Chapter 4

275 7 4
                                    

Chapter 4

"Hi, baby girl. Kumusta hangover natin diyan?" I heard Melody asked playfully. Nilingon ko siya saka sinapak sa braso.

May few minutes pa bago ang klase kaya tumambay muna ako sa kubo outside our building.

"Gaga ka. Ba't mo 'ko iniwan sa kuya mo? Baliw ka talaga!" Bulyaw ko sa kanya. She then pouted then sat beside me.

"Sorry na. Eh kasi biglang nag-aya si Ron. Hindi ko naman matanggihan kasi sino ba naman ako para tanggihan ang crush ko, diba?" She replied. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Iniwan niya ako sa kuya niya para lang makipag-date sa crush niya!

"Edi sana ginising mo 'ko. Alam mo bang hiyang-hiya na ako sa Kuya mo? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya," I mumbled. Naalala ko na naman ang mga nangyari at muntik ko nang masabunutan ang sarili ko. Nakakahiya talaga ako kahit kailan.

"Sorry na," she said. "Libre kita sundae mamaya."

"Gaga. Hindi maaayos ng sundae ang mga kahihiyang ginawa ko," sagot ko. Bigla naman siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gaga ka rin. Bakit kasi ginawa mo 'yon?" She asked.

"You know everything?" Dinaldal ba ni Kuya niya ang mga katangahan ko sa buhay?

"Hindi ko alam kung everything na 'yon. Kuya just opened up something about it. Shocked nga ako. Ngayon lang 'yon nagkwento ng ganun," she stated. Gusto ko na naman sampalin ang sarili ko. I'm sure pinagtatawanan niya talaga ako. Baka tingin niya ako na ang pinakatangang taong nakilala niya.

"Nakakahiya na talaga," parang naiiyak na sabi ko. It was my turn to pout. Pero agad rin 'yong nawala when Melody slapped my arm.

"Aray ha!" Bulyaw ko. Para akong nakuryente sa sapak niya. I looked at my arm and it was red now.

"What did you do to get my Kuya's attention?" She asked. Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Aba, malay ko. Baka gusto niya lang pagtawanan ang buhay ko."

"Hindi eh. Parang may iba. It's like... he's caring for you. Eh the last time I checked, hindi naman 'yon ganun. Sa akin lang siya ganun. Di kaya na-in love si Kuya sa 'yo?" Tanong niya na nagpatawa sa akin nang malakas.

Her brother falling in love with me? I guess that's the most impossible thing I ever heard in my entire life. Ang gwapo naman ni Kuya para magustuhan ang kagaya kong kapalit-palit.

"Gaga. Baka kasi nagki-care lang siya kasi best friend mo 'ko. Baka gusto niya lang magpaka-Kuya sa akin," I replied.

"Kunsabagay. Gusto talaga ata ni Kuya 'yang role ng pagiging Kuya eh." Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Pero okay ka na ba?"

Hearing her question reminded me I'm still not fine. Sa tuwing tinatanong ako kung okay lang ako, ayaw kong sumagot kasi alam ko sa loob ko na hindi ako okay. I'm still not fine. Siguro matagal na proseso talaga ang pagmo-move on.

"Hindi pa. Pero magiging okay rin ako," I said as I stood up para pumunta na ng classroom. It's almost 10 am. Nakakahiya naman kung rarampa na naman kaming late.

"Ililibre talaga kita sundae mamaya," sabi niya na para pang naaawa sa akin. If I know, ang saya niya kasi wala na kami ng boyfriend kong GGSS. Ayaw na ayaw niya kasi dun. Even before, she's been telling me na feeling niya ay lolokohin lang ako at ayun nga, he cheated. And according to her, mukha palang, makikita nang manloloko 'yon.

How come I didn't see it?

Eh kasi I was blinded. I thought it was love. But if it wasn't love, ba't ako nasasaktan?

Nang dumating kami sa classroom ay wala pa naman ang instructor so we just sat and began chatting again.

"Kailangan ko ata ng bagong boyfriend para maka-move on totally," I murmured out of nowhere. Agad napatingin sa akin si Melody.

"Baliw! Bagong boyfriend ka diyan, baka gawin mo lang rebound! Ikaw pa makasakit," she muttered. Yeah, I can't dare to hurt anyone. Ba't pumasok sa isip ko 'yon?

"Mel, kailan ba mawawala ang sakit?" I asked. I felt my eyes sting with tears. Kumurap-kurap pa ako para 'wag lang tumulo ang mga luha ko.

Last night, I was expecting for his text. Baka kasi maisip niyang mag-sorry dahil sa ginawa niya kahapon at sa ginawa ng bago niya. But no text came. And I ended up crying kasi wala na talaga. Hindi pa nakatulong na nagmukha akong tanga sa harap ng Kuya ni Mel.

"Kapag nagpatingin ka na sa doktor," singit ng kararating lang na si Fiona. "Masakit pa rin ba? Kulang pa ba isang beses na inuman?"

"Ayoko nang uminom," I hurriedly replied. Really, I don't want to drink again. Aside sa ayoko nang magka-hangover ay baka makagawa na naman ako ng kahihiyan.

"Kung makaaya naman ng inuman akala mo pupunta," nagtatampong sabi ni Mel. It was supposedly me, Fiona and Mel last time pero hindi nakapunta si Fiona. The reason? We don't know.

"Sorry na, Mel. Hinanap ko kasi ang pinsan ko," malungkot na sabi ni Fiona.

"Bakit? San na naman nagsusuot si Bee?" Tanong ko, referring to her cousin.

"Hindi ko alam. Di pa siya umuuwi eh," she replied. Her voice is already shaking. I could feel she's about to cry. But our instructor came so we just focused on the discussions. Well, not really focused, nakatingin lang ako sa harap but I'm not really listening.

I can't seem to focus. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ayaw rin mag-function ng utak ko. Memory full na ata.

"Antok ako," bulong ni Mel. I just rolled my eyes at her and balik pretend na nakikinig. She interrupted my thoughts. Di ko na tuloy alam kung anong iisipin.

But then her brother's laughing face suddenly popped in my mind. Di ko alam kung bakit basta-basta na lang siyang pumapasok sa isip ko. Siguro kasi hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi at ginawa niya. It's like he's playing hero. He was there to rescue me when I needed help.

But even if he tried to help, it still wasn't enough to wash away the pain. Bakit ba kasi sobra akong nasasaktan sa ginawa ng ex ko? Eh hindi naman siya ganun kagwapo. I'm trying to forget him pero bakit bumabalik pa rin sa isip ko kung paano niya ako napasaya? Bumabalik pa rin sa isip ko how we started, how our love story began.

We weren't the sweetest high school sweethearts, sakto lang para 'wag kaming langgamin. First and last drance sa prom, first boyfriend, first holding hands. Nangako na nga kami sa isa't-isa na kami talaga. Pero anong nangyari? Ganoon ba 'ko kadaling saktan? Ganoon ba 'ko kadaling iwan at palitan?

Kunsabagay, si Liza nga sa The ex and why's, naloko. Ako pa kaya na hindi naman ganoon kaganda?

Pero kahit na, pretty or not, no one deserves to be cheated on.

With those thoughts, naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. I can't cry in the middle of the class. I just can't.

So I excused myself, ran to the comfort room, locked myself up and cried hard.

Eventually (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora