Chapter 8

122 8 1
                                    

HC
@lee_donghyuck

uwian niyo na?

i'm already here.
sent a photo

sir? 😳 ang pogi niyo po omg

AY HALA NA-SEND SJDNSJDK

sorry po. paalis na T^T

haha, all right.

"Tatanga-tanga ka kasi, Renjun."

Lumabas na si Renjun ng school at tumawid sa kabilang gilid ng kalsada. Naglakad pa siya nang naglakad hanggang narating niya ang coffee shop.

Tumigil siya sa tapat ng pinto at sinubukang hanapin sa loob si Donghyuck. Nang makita niya ito, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Napalunok siya at kinuha ulit ang phone.

Hyung, nasa labas na po ako ng coffee shop.

nahihiya po ako.

huh, why?

sunduin kita?

hala, wag na po. ako na lang papasok.

all right.

please, don't be shy.
~

"Puta, Renjun, ano ba 'tong pinasok mo?" Huminga siya nang malalim. "Kaya mo 'yan!"

Bubuksan niya sana ang pinto nang buksan na ito ng guard para sa kanya. Ngumiti na lamang siya at nag-bow.

Nang makapasok siya sa loob ay naramdaman niya ulit ang aircon. Naglakad siya papunta sa lamesa kung nasaan si Donghyuck.

"Hi." mahinang sabi niya, na halos bulong na lang, nang makarating siya sa tapat ni Donghyuck.

Nakatitig lang sa kaniya ito. Dahil dito, mas lalo siyang nakaramdam ng hiya na gusto niya na lang lamunin siya ng lupa.

"Hyung?"

"Oh! I'm sorry. Please, have a seat." Nag-gesture siya sa kaniya na umupo sa katapat nitong upuan.

Tumango si Renjun at umupo sa tapat ni Donghyuck. Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at kung saan-saan tumitingin, makaiwas lamang sa mata ni Donghyuck.

RENJUN'S.

Tumingin ako sa menu nang naka-squint dahil medyo malabo ang mata ko. Grabe! Parang starbucks pala rito. Ang mamahal ng mga nasa menu.

"May napili ka na ba?"

Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Putangina, pogi na nga ng mukha, pogi pa 'yung boses.

"Uhm," Lumingon ako ulit sa menu. Lahat ay three digits 'yung price. Kahit alin d'yan ang piliin ko ay mahal pa rin. "Ice blended na lang po, 'yung mocha."

Bigla siyang tumawa. 'Yung tawang attractive. "Huwag ka nang mag-po, okay lang."

"Ah. Sorry po—ay, sorry." Binaba ko na lang ang ulo ko at tinitigan ang paa kong hindi man lang umabot sa sahig.

"I'll buy us some coffee, is that alright?" Tumango na lang ako kasi hiyang-hiya na talaga ako. "Okay, wait for me here."
~

KABADINGAN OPEN DAILY

19:36

sugar baby :
PUTANGINA ANG POGI 😭

SARAP JOWAIN 😭

iPhone 13 pro max :
sabi ko na nga ba nakipag-meet up sa sugar daddy niya

adik sa kape :
onga pala sabi niya magkikita sila ngayong araw

haeop ka baccla HAHAHAHAHA sabay ka na samin bukas ha

sugar baby :
oo

sent a photo

dito na lang tayo, wag na sa starbucks. anlayo e :3

adik sa kape :
basta ba libre okay lang sakin

iPhone 13 pro max :
game. legit na ba yung ililibre mo kami?

sugar baby :
kapag nakuha ko na yung 50k hehe

adik sa kape :
hala sineryoso mo nga HAHSHSHSHAHAHA

jowain mo na yan putangina

sugar baby :
kalma, di ko pa nga siya matignan sa mata e. ampogi sobra!!

parang hindi 26, mukha lang siyang 21 ganorn shdksks bampira ata to huhu

adik sa kape :
wait nga, nasa jeep ako. epal tong nasa tabi ko nakikibasa ng convo natin ampota

iPhone 13 pro max :
HAHSHSHSHAHAHAHA GAGO

PUTANGINA MO KUNG SINO KA MANG CHISMOSO KA

adik sa kape :
umusog siya palayo HAHAHAHAHA

sugar baby :
brb

adik sa kape :
wow tipid HAHAHA okie, enjoy

iPhone 13 pro max :
yieee enjoy
~

"Hey, our orders will be here soon." sabi niya habang umuupo sa harap ko. "So, is it okay if we talk about the conditions here or...?"

"O-okay lang kung dito. K-kaso baka may makarinig."

Nakatitig siya sa 'kin. Fuck. Nakakatunaw. "Okay, then, where do you want us to talk about the relationship? Your place or my place, maybe?"

"Uhm..."

"Renjun, it's okay. You can decline to this anytime."

Fuck. Kung tatanggihan ko 'to, baka pagsisihan ko. Sabi nga ni Jaemin, pera na, magiging bato pa. Make up your mind, self. If you want to continue this, you need to be honest.

"Y-your place. Hindi pwede sa 'min."

"May I ask why?"

Lumunok muna ako ng natutuyo kong laway. "Pinalayas kasi ako sa 'min, because, apparently, they don't have a gay son."

"Oh. Okay, let's talk about it in my place. But for now, let's talk about something else, get to know each other while we have our coffee. Shall we?" Ang gentle ng boses niya, nakaka-guilty kapag hindi ako nagsasalita.

Tumingin ako sa kanya nang deretso at tumango, "Yes."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon