Chapter 3

140 4 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

20:20

iPhone 13 pro max :
nakauwi na ako

umuwi na rin ba si renjun-ge?

adik sa kape :
wala pa ba dyan? kasabay naming lumabas yun eh

iPhone 13 pro max :
halaaa ano nang nangyari dun?

adik sa kape :
teka tawagan kooo

iPhone 13 pro max :
okie. tetext ko na rin

20:27

Gusto ko na mag shift pls :
Anong nangyayare?

adik sa kape :
hindi siya sumasagot

iPhone 13 pro max :
@Renjun Huang HUUUYYY NASAAN KA?

reply ka sa text ko, gege! pls!

adik sa kape :
BAKLA HOY WHERE U BA? @Renjun Huang

the purest boi :
HELPPP

PUMUNTA AKO DITO SAMIN BAKA SAKALING MALAMIG NA ULO NILA,, KASO AYAW NILA AKO PAPASUKIN

HINDI NILA AKO TANGGAP TANGINA

iPhone 13 pro max :
gago???

they're your parents. responsibilidad nilang tanggapin ka kasi anak ka nila

adik sa kape :
omggg nandito lang kami beh, tanggap na tanggap ka namin

the purest boi :
uuwi na ako dyan @Chenle Zhong sorry wala akong pasabi

iPhone 13 pro max :
uy ano ka ba, no probs. pero sa susunod, pls magsasabi ka okay?

the purest boi :
okie

Gusto ko na mag shift pls :
Nawala signal ng wifi amp

Fighting, Renjun!

adik sa kape :
tangina babe, tapos na yung drama

Gusto ko na mag shift pls :
Sisihin mo yung wifi namin pota

iPhone 13 pro max :
yan sige mag-away kayo HAHAHAHAHA

~

"Tita." pagtawag ni Renjun sa nanay ni Chenle habang sila ay kumakain ng dinner.

"Yes, Jun, ano 'yon?" nakangiti ito kay Renjun.

"Uhm," pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri habang iniisip kung paano niya sasabihin 'yung gusto niyang sabihin. "Pwede po bang makahiram?"

"Ng ano, anak?"

Napangiti siya nang tawagin siyang 'anak' ng nanay ni Chenle. "For tuition fee po sana, 45k. Promise, babayaran ko po kapag nakahanap ako ng part-time job."

"Nako, Jun, ipapambayad ko rin 'yon ng tuition fee ni Chenle. Sa October pa magpapadala ulit ang Papa niya."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Na-realize niyang nasa adult life na talaga siya kahit 19 pa lang siya. Nasanay kasi siyang ang mga magulang niya ang nagbabayad ng tuition fee niya at kahit anong kailangan niya sa school. Hindi na nga pala siya bata.

"Chenle, may alam ka bang part-time job dito?"

"Sa 7/11 yata, nagha-hire sila ng undergraduates. Nagbiro ako dati d'yan kay Mama na mag-a-apply ako roon, binatukan ako."

Tumawa nang bahagya si Renjun. "Okay, susubukan ko bukas."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now