"Laureen ano ba? Don't talk to Ms. Aldea like that! Maupo ka na, para makapirma ka na ng kontrata-" saway ulit ng manager na pinigil na naman ni Laureen.


"Aldea? Who? Siya? Nagkakamali ka Debbie, she's Samantha Aragon, ex-pet ni Luigi. " the witch said. I balled my fist but eventually I managed to make myself calm.


Minsan nagtataka ako, kung anong nagustuhan ni Fortalejo sa babaeng ito? She looks like an angel dahil may maamo itong mukha na kung tutuusin ay mas maamo pa sa akin, but her attitudes are way the opposite of her looks.


True to what others believe, looks can be deceiving. At ang babaeng ito ang living proof. Akala mo kung sinong mahinahon kung umarte, pero kapag ako na ang kaharap daig pa abogado kung makipaghuntahan. I am not even starting to have confrontations with her pero hindi ko maintindihan kung bakit tila kumukulo ang dugo niya sa akin.


"Laureen enough!" Suway ng manager nito.Mukha namang nagulat ito sa inakto ng manager niya.


"It's okay. Let's proceed the meeting para makapirma na kayo ng kontrata-"

"Wait! Kalokohan ba to? Bakit kami makikipag-usap sa secretary?" She asked. Nagtitimpi na lang ako. Sa halip na sagutin siya ay iniharap ko ang name plate ko ng maayos sa table para mas makita niya.


Malay ko ba naman kasing meet and greet pala ito?


Bago sana sila nakipagkita sa akin ay dapat kinilala niya ang magiging boss niya which is me.


"Aldea Alarcon...CEO? Who's Aldea?" She asked.


"Laureen, siya si Ms. Aldea Alarcon. Siya ang kumuha sayo para sa gaganapin na car show ng Delacarte. " her manager introduced me.


"You better be kidding me! Ikaw? How? Don't tell me na hindi mo lang nabingwit ang isa sa mga Fortalejo ay sa isang Alarcon naman ang nilandi at inakit mo?."


I sighed. Lihim kong pinapakalma ang sarili ko. I have a flight with my kids so I have to endure this evil infront of me.


"Nilandi agad? Hindi mo ba nabalitaan na nanalo ako sa lotto kaya nabili ko ang kompanyang ito?" I said mockingly. She then arch her brow.

"You are not funny." She said.


"And so are you. Wala kang karapatang husgahan ako dahil una sa lahat wala akong ginagawa sayo. I am giving you a job, you better be thankful. At para sa ikatatahimik ng loob mo, wala akong inakit para makuha ang posisyon ko ngayon. Nandito lang naman ako sa lugar na pagmamay-ari ko. I am Aldea Alarcon, daughter of David Alarcon, CEO of Delacarte Company. So pwede na ba tayong magsimula?" Napaawang ang labi nito dahil sa litanya ko.


"Debbie, iwan mo muna kami. Please get out first. I want to talk to her privately." Laureen said to her manager.


"Laureen ano ba! May lakad pa ata si Madame-"


Chasing The Bad GirlWhere stories live. Discover now