Chapter 71

58 6 0
                                    

Uwian na't nasa labas ako ng gate. Nauna nang umalis sina Jaemin at Jeno dahil may pupuntahan daw sila. I bet magde-date sila.

Tatawid na sana ako sa kabilang gilid nang kalsada nang may humawak sa braso ko. Lumingon ako at susuntukin ko sana ngunit hindi ko ito tinuloy nang makita kung sino 'yon.

"Hoy, 'wag!"

"Putangina. Huwag mo 'kong hawakan nang basta-basta." Binawi ko ang braso ko at huminga.

"Sorry!"

"Kung nagkataong tinuloy ko, baka may blackeye ka na."

Tumawa siya nang bahagya. "Sorry talaga, Renjun. By the way, pauwi ka na ba?"

"Oo."

"Paano ka uuwi? May pamasahe ka?"

"Mayroon naman, pero pang-jeep lang. Maglalakad na lang ako pagdating sa kanto."

"Libre na kita, Renjun, ihatid kita sa inyo."

"Hala! Yangyang, 'wag na. Nilibre mo na nga ako ng lunch, e."

"Okay lang, ano ka ba. Bagong sweldo 'yung nanay ko, kaya natanggap ko 'yung monthly allowance ko kanina."

Monthly allowance.

Shit. Oo nga pala, may monthly allowance ako mula kay Donghyuck hyung. Ugh.

"I swear, okay lang talaga ako. Huwag mo na akong ilibre. Kung ililibre mo 'ko nang ililibre, mauubos agad 'yang allowance nang wala pang isang buwan."

"Kunsabagay, you have a point. Pero huwag kang mag-jeep. Heto, pauutangin muna kita ng 60, sakto na siguro 'yon pang-tricycle?"

"Huh? Yangyang!" Hahampasin ko sana siya pero hindi ko na tinuloy.

"Eh, kasi..."

"Okay lang nga ako. Makakarating pa rin naman ako sa 'min kahit bente lang ang dala ko."

"Sure ka, ha?"

"Oo naman." Tumawa ako nang bahagya. "Sige na, bye. Kitakits bukas."

"See you tomorrow! Ingat ka, please."

Tumango ako at kumaway sa kaniya bago tuluyang tumawid sa kabilang gilid ng kalsada.

×××

Habang naglalakad ako papunta sa terminal ng jeep ay tila parang may sumusunod sa 'king itim na kotse. Hindi ko ito masyadong pinansin at naglakad lang nang naglakad.

Nagulat ako nang bigla itong bumisina kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Shit, mukhang makikidnap pa yata ako.

Kung pwede lang lumipad o mag-teleport, kanina ko pa ginawa.

"Renjun!"

Narinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi ko mapigilang mapatigil sa paglalakad at pakiramdam ko'y biglang na-glue ang sapatos ko sa lupa.

Lumingon ako sa likod at nakita kong naglalakad papunta sa 'kin ang may-ari ng boses na 'yon.

"Renjun."

"Donghyuck hyung."

"Balik ka na sa 'kin, please."

I want. I want to come back to you.

Lumapit siya sa 'kin at ngumiti nang bahagya. "Can I hug you?"

Dahan-dahan akong tumango. Kasunod no'n ay ang pagbalot ng katawan niya sa katawan ko. Niyakap ko siya pabalik nang mahigpit.

Sa pagyakap ko sa kaniya ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

"I miss you."

"I miss you so much."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now