Love and Sacrifice

Start from the beginning
                                    

"Alam kong kinikilig ka na, wag mo ng pigilan. Wag ka ng mahiya, mahal naman kita eh. Okay lang na sa akin ka lang kiligin wag lang sa iba, papatayin ko ang magpapakilig sayong iba." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa akin na para bang ayaw nya akong mawala sa piling nya. Niyakap ko rin cya ng mahigpit. Itinaas ko ang mukha ko para Makita ko ang gwapo nyang mukha, pinakatitigan nya ako at sinakop nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay. "Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit ano man ang mangyari, okay? Gagawin ko ang lahat para sayo, para sa ikabubuti ng relasyon natin. Hinding hindi ako susuko." Kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi nya ay ngumiti parin ako sa kanya. "Mahal na mahal din kita, Lance. Ikaw lang." Lumiwanag  ang mukha ni lance pero may iba akong nakita sa mga mata nya. Lungkot, tuwa at parang takot? Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi nya sa labi ko, hinapit nya ako sa kanyang katawan. Halos rinig ko na ang pintig ng puso ko.

Hindi ko alam na yun na pala ang huling pagkikita at pag-uusap  namin ni Lance, kahit na sobrang lungkot ko naging matatag parin ako. Maghihintay ako sa kanya pero dumaan ang ilang araw, linggo, buwan at taon wala paring Lance na nagpakita sa akin. Hanggang naka graduate na ako ay wala parin cya, halos gabi-gabi akong umiiyak pero pinanghahawakan ko ang salitang iniwan sa akin ni Lance. We love each other, I know he loves me so much but I am asking myself, where is he now? Kung umalis cya sana ay nagpaalam man lang cya, maiintindihan ko naman cya eh. Pero wala! Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya at dahil dyan ay naiinis ako sa sarili ko.

2 months after I graduated ay nakahanap agad ako ng trabaho, at sa loob ng mga buwan na yan ay may nararamdaman akong hindi maganda. Bigla akong pumayat at namumutla na ako, palagi akong pagod, at higit sa lahat ay palagi nalang akong may mga pasa sa katawan na hindi ko naman alam kung saan ko nakukuha. Noong una ay binalewala ko lang ito, pero it is getting worst. Kahit na kinakabahan ako ay nagpacheck-up parin ako. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng tawagin ang pangalan ko, tinanong ako ng doctor kung ano ang mga nararamdaman ko. Habang nagsasalita ako ay tahimik lang ang doctor, she run some test sa akin.

Gumuho ang mundo ko ng sinabi nya sa akin ang lumabas sa test, hindi ako makapaniwala. Bakit ako? Panay ang iyak ko sa park na madalas naming tambayan ni Lance noon.

"I'm Sorry to say this, Hija pero habang sinasabi mo kanina ang mga nararamdaman mo ay may hint na ako pero kailangan kong maigurado. And I  found out that you have a Leukemia, you need to undergo chemotherapy. Pero hindi ko alam kong magiging successful ito, marami na ang cases namin na ganito and hindi sa tinatakot kita pero malala na kasi eh baka hindi narin yan kayanin ng katawan mo."

Walang lumabas na salita sa bibig ko, kaya pala ako palaging may fever, nosebleed, bleeding of gums, fatigue etc. Buo na ang loob ko, hindi ako magpapa chemo. Wala naman yang kasiguraduhan at wala kaming pera. Napaiyak ulit ako, kailangan ko ng umuwi. I need to see my parents, hindi ko sasabihin ito.

Lumipas pa ang ilang mga buwan at palala ng palala ang sakit ko. Alam kong may alam na sila ni mama pero hindi parin ako nagsasalita, hindi naman sila nagtatanong pero gabi-gabi nasa kwarto ko sila ni mama at papa. Hinahaplos ang buhok ko at niyayakap ako ng mahigpit, sinasabi nila kung gaano nila ako kamahal.

"Ma kung bibigyan kayo ng isang kahilingan ano ang hihilingin nyo?" Seryoso silang nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kanila. "Isa lang naman ang gusto namin anak eh, ang maging maligaya ka." Nakikita kung nagtutubig na ang mga mata nila ni papa pero pinipigilan nilang umiyak, napahawak ako sa tiyan ko "Aaahh" napasigaw ako sa sobrang sakit, nagpanik agad sila. Sumigaw ako ulit, nagdudugo narin ang ilong ko at nandidilim na ang paningin ko. Naramdaman ko nalang na binuhat ako ni papa at nagsisigaw sila para makahingi ng tulong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The AuditionsWhere stories live. Discover now