Chapter 69

72 4 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

Wednesday, Nov 2

09:21

adik sa kape :
good morning!!

iPhone 13 pro max :
good morning!

adik sa kape :
nagpaalam akong mag-CR para lang mag-cellphone HAHAHA

nabo-bored ako pota

iPhone 13 pro max :
same HAHAHAHAHAHA

ayy puta wait lang, muntik na ako mahuli ni sir

brb

adik sa kape :
gaga HAHAHAHA

asan si renjun?

yow @Renjun !!

nasa klase ka ba?

edi sana all nakikinig sa klase, eme

sige see u later

12:01

adik sa kape :
pababa na akooo

Gusto ko na mag shift pls :
Okay

Hintayin ka namin dito

adik sa kape :
hmpk

×××

"Bakit hindi ka nagre-reply sa GC?" biglang tanong ni Jaemin pagkarating niya sa lamesang pinupwestuhan namin.

"Wala akong data. Wala na rin akong load."

"Ah, okay." Umupo siya sa tabi ng boyfriend niya. "Pa-load ka."

"Wala na akong pera."

"Hindi ka humingi sa nanay mo?" natatawa niyang sabi.

"Pinambili na niya ng ulam. Gaga ka!" Tumawa ako.

"Hingi ka na ulit sa daddy—" Bago pa niya matuloy 'yung sasabihin niya ay agad tinakpan ni Jeno ang bibig niya.

Bumuntong-hininga ako.

"Paano ka kakain ng lunch kung wala kang pera?" biglang nagsalita si Yangyang sa tabi ko.

Lumingon ako sa kaniya at nagkibit-balikat. "Gano'n talaga. Hindi naman kami mayaman, e."

"What if I treat you?" nakangiting tanong niya.

"Hoy, 'wag na! Okay lang ako."

"Hindi, ililibre kita. 'Wag ka nang umangal." Tumayo siya mula sa pwesto niya. "Tara!"

"Saan?"

"Sa counter."

"Yangyang, 'wag na—"

"Sige na, Renjun." singit naman ni Jeno.

"Go, bestie!" sabi naman ni Jaemin na ngayo'y malaya na ulit ang bibig.

"Okay! Libre naman, e." Tumawa ako nang bahagya saka tumayo mula sa kinauupuan ko.

Naglakad na kami papunta sa counter. At may narinig kaming sigaw mula kay Jaemin, "Susunod kami!"

Habang nakapila kami ay kinuha ko ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may text message mula kay Donghyuck hyung.

Tumingala ako kay Yangyang, at nang makitang hindi siya nakatingin ay agad kong pinindot ang inbox namin ni Donghyuck hyung.

Haechan ♡

It's been so long, Renjun.

You'll come back, right?

I really miss you.

Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang messages niya.

Pipindutin ko na sana 'yung textbox nang maalala kong wala na nga pala akong load. Nakanguso ako at in-exit ang messages.

"Haechan?"

Nagulat ako at ni-lock ang phone ko saka lumingon kay Yangyang. "Uhm,"

"Miss ka na raw."

"Shut up." bulong ko. Mukhang narinig niya kasi tumawa siya.

"Siya ba 'yung crush mo?" Tumango ako. "Sorry. Hindi ko sinasadyang makita."

"Ano pang magagawa ko."

"Bakit hindi mo—"

"Sa inyo po?"

"Ay. Renjun, anong gusto mo?"

Muli akong bumuntong-hininga. "Kung ano sa 'yo, 'yon na lang din sa 'kin."

"Okay." Lumingon siya kay Ateng tindera, "Dalawa pong order ng sinigang with rice."

Pagkakuha namin sa order namin ay nagbayad na si Yangyang. Sakto siguro ang binayad niya dahil hindi na siya binigyan ng sukli.

Unless, nakalimutan. "Wala nang sukli 'yon?"

"Wala na."

Tumango na lang ako at naglakad na kami. Nadaan pa namin sina Jaemin at Jeno na nasa dulo ng pila.

Kumaway kami sa kanila bago magpatuloy at pumunta sa pwesto namin.

"So, 'yung crush mo, taga-saan siya?" tanong ni Yangyang pagkaupo namin.

"Huh?"

"Nag-aaral pa ba siya or...?"

Tumango ako. "Bakit gusto mong malaman?"

"Hala! Curious lang naman."

"Ayokong sabihin."

"Bakit?" Ngumuso siya at tumango. "Okay. Sorry."

Naalala ko 'yung sinabi niyang pamilyar si Donghyuck hyung sa kaniya. Maybe nagkita na sila dati o may kamukha lang si Donghyuck hyung na kakilala ni Yangyang. It has to be either of the two.

"Uh, Yangyang."

"Huh?"

Itatanong ko sana kung bakit pamilyar sa kaniya si Donghyuck hyung, pero 'wag na lang. "Wala... ano, thank you dito."

Tumango siya at ngumiti, "You're very welcome."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now