Chapter 54

64 3 0
                                    

"Papa! Papa, kakain na po. Baba ka na."

Kanina pang gising si Donghyuck pero hindi pa siya bumabangon. Kahit ilang beses nang kinatok ng mga maid at ng anak niya ang pinto ng kwarto niya ay hindi pa rin siya bumabangon.

Naisip niya ang sinabi ni Renjun kagabi. At ayaw niyang bumaba para lang makitang wala na si Renjun sa bahay niya.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Brittany. Umupo ito sa kama at tinapik nang bahagya at braso niya. "Pa, si Kuya Renjun—"

"Alam ko." Lumingon siya sa anak niya at bumangon sa wakas.

"Bakit po siya umalis?"

"Hindi ko alam. Pero huwag ka nang umasang babalik pa siya rito."

"Huh? Tapos na 'yung contract niyo?" Napanguso si Brittany. "Alam mo, Pa, sa kanilang apat, si Kuya Renjun pinakapaborito ko. Super bait niya kasi. Hindi tulad no'ng tatlo, sinusungitan ako at kung umasta ay parang asawa mo."

"Siya rin ang pinakapaborito ko."

Ngumiti nang bahagya si Brittany.

"Malungkot ka ba kasi umalis na si Kuya Renjun?" Umiling lang si Donghyuck. He lied. "Alam mo ba, sabi niya sa 'kin noong isang araw, may crush daw siya sa 'yo noong una ka niyang nakita. I'm not surprised, though."

Pinigilan ni Donghyuck ang pagngiti. Pero sa kaloob-looban niya ay natutuwa siya.

"Ako rin, Brie."

×××

"Anak, pakibantayan muna 'yung sinaing ko, ha. Bibili lang ako ng ulam."

"Okay."

Pagkalabas ng nanay ni Chenle ay pumunta siya sa kusina para tignan ang sinaing. Nang makitang hindi pa luto ay bumalik siya sa sala.

Uupo na sana sa sofa nang maudlot ito dahil may kumatok sa pinto ng bahay nila at narinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Chenle!"

"Hala! Si Renjun." Dali-dali siyang lumabas at pinagbuksan ng pinto ang kaniyang pinsan. "Hoy, anong ginagawa mo rito?"

"Pwedeng papasukin mo muna ako?"

Unang pumasok si Renjun sa loob ng bahay habang sinasara ni Chenle ang gate. Pagkatapos ay sumunod na rin sa loob.

Tinabihan niya sa sofa si Renjun na nakakunot ang noo at mukhang binagsakan ng langit at lupa ang itsura. "May problema ba?"

"Chenle! Ang gulo-gulo ng utak ko." Nagtataka lang siyang tinignan ni Chenle. "Hindi ko na alam."

"Ano bang nangyayari? Anong pwede kong itulong?"

Malalim na bumuntong-hininga si Renjun. "Noong una sabi ko, hindi na ako babalik sa 'min pagkatapos nila akong palayasin. Kahit bawiin pa nila ako, hindi na ako babalik. Sabi ko, hindi ko iiwan si Donghyuck hyung kahit bawiin pa ako nina Mama. Pero ngayong nalaman ko na tanggap ako ni Mama at hindi niya ako gustong mapalayas sa 'min, gusto ko ulit siyang makita."

" It's okay to feel that way, Renjun."

"Ang gulo-gulo ng utak ko! Gusto kong makita at mayakap si Mama, pero gusto ko pa ring mag-stay kina Donghyuck hyung. Umalis ako sa kanila nang hindi nagpapaalam."

Nagulat na lamang si Chenle nang bigla siyang yakapin ni Renjun. "Renjun—"

"Ang liit ng problema ko pero gulong-gulo ako, Chenle. Hindi ko alam ang gagawin."

"Ano bang nararamdaman mo ngayon?"

"Hindi ko rin alam."

Niyakap pabalik ni Chenle ang pinsan niya, "So, gusto mo bang samahan kita sa inyo? Hindi ba't gusto mo nang makita 'yung nanay mo?"

"Paano kung hindi na ako tanggapin sa bahay? I mean, nandoon si Papa. Ayaw sa 'kin ni Papa."

"Anong klase siyang magulang? Kahit ano pang pagkatao mo, dapat ay tanggapin ka niya dahil anak ka niya."

Kumalas sa yakap si Renjun at bumuntong-hininga. "Gusto kong bumalik sa amin. Pero paano si Donghyuck hyung?"

"Nasabi mo na ba sa kaniya na gusto mong umuwi sa inyo?"

Tumango si Renjun. "Habang kausap ko siya kagabi, kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya."

"Aww, Renjun. Don't you think, Donghyuck hyung fell for you?"

Nagkibit-balikat siya, "Ayoko mag-assume. Sinabi niya kagabi na na-attach na siya sa 'kin. I don't think it's a romantic attachment. Maybe, emotional attachment lang. Pero ako, to be honest, nahuhulog na ako sa kaniya."

"Teka lang, hindi ko kinakaya." Huminga nang malalim si Chenle. "OMG ka, Renjun! So, ano, gusto mo bang bumalik sa inyo or mag-i-stay ka sa kaniya?"

"Tangina naman. Hindi ko alam. Hindi nga kilala ni Mama si Donghyuck hyung, e. Hindi niya alam na may sugar daddy ako. Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya?"

"Ganito, bumalik ka muna sa inyo, tapos saka ka magdesisyon kung babalik ka sa sugar daddy mo. Okay ba 'yon?"

"I guess." Ngumiti nang bahagya si Renjun. "Thanks, Chenle."

"Sure. By the way, nasaan 'yung mga gamit mo?"

"Uhm," tumawa siya nang bahagya, "nasa bahay ni Hyung."

Tumawa si Chenle pero bigla ring napatigil nang may maalala siya. "Hala! 'Yung sinaing." Kumaripas siya ng takbo sa kusina habang si Renjun naman ay tumawa lang.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα