Chapter 62

71 4 1
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

Monday, Oct 17

08:25

adik sa kape :
good morning

baccla @Renjun goodluck sa date niyo!

Gusto ko na mag shift pls :
Goodluck!

adik sa kape :
if something goes wrong, wag kang magdadalawang-isip na umalis

Gusto ko na mag shift pls :
Mabait naman yan si Shawn

sugar baby :
salamat HAHSHAHAHA

paligo pa lang ako. tagal ni papa sa cr, shutabels

adik sa kape :
HAHSHAHAHAHA okay

basta balitaan mo kami ha, we wanna know all the teas

sugar baby :
sige sige

10:21

iPhone 13 pro max :
good morning

kagigising ko lang

goodluck sa date! @Renjun

Gusto ko na mag shift pls :
Nakaalis na yata

adik sa kape :
oo raw kanina pa, nag-text siya sakin

papunta raw silang tagaytay

iPhone 13 pro max :
tarayyy

×××

Nandito na kami ni Yangyang sa Tagaytay. Dinala niya ako sa isang restaurant kung saan ay dinala na rin ako ni Haechan noon. Masarap 'yung bulalo nila rito.

"Welcome po! Table for two?"

"Yes, please."

Sinundan na lang namin 'yung waiter papunta sa isang lamesa. Coincidentally, dito rin 'yung pwesto namin ni Haechan noon. Napabuntong-hininga ako nang ako'y makaupo.

"Here's the menu po." Naglapag ng dalawang menu book ang waiter sa lamesa namin saka umalis.

Binuklat niya ang menu pero pinanood ko lang siya.

Nang mapansin niya ako ay ngumiti lang ako nang bahagya. Ngumiti naman siya pabalik.

"Anong gusto mo?"

"Bulalo."

"Paano mo nalamang may bulalo rito?"

"Uhm, nakita ko sa ibang customers." pagdadahilan ko.

"Sige, dalawang order ng bulalo tapos rice. And then, anong drinks?"

"May bottomless red tea ba d'yan?" tanong ko kahit alam kong mayroon.

"Mayroon. 'Yon na lang?" Tumango ako. "Okay." Nagtawag siya at lumingon 'yung waiter kanina.

~~~

Habang naghihintay sa order namin ay nilabas ko ang phone ko. Nagulat ako nang makitang nag-text si Donghyuck hyung.

Haechan ♡

renjun-ah.

"Renjun."

Hindi na ako nag-reply at nilapag sa lamesa ang phone ko. Bago ko ito tuluyang i-lock ay nakita ni Yangyang 'yung wallpaper kong picture ni Haechan na sinend niya sa 'kin noon.

"Oh, sino 'yung wallpaper mo? Pamilyar siya."

Pamilyar?

"Uhm, ano, some random guy na nakita ko lang sa Pinterest. He's cute."

"Mhm. By the way, may ibibigay ako sa 'yo."

"Ano?"

May dinukot siya mula sa maliit na bag na dala niya, at nang mailabas niya 'yon ay tinitigan ko lang ito. Isang maliit na box na galing pa sa UniSilver Jewelry.

Hula ko'y singsing o bracelet ang laman ng box na 'yon.

Binuksan niya ang box at tama nga, bracelet ang laman nito. Kinuha niya ito at gamit ang isang kamay niya ay kinuha naman niya ang kaliwang kamay ko.

Nabigla ako roon pero hindi ko na lang pinahalata.

Sinuot niya sa wrist ko ang bracelet. Nginitian niya akong muli. "Just a little gift for you from me."

"Thanks! It's pretty."

"Of course, it's pretty, just like you."

Tumawa lang ako nang bahagya.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now