Chapter 88

67 4 0
                                    

"Hyung! Sasama ako bukas sa inyo." pambungad ko pagkapasok sa kwarto ni Haechan. Naghahanda pa lang siyang humiga.

Umupo siya sa kama at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Sinara ko ang pinto ng kaniyang kwarto bago sumunod sa kaniya.

"Really? Paano 'yung friends mo?"

Bumuntong-hininga ako, "Hindi sila tutuloy kasi ayaw nila nang hindi kami kompleto."

"You were conflicted, weren't you?"

"Yeah. Pero okay lang naman sa kanila. Sabi ko just this once, babawi na lang ako next time." Tumawa ako nang bahagya, "First time 'tong nangyari, I felt really bad."

Nginitian niya lang ako. "Sige na, let's sleep. Maaga tayong aalis bukas."

"Nine o' clock pa lang, aga naman?" Nag-pout ako. "Mamaya na. Kwentuhan muna tayo."

Tumawa siya nang bahagya, "Ano namang pagkukwentuhan natin?"

"Ewan, random things. Hindi pa kasi ako inaantok, atsaka kakakain ko lang."

"Oo nga pala." Ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. Tumawa lang siya. "You wanna watch movie downstairs?"

"Mhm. Netflix and Chill." nakangiting sabi ko.

"Anong Netflix and Chill ka d'yan? Netflix lang, walang Chill." Sabay kaming tumawa.

Tumayo kami mula sa kama at lumabas ng kwarto. Nakasalubong namin si Brittany sa hallway.

"Oh, bakit ang aga mo umakyat?"

"Inaantok na po ako, Pa. Manonood po kayo sa baba?"

Tumango kami. "Mhm, sige, sleepwell."

"Sleepwell, Brie!" Ngumiti ako sa kaniya.

"Good night, Papa. Good night, Kuya."

"Good night."

"Good night, Britney."

"It's Brittany!"

Tumawa ako. Umirap siya pero tumawa rin pagkatapos. Naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

Bumaba na kami sa sala at nakita naming nanonood si Ate Zoe at Ate Rena, isa rin sa mga maid.

Dumiretso ako sa kabilang sofa habang si Haechan ay naglakad papunta sa kusina. Hindi na ako nagtanong at sinandal ang likod ko sa sandalan.

×××

Bumalik si Haechan na may dalang tasa. Tumabi siya sa 'kin at nilapag sa center table ang tasa. Sinilip ko ito at nakitang kape ang laman.

"Gusto mo?"

Umiling ako, "Hindi muna."

Tumango siya at kinuhang muli ang tasa. Humigop siya nang konti bago ito muling ilapag sa lamesa.

"Hyung."

"Mhm?"

"May gusto akong itanong."

"What is it?"

"Paano mo nakilala si Brittany at bakit mo siya inampon?"

"Matagal mo nang gustong itanong 'yan 'no?" Tumawa ako nang bahagya at tumango.

"Anak siya ng kaibigan ni Dad. Madalas ko na siyang makita noong bata ako kasi sinasama siya ng tatay niya kapag binibisita niya si Dad. Until one day, I was 17 that time, nakita ko siyang natutulog roon sa labas ng malaking gate. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya roon, sabi niya ay ilang araw na raw siya roon. Nasunog daw 'yung bahay nila at nang magising siya ay nasa hospital daw siya. Sabi sa kaniya ng isang nurse na patay na 'yung tatay niya, kaibigan ni Dad."

"OMG!"

"And then, tumakas siya sa hospital at nagpunta roon sa malaking gate. Kaso sa sobrang haba raw ng daan papunta rito sa mansion ay nanatili siya sa labas."

"Wala na ba siyang ibang pamilya bukod sa tatay niya?"

"Mayroon naman daw pero nasa malayo, hindi niya alam kung nasaan."

"Ah. Okay, tuloy."

"Pinatuloy ko siya rito sa mansion at inalagaan namin siya ni Dad, tinuring ko siyang kapatid since I'm an only child. Until I was around 20, umalis si Dad para asikasuhin 'yung isang company niya sa SoKor. So, sa akin naiwan 'yung company niya rito sa Pinas. By that time, inampon ko na talaga si Brittany, and she calls me Papa ever since."

"Paano 'yung tatay niya? Nailibing ba siya?"

"Oh, yeah. Two days after we took her in, pumunta kami roon sa hospital para ipalibing 'yung tatay niya."

Bumuntong-hininga ako. "Ibig sabihin ay namatay 'yung tatay niya sa sunog. Kawawa naman."

Ngumuso ako habang pinanood siyang kunin 'yung kape niya at humigop.

"Sarap magkape."

"Parehas kayo ni Jaemin, adik sa kape."

"Hoy, hindi ako adik sa kape."

Tumawa ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Napatingin ako sa kabilang sofa at nandoon pa pala sina Ate Zoe at Ate Rena. Ngumiti na lang ako nang bahagya at lumingon sa TV.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now