Chapter 57

64 6 0
                                    

Shawn Liu
active now

Saturday, Oct 15

14:21

Shawn :
Hi, Renjun! Gusto ko lang sanang itanong kung tuloy ba tayo sa Monday?

I decided I wanna take you to a restaurant, and then maybe to an arcade. Don't worry, ako magbabayad lahat.

Just, I wanna confirm if you still wanna go out with me.

18:43

Renjun :
hello, yangyang.

yes, i still wanna go out.

would you like me to send my address?

Shawn :
You replied! Thank you.

Yes, of course, para masundo kita. And maybe hatid pauwi na rin.

Renjun :
here. *insert address ng bahay ng parents niya*

Shawn :
Thank you!

Sunduin kita nang mga 10, is that okay?

Renjun :
sure.

Shawn :
Yay, thank you, Renjun!! ❤️

See you on Monday! ☺️

Renjun :
okay, see you.

Shawn :
️❤️❤️

~

Ugh. I can't believe I'm actually going out with Yangyang. Well, wala namang masama. Atsaka baka maging daan na rin 'to para mawala 'yung feelings ko para kay Haechan.

"Huang Renjun, halika nga rito!" narinig kong sigaw ni Mama galing sa taas. Nanlaki ang mga mata ko.

Hala! Full name? Tinatawag niya lang ako sa full name kapag galit siya. Wala naman akong ginagawa.

Dali-dali akong umakyat at nakasalubong ko si Mama sa hallway.

"Ma, bakit po?"

"Halika!"

Sinundan ko siya papasok sa kwarto ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid habang sinasara ni Mama ang pinto. Nang mapatingin ako sa closet ko ay tumawa ako nang bahagya. Binuksan ko ang isang drawer at may natitira pang mga damit.

Mabuti nama't nagtira pa si Papa ng damit ko rito sa kwarto. Namiss ko itong kwarto na ito.

"Renjun."

Agad akong lumingon kay Mama, "Po?"

"Ano itong nabanggit sa 'kin ni Chenle na may sugar daddy ka? Totoo ba?"

What the fuck!

"Huh?"

"Totoo o hindi?" Hindi ako sumagot agad.

Kapag nagkita ulit kami ni Chenle, hahampasin ko siya sa ulo. Joke lang!

"Totoo po." Bumuntong-hininga ako. "Sorry po."

Tumahimik siya at umupo sa kama. Tinignan ko siya habang kinakabahan. Hindi ko alam kung magagalit ba siya o ano. Hindi ko rin mabasa 'yung ekspresyon sa mukha niya. Para siyang nalilito na nagtataka na ewan. Hindi ko maintindihan.

"Paano ka nakapag-take ng exam? Dahil sa kaniya?"

Hindi ako sumagot agad at inaglaruan ko ang mga daliri ko. "Opo. Siya pong nagbayad ng tuition fee ko."

"Pasensya na, anak, nakita ko 'yung wallet mo at may dalawang libo sa loob. Akala ko nagpa-part time job ka."

Bumuntong-hininga akong muli. "Sorry po, Ma."

"Hindi, anak, 'wag kang mag-sorry." Tinapik niya ang pwesto sa tabi niya. Sinunod ko at umupo roon. "Noong umalis ka, saan ka nakitira?"

"Uhm... kina Chenle po. And then after two days, tumira na po ako sa bahay ng sugar daddy ko."

"Anak. I'm so sorry—"

"Ma, it's okay." Gusto kong umiyak. Sobrang madalang ko lang marinig ang mga salitang 'yan mula sa kaniya. "I understand."

"Gusto kong malaman mo na tanggap na tanggap kita. Mahal kita, anak."

Hindi ko na napigilan ang mga nagbabadyang luha kaya niyakap ko siya at tuluyan na akong umiyak sa dibdib niya.

"Mama!"

Hinaplos-haplos niya ang likod ko.

Haechan might have saved my life but I would not refuse the fact that my mom feels like home.

Maybe Haechan is my second home.

They're both my home. And that's fine for me.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now