Chapter 45

57 3 0
                                    

"So, kumusta ka kanina sa exam?"

Tumigil ako sa pagsusulat at lumingon sa kaniya. "Okay lang! Alam mo ba, 'yung mga tinanong mo sa 'kin kagabi, lumabas lahat sa exam. So, for sure, may 15 points na akong tama." Tumawa ako.

Tumawa rin siya. "Baliw! How about the other items?"

"Nasagutan ko rin naman, pero hindi na ako sigurado kung tama. Kasi noong dumating 'yung test paper, na-mental block ako." Ngumuso ako.

Tinapik-tapik niya ang ulo ko, "I'm sure you did great, honey. Ikaw pa ba?"

Ngumiti ako nang malapad. "By the way, Hyung, nilibre ko kanina sina Jaemin at Jeno ng kape pagkatapos ng exam."

"Mhm, that's good. Someday, I would like to meet your friends."

"Someday."

Hindi pa ako handang ipakilala siya sa mga kaibigan ko. Mabuti nga't mata lang ang nakita ni Chenle kay Donghyuck hyung. Hindi ko alam kung bakit ganito 'tong nararamdaman ko. I feel greedy. Gusto ko ako lang ang may kilala sa kaniya.

Atsaka halos dalawang linggo pa lang kami sa relasyon na 'to.

"Renjun,"

"Mhm?"

"You okay? Kanina ka pa nakatulala."

Oh shit. "Sorry."

"Hey, I have thought of something."

"Ano 'yon?"

"Paano kung hinahanap ka ng parents mo at babawiin ka na, sasama ka ba sa kanila?"

Tumigil ako.

I mean, they're still my parents. Pero nasa tamang edad na ako para humiwalay sa kanila. Mabuti rin sigurong pinalayas nila ako dahil hindi ko kayang mamuhay sa isang bahay na ang mga nakatira ay hindi ako tanggap bilang kung ano ako.

Umiling ako, "Hindi ako sasama sa kanila."

Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya at ang ganda ng ngiti niya. "Mamimiss kita, if ever."

Shit, same. "Mamimiss din kita. Pero hindi nga ako sasama sa kanila, kaya mananatili pa rin ako rito."

"Sorry."

Tumawa ako nang bahagya, "Nag-o-overthink ka rin pala 'no? Akala ko ako lang."

Hindi siya sumagot pero hinayaan ko lang. Naglaho 'yung maganda niyang ngiti kanina at 'yung mata niya at hindi na maliwanag. "Sige na, magsulat ka na ulit. Sa baba lang ako. Call me when you need me."

Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya pero siguro huwag na lang kasi malinaw namang hindi siya okay. "Sige."

Bumuntong-hininga ako nang lumabas na siya ng kwarto.

×××

jwin. 🔒 @foxscavern

now he's making me overthink. bigla na lang siyang tumahimik. may nasabi ba akong mali?

[ 17:01 • 11 Oct 22 ]

~

jwin. 🔒 @foxscavern

omg hindi niya ako kinakausap. why? :(

[ 19:23 • 11 Oct 22 ]

~

jwin. 🔒 @foxscavern

tapos na kaming mag-dinner at hindi niya pa rin ako kinakausap. nahihiya akong puntahan siya sa kwarto niya.

[ 21:03 • 11 Oct 22 ]

~

jwin. 🔒 @foxscavern

lord what to do??? 😭

[ 21:05 • 11 Oct 22 ]

~

jwin. 🔒 @foxscavern

mag-review na lang muna ako.

[ 21:06 • 11 Oct 22 ]
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now