me. So 'wag muna ngayon.

"Eh ikaw lang naman may ganap sa buhay pag-ibig, girl," Melody said.

I scoffed. "Di pa nga sure, pag-ibig agad?"

The two laughed again.

"Lasing ka na ba?" Natatawang tanong ni Fiona.

"Hindi pa," sagot ko. Although I already feel so lightheaded. So far, aware pa naman ako sa mga pinagsasabi ko. "Naiihi ko," sabi ko na lang saka tumayo. Kaso mukhang umikot iyong paligid ko nang tumayo ako. I fell to the floor. Una pa pwet ko kaya masakit.

"Hala!" Mabilis na lumapit sa akin ang dalawa at tinulungan akong tumayo. Habang ginagawa iyon, patawa-tawa pa sila. Akala mo hindi rin mga nakainom.

Inalalayan nila ako papuntang CR.

"Goods ka na?" Melody asked when we reached the bathroom.

Tumango ako saka pumasok sa loob ng CR. I closed and locked the door as I walk towards the toilet bowl.

Nang maupo doon, sa saradong pinto lang ako nakatingin. I am alone in this tiny room. The door's locked and I think the two went back to the living room to continue drinking. I heard their footsteps fading away.

So I opened the faucet, letting the water flow.

Then I cried.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maybe this is because of the alcohol. Maybe this is my drunk mind making me emotional.

Pero hanggang kailan ba magiging ganito ang nararamdaman ko? Hanggang kailan ba ako tatakbo palayo sa totoong nararamdaman ko? Should I confront it? Should I stop denying it to myself?

Pero kasi... hindi pa dapat. Hindi pa ako buo.

That's just... unfair.

I'm already finished with my business here in the bathroom pero hindi ko magawang lumabas kasi patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Ano ba 'to. Ang gin talaga ang may kasalanan nito eh. Ang hirap ikontrol ng luha ko. Pambihirang gin 'yon.

Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto and that's when I realized na medyo matagal na akong nandito sa loob. Baka nag-aalala na sila sa akin.

I washed my face with water first before going out of the CR. Baka mapansin nilang umiyak ako.

Eventually (Completed)Where stories live. Discover now