Chapter 36

72 11 2
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa katok sa pinto. Tinignan ko ang oras mula sa phone ko. Ala una na ng madaling-araw.

May kumatok ulit sa pinto. Bumangon ako mula sa kama at naglakad papunta sa pintuan. Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa 'kin si Donghyuck hyung na namumula ang pisngi at parang inaantok na.

"Daddy?" Oh shit, amoy alak. Napatakip ako ng ilong. "Lasing ka ba?"

Napansin kong ngumisi siya at tinulak ako papasok sa kwarto. Pumasok siya rito sa kwarto at ni-lock ang pinto. Umupo siya sa kama at tumitig lang sa 'kin.

"Hyung, tinatanong kita."

"Tawagin mo nga ako ulit ng tinawag mo sa 'kin kanina." Ang lalim ng boses niya, shit. Tumaas ang mga balahibo ko.

Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Daddy." mahinang tawag ko.

"Tumingin ka sa 'kin, Renjun. Lakasan mo."

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at medyo nilakasan 'yung pagbigkas ko. "Daddy." Tangina, lamunin na lang sana ako ng sahig.

"Good boy." sabi niya habang nakangisi. That made me shiver.

Nagulat ako nang hilain niya ako sa braso. Uupo sana ako sa tabi niya pero hinila niya ulit ako papunta sa lap niya at doon pinaupo. Lumunok ako ulit at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Naaamoy ko pa rin 'yung alak. Sobrang tapang ng amoy, parang nakakahilo.

"Will you allow me to touch you, baby?"

Lasing siya. Hindi pwede. "Hyung, maligo ka muna. Ang baho mo."

Tumawa siya nang bahagya, "Let's shower together?"

"No." Tatayo sana ako pero binalot niya ang mga braso niya sa baywang ko.

"Renjun, please." he whispers.

"Hyung, hindi nga pwede kasi lasing ka. Kung hindi ka lasing, papayagan kita." Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

Nahihilo na ako sa amoy niya.

Umalis ako sa lap niya at humarap sa kaniya. "D'yan ka lang, kukuha ako ng pamunas." Tumango lang siya at binagsak ang sarili sa kama.

Nag-tsk ako bago lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko, nagulat ako nang makasalubong ko 'yung isang maid na may dalang baso ng tubig at mukhang aakyat din.

Tumigil siya, "Ay, hello, sir Renjun! Lasing po ba si Mr. Lee?" Tumango lang ako. "Ito po malamig na tubig, para mahimasmasan siya." Inabot niya sa 'kin 'yung baso.

Kinuha ko ito at tumango, "Salamat po. Nga pala, Ate, may pamunas po ba kayo d'yan na pwedeng ipunas kay Donghyuck hyung?"

"Mayroon po. Sandali."

Tumakbo siya papunta sa kusina at umupo naman ako sa hapagkainan para maghintay.

Maya-maya lang ay bumalik siya na may dalang basang washcloth, tumutulo pa nga 'yung excess na tubig.

"Ito po, sir."

Kinuha ko 'yung washcloth mula sa kamay niya at tumango, "Thank you po. Uhm, ano pong name niyo? Sorry po, ilang araw na 'ko rito—"

"Zoe."

"Ayon. Thank you po, Ate Zoe."

"Walang anuman po."

Umakyat na ako ulit sa kwarto ko dala ang washcloth at baso ng tubig. Pagkapasok ko ay nadatnan kong natutulog na si Donghyuck hyung. Sinara ko muna ang pinto bago maglakad papunta sa kama.

Nilapag ko ang tubig sa bedside table at umupo sa kama.

Bumuntong-hininga ako bago siya punasan. Sinimulan ko sa magkabilang braso niya, mula balikat hanggang kamay. Mabuti't naka-sleeveless siya. May muscles pa nga, ang hot tignan lalo.

Sumunod ay ang leeg, collar bones at dibdib. At bakit ako nanginig, pinupunasan ko lang naman siya?

Shit, may nunal siya sa leeg, dalawa. At sa dibdib, dalawa rin.

Pagkatapos kong punasan ang dibdib niya ay dahan-dahan kong inangat ang damit niya hanggang dibdib. Shet, shet.

Napatigil ako.

Hala, may abs. At may nunal na naman sa bandang tiyan.

Huminga ako nang malalim bago punasan ang ibang parte ng dibdib niya na hindi ko napunasan kanina pababa sa kaniyang abs—I mean, abdomen.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na kaya. Naglalaway na rin yata ako.

Kaagad kong binaba ang damit niya at bumuntong-hininga nang malalim. Hindi ko na pinunasan ang hita at binti niya dahil nakapantalon siya.

"Hyung, gising muna." Tinapik-tapik ko siya sa braso nang bahagya. "Donghyuck hyung." Hindi pa rin siya nagigising.

Napatitig ako sa mukha niya. Oo nga pala, hindi ko pa napupunasan ang mukha niyang gwapo.

Lumapit ako nang konti para maabot ko ang mukha niya. Mapayapa siyang natutulog, parang ang himbing.

Ngayon ko lang naobserbahan ang mukha niya. May apat siyang nunal sa kaliwang pisngi niya. Ang dami naman niyang nunal. Sa likod kaya, may nunal din siya?

Sinimulan ko nang punasan ang mukha niya. Inuna ko ang noo. Sumunod ang ilong at pisngi. Pagkatapos ay sa espasyo sa gitna ng ilong at labi. Pinakahuli ang baba.

Nang matapos kong punasan ang gwapo niyang mukha ay nilapag ko sa lamesa ang washcloth.

Pagkalingon ko sa kaniya ay gising na siya at nakatingin sa 'kin. Napalunok ako. "Hyung, kanina ka pa gising?"

Tumango siya habang nakangisi, "Habang pinupunasan mo ang mukha ko."

So, hindi siya gising noong pinupunasan ko 'yung nasa ilalim ng damit niya? Buti naman.

"Ah. Uhm, inom ka muna ng tubig. Medyo nabawasan na 'yung lamig."

Bumangon siya at umupo sa tabi ko. Inabot ko sa kaniya ang baso at agad naman niya itong kinuha.

Umiwas ako ng tingin habang umiinom siya ng tubig. Nakatingin lang ako sa sahig habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kanang hita ko. Nilagay ko sa gilid ang mga kamay ko at hinayaan lang siyang himasin nang dahan-dahan ang hita ko.

Pumikit ako habang nararamdaman kong pinipisil-pisil niya ang hita ko. Pakiramdam ko'y bumabagal ang paghinga ko.

Naramdaman kong umusog siya palapit sa 'kin. Minulat ko ang mga mata ko at lumingon sa kaniya. Nakatitig siya sa 'kin.

"You're so pretty, Renjun."

Hindi ako sumagot dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Ako yata ang kailangang uminom ng tubig.

"Bakit wala ka pang boyfriend? Ang ganda-ganda mo, e."

Hindi ko rin alam.

"I'm really happy I met you. Amongst my past sugar relationships, you're the only one who can make me feel like I'm in cloud nine."

Ngumiti lang ako. I'm glad I can make him feel that way.

"Don't leave me, Renjun. I'd probably not entertain anyone anymore if you leave."

Kahit may anak siya at may mga kasama siya rito sa mansion niya, nararamdaman kong mag-isa lang siya. Balang-araw ay iiwan din siya ng anak niya at ang mga employee niya ay magre-resign na rin balang-araw.

Gusto ko siyang samahan habambuhay. Kahit hindi man bilang asawa niya, pero gusto ko siyang pagsilbihan balang-araw.

"Hyung."

"Mhm?"

"Hinding-hindi kita iiwan."
-

A/N

may nagbabasa pa ba? HAHAHAHA feedback?

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now