"Hell week last week. Sorry." I apologized. "But, if you want, I can go there after class. Wala namang masyadong ginagawa eh."

"Game!" She said. "Kwentuhan mo ako sa mga nangyari!"

"Sige! But for now, maglalunch muna kami, ha?"

"Okie doks!" She sounded like she's not sick. "Bye, Bestie!"

"See you, bestie!"

I am wrong. I still have someone whom I can cry my heart out- Kelly.

-

I was known for being happy-go-lucky. Sabi ng mga kakilala ko, parang wala akong pinoproblemang problema. Nakakainggit daw ako kasi carefree ako and then they'll start telling me about their problems in life, and most of their problems ay yung related about sa lovelife nila.

Kagaya na lang ni Hans na isa sa pinakamalapit kong kaibigan.

"Maliban sa akin, 'yang si Hans ang kanina pang naghahanap sa'yo." Monica said habang nakain kami ng tortillos at burger sa cafeteria. Sinundan ko ng tingin iyong kinakawayan niya at nakita ko si Hans na pumasok ang cafeteria kasabay ng tatlong random na lalaki. Kumaway din ako kasabay ni Monica at agad niya kaming nakita.

"Buti at nandito ka na, Claire!" He exclaimed.

"Yes. Alive and breathing." I smirked.

"Akala ko, naglaslas ka na!" Hans bursted out and we laughed.

"No way!" I told him incredulously.

"And alam mo, Hans, si Claire ang taong hinding hindi namroblema ng problema! Noong tinawagan ko 'yan, parang hindi ipinatawag ni Ma'am Vegas! Nagawa pang tumawa!"

"You know me well, Mons!" At nag-apir kami ni Monica habang tumatawa si Hans. "Anyway, kung mayroong suicidal dito, Hans, ikaw 'yon."

And my hopeless romantic friend began to look frustrated.

"Spill!" Monica demanded.

"Boys don't spill their dramas." I said teasing.

"Tantanan ninyo nga ako." He sounded mad.

"Okay, chill!" Itinaas ni Monica ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko.

"Ikain mo na lang 'yan." I said para mabawasan ang air pressure dulot ni Hans. Iniabot ko sa kanya ang bag ng tortillos habang sinubukan ni Monica na idivert ang topic.

"May lakad ka ba ngayon, Hans?" She asked.

"Wala, why?" Kalmado na si Hans this time.

"Good! Yayain ko kayo sa bahay, birthday ng bunso kong kapatid. Kainan lang after class."

"I'll pass, sorry." I said in an apologetic gesture.

"Ha? At bakit?" Monica looked at me, cofused.

"Dadalaw ako kay Kelly. That's a promise na kasi. Alam mo namang hindi ko siya nadalaw last week noong isinugod siya sa hospital dahil hell week natin."

"Ay. That's reasonable. Next time, ha?" She pouted.

"Sure thing!" I winked at her.

"Ikamusta mo na lang kami sa kanya." Hans said with a big smile.

-

Tinext sa akin ni tita Rita (mama ni Kelly) iyong room number ni Kelly noong naospital siya last week kaya alam ko na agad ang pupuntahan. Nagdala ako ng assorted fruits at isang bouquet ng roses para matuwa si Kelly.

Nasa hallway na ako ng third floor nang makita ko ang ate ni Kelly. I recognized her because of the tshirt na niregalo ko sa kanya noong pasko at sa usual hair bun style niya. Nakasandal siya sa upuan katabi ng isang kwarto at nakalagay ang dalawang kamay sa mukha na parang naghihilamos. Tumakbo ako papalapit.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon