Chapter 48

65 7 0
                                    

"Brittany, anong bagong password ng wifi?"

Napatingin siya sa 'kin habang nanonood ng cartoons sa Netflix sa AndroidTV nila. Wala kaming gan'yan kaya hindi ko alam kung paano 'yan gumagana.

"I don't know. Hindi nga rin ako maka-connect, e."

"Eh, paano ka nakakanood sa Netflix d'yan?"

"Maybe Papa connected it to the wifi with the new password."

"Hindi niya sinabi sa 'yo kung ano 'yung password?" Umiling lang siya. Napanguso ako, "Sige, salamat."

Bumalik ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama.

Binuksan kong muli ang phone ko at tinext si Donghyuck hyung.

Haechan ♡

hyunggg, anong password ng wifi? :'((

Ilang minuto ang lumipas bago siya mag-reply.

secret. hintayin mo 'kong makauwi.

Bumuntong hininga ako.

Makatulog na nga lang ulit.

×××

"Renjun!"

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok na nanggagaling sa pinto. Bumangon ako at naglakad sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ni Donghyuck hyung.

"Hyung?"

"Can I come in?"

Tumango ako at pumasok siya sa loob ng kwarto ko.

Sinara ko ang pinto kasabay ng pag-upo niya sa kama. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. "Hyung."

"Renjun."

"Mhm?"

"We are in a sugar relationship so we need to be honest with each other."

"Yes, hyung. May sasabihin ka ba?"

"I... uhm, it's been bothering me since morning. Hindi ako makapag-function nang maayos."

"What is it? Tell me, hyung."

"Naalala mo noong hindi kita pinansin dahil sabi ko inatake ako ng anxiety?" Tumango lang ako. "I've been thinking, paano kung bawiin ka sa 'kin ng mga magulang mo?"

"Huh?"

"Hindi ko alam!" Binagsak niya ang ulo niya sa balikat ko. "Napamahal ka na sa 'kin. Ayokong umalis ka rito sa bahay ko."

Oh my God.

"Hyung." Bumuntong-hininga ako. Marahan kong sinusuklay ang buhok niya. "Hindi ba't sabi ko sa 'yo hindi kita iiwan?"

"Mhm."

"Kaya huwag ka mag-alala." sabi ko at binangon niya ang ulo niya. Tumingin ako sa mga mata niya. "I'll be always here."

"Thank you, Renjun."

Ngumiti ako. "Thank you rin. Thank you for telling me what you're feeling. It means so much to me. I promise to tell you what I feel, too."

Ngumiti siya pabalik at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ayokong maniwala na hahalikan niya ako sa labi.

And I was right. He kissed me on the forehead.

"Yellow Renjun."

"Hmm?" Kinunot ko ang noo ko.

"Password ng wifi."

Tumawa ako nang bahagya. "Thanks, hyung."

"All caps, no space."

Tumango ako at kinuha ang phone ko. Pinatong niya ulit sa balikat ko ang ulo niya.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon