Hindi s'ya sumagot. Nakipagtitigan lamang s'ya dito na ginagantihan sya ng iritableng ekspresyon.

Tumunog ang intercom kaya't nilapitan n'ya ito.

"What's that?"

"Sir may delivery boy po dito"

"Send him in" pagkasabi non ay muli s'yang bumalik sa harap ni Pauline "To answer your question, yes. I want you out. But please take the food"

"Ano?"

Tatlong marahang katok ang umagaw sa atensyon nila.

"Come in" Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang delivery boy na may dalang isang malaking plastic bag na alam na n'ya ang laman. Lumapit ito sa kanya at inabot ang dala kapalit ng ilang lilibuhing papel. "Thank you" Pagka-alis nito ay inabot niya ang hawak sa dalaga. "Take this"

"Ayoko" Nakatitig lamang siya rito "I'm here for an interview. Hindi para tumanggap ng kahit ano galin-" may kakaibang ingay na nagmula sa direksyon nito. Partikular sa tiyan.

"You were saying?"

Namula na lamang ang dalaga

Hindi nagpatinag si Pauline. Hindi nga ito umalis ng kanyang opisina ngunit tinanggap naman ang alok n'yang pagkain.

Nang matapos ito ay muli s'ya nitong binalingan at hinarapan ng tape recorder, notebook, at ballpen.

"Simulan na natin ang interview" may awtoridad sa boses nito

"Who told you that I'm doing that interview?"

"Huwag ka ng umarte. Sasagot ka lang naman sa mga tanong ko"

"You know everything about me so why do you have to ask?"

Inihit ito ng ubo.

Palihim s'yang ngumiti.

"Mr. Montero, masyado ka namang nakakabigla!"

Nawala ang ngiti n'ya.

"What did you call me?"

"Mr. Montero..?" May pagtataka sa mukha nito "Hindi ba dapat ganon?"

Pakiramdam n'ya bigla s'yang nawalan ng gana.

Bumuntong hininga s'ya "I'll give you five minutes to finish your interview"

Halatang nabigla ito "Five minutes? Hindi 'yun sapat para-"

"Take it or leave it. Decide now. Your time is running"

"Siryoso!?" Blangkong tingin ang isinagot n'ya rito "Pero... Aah! I did'nt know na ganito ka na kasungit nagyon!" Binuksan na nio ang recorder "Sinong bago mong girlfriend?"

Tumaas ang kilay n'ya "Is this for your interview or for you?" tumaas din ang kilay nito "I'm dating someone" pagsisinungaling n'ya.

"Oh." Napansin n'ya ang paglamlam ng mga mata nito. "...Who?"

"Beatrice Lou" kilala nito ang kababata n'yang iyon

"Akala ko ba hindi mo s'ya type? Sabi mo ayaw mo sa babaeng sobrang payat?"

"Your'e affected?"

Para itong natauhan "Ha? Hindi, ah. Assuming ka..."

Pakiramdam n'ya bumalik ang sigla n'ya.

"Three minutes left..."

"Oo na. Wag mo na nga akong binibilangan. Natataranta lang ako, eh" May kinuha itong papel ngunit agad din naman iyong ibinalik sa kipkip nitong bag. Sa huli, tumingin lang ito ng diretso sa mata n'ya "How are you?"

The AuditionsWhere stories live. Discover now