Chapter 112

32 4 0
                                    

"Your friends are so... weird, but cute."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Donghyuck hyung. Sa lalim ng boses niya, akala ko may bumulong sa tenga ko.

Natawa ako sa sinabi niya. "True. Gwapo mo raw sabi nila."

"Well, don't you agree?" Nakangisi siya ngayon. Pabiro kong nirolyo ang mga mata ko.

"Gwapo ka naman talaga, hindi na 'yon maitatanggi."

Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. "Cute mo."

"I know, right?"

Tumawa siya nang bahagya. "Wala kang gagawin tonight?" Umiling ako. "Mhm, shall we sleep now?"

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?"

"Ayaw mo ba?" Ngumuso siya, "Sige, babalik na ako—"

"Joke lang!" Tumawa ako at hinawakan ang braso niya. "Sleep na tayo, Hyung."

Ngumiti ulit siya nang malapad, "Okay!"

Humiga kami sa kama at pinatong ko sa braso niya ang ulo ko. Hinalikan niya ang noo ko, "Good night, Renjunnie."

"Good night, Haechan. I love you."

"I love you more."

Niyakap ko siya at pumikit nang may ngiti sa labi. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Bumuntong-hininga ako. He's my home.

×××

Nagising ako't nasa tabi ko pa si Donghyuck hyung na mahimbing na natutulog. Tumingin ako sa digital clock na nakalagay sa bedside table ko.

It's 05:56 AM.

Naunahan ko 'yung alarm ko.

Bumuntong-hininga ako at bumangon. Habang nakaupo sa kama ay nag-stretch ako ng katawan. Hintayin kong tumunog ang alarm ko bago ako bumaba.

Lumingon ako kay Donghyuck hyung at ngumiti. Ang gwapo niya kahit tulog. Siguro hindi siya naka-experience ng ugly phase noong highschool at College siya.

Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa tumunog na ang alarm ko. Pinatay ko ito at aalis na sana ng kama nang may humila sa bewang ko.

"Renjun."

"Hyung?"

Humarap ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa pisngi. Pagkatapos ay ngumiti siya.

"Good morning."

Ngumiti ako pabalik, "Good morning! Pupunta ka bang office ngayon?"

Umiling siya, "Tinatamad ako."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Gusto ko ring sabihin 'yan kaso kailangan ko pa ring pumasok."

Tumawa siya at bumangon habang hawak pa rin ang bewang ko. "Hatid kita?"

Tumango ako, "Sige!"

"Let's go downstairs so you can have your breakfast."

Umalis na kami sa kama at bumaba sa hapagkainan. Nadatnan namin doon si Brittany na kumakain na ng breakfast.

"Good morning!"

"Good morning, my parents!"

Nanlaki ang mga mata ko, "Parents?"

Tumawa siya at tumango lang. Hindi na ako nagsalita at umupo sa tapat niya. Dumiretso naman si Donghyuck hyung sa banyo.

"Ihahatid ka ni Papa?"

"Yup." Naglagay na ako ng kanin sa plato ko.

"Gusto ko ring ihatid ako ni Papa. Lagi na lang si Kuya Lino naghahatid sa 'kin."

Tumigil ako at tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang nakanguso. "Sige, ihahatid ka ng papa mo. Mamamasahe na lang ako."

"Okay lang sa 'yo, Kuya Renjun?"

Tumango ako, "Yeah, okay lang."

"Thanks!"

Bahagya akong bumuntong-hininga habang naglalagay ng ulam sa plato ko.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon