Chapter 109

45 4 0
                                    

After mapunasan ni Donghyuck ang buong katawan at mukha ni Renjun ay nilagyan niya ng 'cool fever' patch ang noo nito.

"Sleep well, baby."

"Dito ka lang po, please."

"Sure. Kukuha lang ako ng tubig mo, okay? Wait mo 'ko."

"O-okay po."

Iniwan ni Donghyuck ang palangganang may lamang maligamgam na tubig at pamunas sa gilid ng kama ni Renjun. Naglakad siya papunta sa pinto at lumingon kay Renjun na ngayon ay nakapikit na.

Lumabas na siya ng kwarto para bumaba sa kusina ng isang pitsel ng tubig at isang baso. Pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto ni Renjun.

Nilapag niya ang pitsel at baso sa lamesang nasa gilid at pinunan ng tubig ang baso.

"Baby, inom ka muna tubig."

Binangon nang bahagya ni Renjun ang ulo niya at uminom ng tubig. May kaunting natira sa baso kung kaya't ininom na lamang ito ni Donghyuck.

"I'd probably get sick, too." bulong ni Donghyuck sa sarili.

Narinig ito ni Renjun habang humihiga nang maayos pero hindi na lamang siya nagsalita.

"Hyung."

"Mhm?" Umupo si Donghyuck sa kama, sa tabi ni Renjun.

"Inaalagaan mo rin ba si Brie kapag may lagnat siya?"

"Of course. But she rarely gets sick, which is nice."

"I rarely get sick, too." Renjun smiles. "Hindi ko na maalala 'yung huling beses na nagkalagnat ako."

"It's great that you don't get sick very often. It means you have a strong immune system. Ayokong nagkakasakit ka at si Brittany."

"Sorry talaga, Hyung."

Donghyuck kisses his boyfriend's forehead. "No need to apologize. Rest well, darling."

"Dito ka lang, please."

"Dito lang ako."

Ngumiti si Renjun at pumikit. Ngumiti pabalik si Donghyuck at tinitigan ang magandang mukha ng kanyang boyfriend.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now