Chapter 120

49 3 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

Thursday, Nov 24

10:32

sugar baby :
dito me sa library, wala kaming klase ampota

sunod ako maya sa canteen, matutulog ako dito sa library HAHAHA

adik sa kape :
aww sanaol HAHAHAHA

sang floor ka, 4th?

sugar baby :
yup, konti lang estudyante dito eh

magbabasa na lang pala ako ng libro hehe

adik sa kape :
okie

11:30

sugar baby :
kasama ko si yangyang rn, nagbabasa siya ng encyclopedia HAHAHA

adik sa kape :
yangyang?

si shawn?

sugar baby :
yup

adik sa kape :
oks

HAHAHAHA bored na ako shuta tagal matapos

12:01

sugar baby :
papunta na kami sa canteen

see you!

adik sa kape :
ma-late aq saglit, may tatapusin lang HAHAHA

pasabi na lang kay jeno orderan na ako, thanks

sugar baby :
ghe ghe

~

"Ano 'yang binabasa mo?"

Napalingon ako kay Yangyang nang bigla siyang magsalita. "Ah, ito? Dr. Jekyll and Mr. Hyde."

"Ah, 'yung about sa doctor na may alter ego? Gumawa siya ng serum para mahiwalay 'yung evil side niya kasi naniniwala siya na ang lahat ng tao ay may good at evil side. Then, noong chineck 'yung handwriting nila, parehong-pareho."

"Chill, hindi pa ako tapos."

Tumawa siya, "Sorry, sorry."

Nagbabasa ako habang kumakain. Habang si Yangyang naman sa tabi ko ay pinapanood lang ako. Si Jeno naman ay nasa counter para bumili ng lunch nila ng boyfriend niya.

Ilang saglit lang ay dumating na si Jeno na may dalang dalawang container ng pagkain.

"Kain ka na, Jeno."

"Maya, hintayin ko lang si Jaemin. Ikaw ba, hindi ka pa kakain?"

"Kumain na ako ng sandwich."

"'Yon lang?"

"Hoy, kumain ka, baka malipasan ka n'yan."

"Hindi, guys, okay lang. Nagtitipid kasi ako, paubos na 'yung allowance ko, e. Next month pa ulit sweldo ni Mama."

"Awts!" Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong may naalala. "Speaking of, paubos na rin pala monthly allowance ko, shet."

"Hingi na ulit." nakatawang sabi ni Jeno.

"Sa 30 pa ako makakahingi ulit."

"Hoy, guys!"

Nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ni Jeno. Si Jaemin lang pala. "Hoy!"

"Uy, love! Tara, kain na tayo." Nilapag ni Jeno ang isang container ng pagkain sa harap ni Jaemin.

"Aww, thanks, baby. Magkano 'to? Bayaran kita."

"Huwag na, libre ko."

"Jeno! Thank you!" Niyakap ni Jaemin si Jeno saglit bago ito halikan sa pisngi. "I love you!"

"Landi niyo." biglang sabi ni Yangyang kaya napatawa kami.

"Jaemin-ah, tuloy mamaya sa inyo?"

Lumingon siya sa 'kin at tumango, "Yup, tuloy. Sa Friday na deadline nito, kailangan kong matapos agad, hehe. Ewan ko lang kung susunod si Chenle."

"Nice! Sige, magpapaalam na ako."

"Renjun,"

"Oh?"

"Hindi ka pala nakatira sa bahay ng parents mo." Tumawa lang ako bilang sagot. "Saan ka nakatira ngayon?"

"Uhm... sa gubat." biro ko.

"Baliw!" nakatawang singit ni Jaemin habang binubuksan ang pagkain niya.

"Saan nga?"

"Bakit ba?"

"Wala, gusto kitang bisitahin."

"Bakit?"

"Balak mo bang ligawan si Renjun?" biglang tanong ni Jaemin at hinampas naman siya ni Jeno. "Aray! Tinatanong ko lang siya."

"Yangyang, may boyfriend na ako. Atsaka hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa 'yo."

"Hindi mo sinagot 'yung tanong ko."

Bumuntong-hininga ako. "Fine. Nakatira ako sa bahay ng boyfriend ko. Okay na ba?"

Tumango-tango siya, "Okay. Sorry."

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa habang kumakain.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now