"Here may mga baby dresses dyan at mga feeding bottles sinamahan ko na din breast pump in case na magpapadede ka. Eto pa marami akong baby stuffs na binili." Sabi ko kay Alina habang nilalabas ko isa isa ang mga pinamili ko para sa upcoming baby girl niya. Natulala ito sa akin na para bang hindi makapaniwala. Kasalukuyan kaming nasa living room ng bahay nila.

"Are you on drugs my dear sister? Tell me anong tinira mo?" tumayo ito para icheck ang mga pinamili ko.

"What?" Baliw talaga tong kapatid ko.

"You hate shopping Ava. Napano ka? You love online stores and these were came from the mall." Paliwanag niya. Alina was right ayoko kasi sa mga masyadong mataong lugar pakiramdam ko nasusuffocate ako. "Teka nililibang mo bang sarili mo para makalimutan mo si Tristan?"

"No Alina hindi ganun. It's just..."

"It's just ganun na rin yun." Diretsong dugtong nito sa akin. Binaliwala ko na lang iyon.

Friday ng mapagpasyahan kong pumunta sa paborito naming restaurant ni Tristan. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.I really love the food here and the ambiance was really nice. Maraming ilaw sa paligid at sobrang tahimik. I walk two step forward ng may marinig ako nag-uusap malapit sa paboritong pwesto namin ni Tristan sa restaurant sa tabi ng glass window.

"Tristan, Nasasaktan na si Ava she deserves to know everything." Narinig ko ang pagbuntong hininga ng babaeng kausap niya. Sumilip ako ng bahagya ngunit natatakpan siya ni Tristan. "She deserves to know every single thing that's going on between the three of us."

"Hindi ko kaya Lexi. Hindi ko kaya, hindi ko alam kung paano tatapusin ang lahat sa amin. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ikaw yung mahal ko Lexi. Ikaw yung mahal ko sa loob ng limang taon at hindi siya." Wala miski isang luha ang gusting pumatak mula sa mga mata ko. Natulala ako sa mga nalaman ko. Si Lexi na bestfriend niya na tinuring ko rin na kaibigan ko.

"Ava was too good and I know hindi niya kakayanin to."

"But 5 years was enough Lexi. Hindi ba pwedeng maging selfish naman tayo? Kasi nakakapagod na. Ikaw yung mahal ko pero si Ava yung kasama ko." lalong nangatog ang mga tuhod ko sa bawat mga salitang binibitiwan nila.

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang usapan dahil humakbang na ako ng dalawang beses palayo sa kanila.

"Ava." Ganun na lang ang gulat ko ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko at alam kong si Tristan yun. Hindi ako agad humarap hindi ko alam kung paano ko magsisimulang magtanong o ang dapat ko bang gawin eh sampalin siya o magwalk out katulad ng mga napapanood ni Alina sa telebisyon. Dahil kapag nasa realidad ka walang papasok sa utak mo.

"Did you hear us?" tanong niya sa akin. Pumihit ako paharap sa kanya kitang kita ko sa mukha nito ang sobrang pagod. Nakatingin lang ako sa kanya. Pakiramdam ko manhid ang buong katawan ko.

"I heard everything." Malumanay kong sagot sa kanya.

"Ipapaliwanag ko lahat Ava. I didn't mean this."

"You didn't mean what? You didn't mean to lie on me? To cheat on me?" matapang kong tanong sa kanya.

"I didn't cheat on you Ava. The truth was I love Lexi."

"And the lie was you love me. Para tayong True or False sa questionnaire noh, Tristan? Si Lexi yung True at ako yung False." Hindi ito nakakibo sa sinabi ko. "Limang taon Tristan limang taon ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na sabihin yung totoo?"

"You are too happy, Ava." Depensa niya.

"That's why you hurt me like this? Sana Tristan sinabi mo ng maaga, sana di mo na pinaabot sa ganito, sana hindi mo na pinalalim pa yung nararamdam ko kasi Tristan lubog na lubog na ko."

The Auditionsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن