Chapter 9

113 6 1
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

20:18

iPhone 13 pro max :
hoy @Renjun Huang, asan ka na? magdi-dinner naaa

SABI KO I-TEXT MO KO DIBA

Gusto ko na mag shift pls :
Anong meron?

Ahhh, yung sugar daddy niya.

Baka kung ano nangyari dun.

adik sa kape :
baccla nasan ka? isang pindot naman ng emoji dyan @Renjun Huang

baka na-kidnap na tangina

sugar baby :
gago anong na-kidnap? HAHAHA

baka mamayang madaling-araw pa ako makauwi, or bukas hehe

kain na kayo, don't worry about me @Chenle Zhong

iPhone 13 pro max :
tangina bat bukas pa? HOY! NASAN KA BA? TANGINA MO NAMAN, PINAG-AALALA MO KO

sugar baby :
awweee chenle, wag ka na mag-alala. pramis, uuwi ako nang ligtas

iPhone 13 pro max :
sige, sabi mo yan ha. i-text mo pa rin ako putacca

adik sa kape :
ang cute ni chenle huhu

sugar baby :
i'll be fine, pramis. oo, tetext kita

sige na mamaya na ulit, labyu guys

adik sa kape :
labyu too

iPhone 13 pro max :
labyu too
~

"Is everything okay, honey? Nakita ko, naka-capslock na 'yung isa mong kausap. Sorry for accidentally seeing your chats."

Lumingon ako sa kanya at umiling, "It's okay, hyung. Nag-alala lang sila. Pero in-assure ko na sila na okay lang ako."

Tumango siya at tinanggal ang seatbelt niya. Tinanggal ko na rin 'yung akin. Nakatigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Parang mansion.

Sinampal ako ng kahirapan. Grabe!

"One last question, Renjun. Are you really sure about this?"

Bumuntong-hininga ako. "Sure na ako, hyung. I mean, ako rin naman ang magde-decide kung gusto kong tumigil na tayo, 'di ba?"

"That's correct. All right, let's go." Lumabas siya ng kotse at sinara ang pinto niya. Pagkatapos ay umikot siya papunta sa pinto ko saka ito binuksan.

Ngumiti ako bago lumabas. Sinara naman niya ang pinto.

Biglang may lumabas na isang lalaking medyo matanda, maybe he's in his 40s. "Good evening, Mr. Lee."

"Good evening."

Sinundan ko 'yung matanda ng tingin. Sumakay siya sa kotse at pinaandar papunta sa bandang likod yata ng mansion.

"Hyung, saan niya dadalhin 'yung kotse mo?" bulong ko.

"At the garage. Sa likod ng mansion." Tumango na lang ako.

May dalawang babaeng lumabas ng mansion na naka-maid uniform.

"Good evening, Mr. Lee!"

Hawak nilang dalawa 'yung dalawang pinto, sa magkabilang gilid sila. Pinaglaruan ko lang ang mga daliri ko kahit hanggang nakapasok na kami sa loob.

May maids ulit. Ang isa ay nagmo-mop ng sahig. May dalawa roon sa dining area. At may babae rito sa sala na nakaupo sa sahig, may maliit na lamesa sa harapan niya.

Tumingala 'yung babae sa 'min—kay Donghyuck hyung lang pala.

"Papa!"

Ah, anak niya. Baka kailangan niya ng bagong nanay—ay, lalaki nga pala ako.

"Brittany, I would like you to meet Renjun."

"Your new sugar baby?"

May naging sugar baby na pala siya bago ako? Hindi naman ako nagseselos.

"Yes."

"Hi." Kumaway ako nang nakangiting bahagya.

Ngumiti rin siya pero alam kong peke. "You'll want to leave soon. I swear."

Hoy, ano raw? Bakit ko gugustuhing umalis agad?

"Brittany, can you please be nice for once?"

"Sorry, Papa." Lumingon ulit siya sa 'kin. "I'm Brittany Lee. Brittany, not Britney. But you can just call me Brie. I'm 16. How old are you?"

"I'm 19."

"Ikaw pinakabata sa lahat ng naging sugar baby ni Papa." Tapos bumalik na siya roon sa pwesto niya kanina na parang walang nangyari.

Pang-ilan kaya ako?

"Mr. Lee, nakahanda na po ang dinner. Brie, halika na rito!" sabi ng maid na nasa dining area.

Tumayo na si Brittany at naglakad papunta sa dining area.

"Kain muna tayo?"

Tumango ako. But I think I need to talk more. "Sige."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now