Chapter 20

86 6 2
                                    

Tumigil kami sa harap ng isang restaurant. 'Yung katapat ng restaurant ay Watsons. Nice!

"Bili ka na ng napkin."

"Samahan mo 'ko."

"Ayoko."

Tumawa ako. "It won't make you less of maangas. Dali na, samahan mo 'ko. Please?"

Bumuntong-hininga siya. "Fine." Tinanggal niya 'yung seat belt niya at tinanggal ko na rin ang seat belt ko.

Una siyang bumaba ng kotse. Pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya habang lumalabas ng kotse. Ako na ang nagsara ng pinto ng passenger's seat.

"Bakit ayaw mo? Hindi ka sanay?"

"It's usually one of the maids who buys her napkins. I bought her once and I felt humiliated or something. I don't know, it's probably because of my ego."

Tumango na lang ako. "Ako kasi tagabili ni Mama ng napkin noong bata ako."

"I don't have a mom. She died right after giving birth to me."

OMG.

Hindi ako nagsalita nang ilang segundo. Bumuntong-hininga ako. "Tara na, para makakain na tayo."

Hinawakan ko ang kamay niya. It feels warm. Ang sarap hawakan, ayoko nang bumitaw.

Tumawid kami sa kabilang gilid ng kalsada. Pagkapasok namin sa Watsons, binati kami ng guard.

"Good evening din po."

Hinila ko si Donghyuck hyung sa loob hanggang makarating kami sa sanitary pads section.

"Sabi niya kahit anong brand. Pero modess na lang since 'yon ang madalas kong bilhin para kay Mama."

"Tatlong pack na kunin mo para hindi na tayo bumalik."

"What if lima?" sabi ko habang nakatawa.

"Ikaw bahala. Bayaran mo na, hintayin kita sa labas."

"Ang KJ mo! Samahan mo 'ko sa counter."

Nilabas niya 'yung wallet niya at binigyan ako ng isang libo. "Ayoko. Hintayin kita sa labas."

Ngumuso ako habang kinukuha 'yung isang libo mula sa kamay niya. Nang umalis siya ay kumuha ako ng limang pack ng sanitary pads with wings.

Naglakad na ako papunta sa counter. Buti na lang at wala pang pila. Busy pa sa paglibot 'yung mga customer. Nang makarating ako ay agad kong nilapag ang pads sa counter. Ang weird ng tingin sa 'kin ng cashier. Problema nito?

"Para sa girlfriend niyo po?"

What the heck! Bakla po ako.

"Hindi po. Para po sa anak ng kaibigan ko, nagbilin lang."

"Ah, okay. Sorry po."

Nang ma-scan niya na ang mga ito, nilagay niya na sa isang paper bag na may logo ng Watsons.

"Sir, 475 pesos po." Inabot ko sa kaniya ang isang libo. "Wala po kayong 500 lang?"

Ay, wow. "Wala po, e. Pasensya na."

"Okay po. I received 1,000 pesos."

Pagkatapos niya akong suklian, dinikit niya ang resibo sa paper bag gamit ang stapler saka inabot sa 'kin ang paper bag.

"Thank you po."

"Welcome po."

Mabilis akong naglakad palabas ng Watsons. Nandoon si Donghyuck hyung sa labas habang may tinitignan sa kaniyang phone.

"Hyung, halika na."

Lumingon siya sa 'kin, "Halikan na?"

Tumawa ako, "No. I mean, tara na!"

"I know. I was just kidding." Tinapik niya ang ulo ko. "Nasaan ang sukli?"

"Akin na lang."

"No! May monthly allowance ka na, iisahan mo pa 'ko."

Nag-pout ako at binigay sa kaniya ang sukli. "Baka lang makalusot."

Hinawakan niya ang kamay ko at tumawif na kami sa kabila. Ang sarap talagang hawakan ang kamay niya.

Nilagay muna namin ang mga napkin sa loob ng kotse bago kami pumasok sa restaurant.
-

A/N

dapat title nitong chapter na 'to ay "Ang Pagbili ni Renjun ng Napkin ft. Maarteng Donghyuck" HAHAHAHAHA

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now