Chapter 14

109 4 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

07:10

adik sa kape :
asan ka na? @Renjun Huang

sabi mo sasabay ka na samin ngayon 😡

sugar baby :
SANDALEEE

adik sa kape :
nasa labas na kami ng gate

bilisan mooo asan ka ba?

sugar baby :
nag-cr sandale

HAHAHAHAHAHA ito na

~

HC
@lee_donghyuck

hyunggg

sunduin mo na lang ako dito sa address na 'to

*insert chenle's home address here*

Okay

~

"Good evening, nandito na po ako." Nagtanggal agad ako ng sapatos at sinuot 'yung malambot na tsinelas na pinahiram sa 'kin ni Tita.

"Uy, sakto, anak! Tara na dito't kakain na."

Ngumiti ako nang marinig ang salitang 'anak.' Gusto kong umiyak.

Pumunta na ako sa hapagkainan at umupo sa tabi ni Chenle.

"Nabanggit pala sa 'kin ni Chenle na aalis ka na ngayon. Saan ka tutuloy?"

Hindi muna ako sumagot. Naglagay muna ako ng kanin sa plato ko. Nakakahiya sabihin kay Tita.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakangiti siya nang sincere.

"Uhm, ano po, makikitira po sa bahay ng isang kaibigan."

"Bakit pa? Welcome na welcome ka naman dito. At least kung hanapin ka na ng parents mo, nandito ka lang at mahahanap ka agad."

Kinagat ko nang bahagya ang labi ko. "Susunduin po ako no'ng kaibigan ko mamaya rito. Kaya tuloy na tuloy po ang pag-alis ko. Sorry po, Tita. Kapag hinanap po ako, 'wag na lang po kayong magsalita, please? Ako na pong bahalang kumausap sa parents ko if ever."

Tumango lang si Tita kahit 'yung ekspresyon ng mukha niya ay takang-taka. "Hindi kita maintindihan, anak, pero sige. Kung gusto mong bumalik dito, welcome na welcome ka, okay?"

"Opo, Tita, salamat." Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pagkuha ng ulam.

×××

Nakaupo ako sa couch katabi si Chenle. Nasa sahig ang aking maleta at malaking bag. Nasa balikat ko naman ang bag na ginagamit ko para sa school. Para akong mag-a-abroad.

"Text mo 'ko kapag nando'n ka na, okay?"

"Oo, ite-text kita. 'Wag mo 'ko masyadong ma-miss."

"Hindi, mamimiss pa rin kita." Tumawa siya nang bahagya. "Gala ulit tayo sa MOA with Jaemin hyung and Jeno hyung someday."

"Sure!"

At saktong may narinig kaming busina sa labas ng bahay nila. Hala, si Donghyuck hyung na ba 'yon?

"Hello? Renjun?" Kumatok pa siya sa gate. Si Donghyuck hyung nga.

"Uhm, nand'yan na siya."

Tumayo ako at hinawakan ang handle ng maleta ko. Kinuha naman ni Chenle ang malaking bag at nagpaalam kami kay Tita.

"Ma, aalis na raw si Renjun-ge!"

"Ingat palagi, ha!"

Pagkalabas namin ng bahay ay nandoon siya sa labas ng gate na may suot na mask na puti. Sa likuran niya ay may isang lalaking bodyguard at isang babaeng maid.

"Yan 'yung sugar daddy mo? Gago, mata pa lang, feeling ko ang gwapo na." bulong siya na mukhang hindi naman bulong kasi ang lakas.

"Gwapo talaga." Binelatan ko pa siya na parang nang-aasar.

"Sayang, naka-mask."

Tumawa lang ako at lumabas na kami ng gate. Kinuha ni ateng maid 'yung maleta ko at kinuha naman ni kuyang bodyguard mula kay Chenle ang bag na malaki.

"Sana all." bulong ulit niya. "Gaga ka naman, naiinis ako sa 'yo. Biglaan 'yung pag-alis mo."

Napanguso ako. "Sorry."

"Renjun-ah, let's go."

"Aba, gwapo rin 'yung boses."

"Sige na, babye. See you sa next na gala. Ingat palagi."

"Ikaw rin. Text mo 'ko, okay? O kaya, chat ka sa GC, okay?"

Tumango-tango ako, "Oo nga, magte-text ako." tumawa ako nang bahagya. "Sige na, aalis na ako."

"Babye!"

"Bye!"

Nang maipasok sa compartment 'yung mga gamit ko ay sumakay na kami sa kotse. Nasa backseat 'yung bodyguard at maid, at nasa passenger's seat naman ako.

"Who's he?"

"Chenle. Bestfriend kong pinsan ko rin."

Tumango lang siya. "Ready to go now, baby?"

Napuno ng paruparo ang tiyan ko. Noong una lovely, sunod ay honey, tapos ngayon naman ay baby. Masyado naman akong pinapakilig nito.

Hindi ako nagpahalata at tumango, "Mhm."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now