Chapter 55

69 3 0
                                    

Brie ☁️
@brittany_not_britney

kuya renjun.

oh, hi, brittany.

where are you? papa misses you.

he misses me? really?

yes.

and i miss you, too.

feels weird to say that, but yeah.

babalik na ako samin, brittany. pakisabi kay hyung, sorry for breaking my promise.

wait, hindi ka na ba babalik dito?

kuya, nandito pa yung mga gamit mo.

i know. please, don't touch them.

atsaka, papa's still your sugar daddy. you can't just leave him like that. you two need to talk properly.

come back if you will.

please.

babalik ako.

hindi ko alam kung kailan.

for now, thank you for everything.

:((

~

"Hoy, Renjun, ano, tara na?"

Lumingon ako kay Chenle at tumango. Binalik ko ang phone ko sa bulsa ko. Nagpaalam na kami kay Tita saka lumabas ng bahay.

×××

Nandito na kami sa tapat ng bahay ng mga magulang ko. Tangina, kinakabahan ako.

"Whenever you're ready, Renjun."

Ready or not, we're already here anyway.

Dahan-dahan akong kumatok sa pinto. At ilang saglit lang ay nagbukas ito. Iniluwal nito si Papa.

Shit.

"Papa."

"Anong ginagawa mong bakla ka rito? At huwag mo 'kong tawaging Papa."

"Nasaan po si Mama?"

"Renjun, ikaw ba 'yan?" maririnig ang boses ng nanay niya mula sa loob ng bahay.

"Mama, ako po ito! Please, papasukin niyo po ako."

Tinulak naman siya palabas ng tatay niya, "Hindi pwede! Umalis ka!"

Bago pa siya masarahan ng pinto ay napigilan niya agad ito. Tinignan niya ang tatay niya nang nakakunot ang noo, "Bakit ba kayo gan'yan sa 'kin? Kung itrato niyo 'ko, parang hindi niyo 'ko anak. You've been treating me like shit even before I admitted I'm gay. Ano po bang problema niyo sa 'kin?"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

Nanlaki ang mga mata ni Renjun. Niyukom niya ang mga kamao niya.

"Renjun, anak!" Tumakbo sa kaniya ang nanay niya at hinila papasok ng bahay nila.

Naiwan si Chenle sa labas na hindi makapaniwala sa kung paano kausapin ni Mr. Huang si Renjun. Bumuntong-hininga siya at umupo sa tapat ng bahay nila. "Sana maging okay lang si Renjun."

RENJUN'S.

"What do you mean I'm the problem? Kahit kailan wala po akong ginawang masama sa 'yo, Papa."

"Gusto mong malaman, Renjun?" Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harapan namin ni Mama. Nakakapit siya sa 'kin habang ang kamao ay nakayukom pa rin.

"Hindi kita anak. Anak ka ng namatay kong kapatid. Your mom cheated on me after finding out I'm sterile."

What the fuck is this revelation? How come I never knew?

"Shut the fuck up!" sigaw ni Mama.

"Bakit, hindi ba totoo?"

Lumingon ako kay Mama nang hindi siya sumagot. Nakatungo ngayon ang ulo niya.

Nagulat ako sa nalaman ko ngayon, pero bakit wala akong nararamdamang kahit anong galit?

"All this time, stepfather lang kita?" I dropped formality at matalim na tinignan ang kinilala kong tatay. "Sa 19 years kong nabubuhay sa mundong 'to, ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Hindi mo pala ako anak." Bigla akong tumawa, "It's such a relief. Kasi ngayon, wala na akong paki kung ayaw mo sa 'kin. Ang hinihiling ko lang, respetuhin mo ako bilang tao at kung ano ako."

"Anak, tama na." Niyakap ako ni Mama. "I'm proud of you, Renjun. So proud of you."

Muntik na akong umiyak.

"Mama, okay lang po ba talaga sa inyo na bakla ako?"

Kumalas siya sa yakap at tinignan ako sa mga mata. Ngumiti ako. "Oo naman. Mahal ko ang anak kong bakla."

"May sasabihin po ako."

"Ano 'yon?"

Kababalik ko lang, iiwan ko na naman siya. "Swerte po ako kasi ikaw ang naging nanay ko. Mahal din po kita." Ngumiti siya at niyakap akong muli.

Saka ko na lang sasabihin ang tungkol sa 'min ni Donghyuck hyung.

Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ako. Nasa labas pa pala si Chenle.

"Mama," Kumalas ako sa yakap, "si Chenle po pala, nasa labas."

"Hala! Ay siya, papasukin natin."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu