First Anniversary

Start from the beginning
                                    

'Baka naman may surprise lang?' Oo, baka nga... Sana nga.

Naghintay pa ko ng dalawang oras pero hindi talaga siya dumating. Nagpunta ko sa bahay nila pero tanging maid lang nila ang nando'n. Itinanong ko kung nakauwi na ba si Ziven pero hindi pa rin daw umuuwi.

Naglalakad ako ngayon papunta sa pinakamalapit na seaside para hintayin ang sunset. Kahit na wala siya gusto ko pa ring i-celebrate ang anniversary namin. Bumili rin ako ng cake na may nakasulat na 'Happy Anniversary Baby', iisipin ko nalang na kasama ko siya.

Habang hinihintay ko ang sunset may narinig akong kumakanta, napalingon ako ro'n at nakita ko ang isang lalaki na kinakantahan ang isang babae.

"Oh baby, stand here holding my sides

Close your baby blue eyes

Every moment feels right

And I may feel like a fool

But I'm the only one dancing with you."

Tumayo 'yong lalaki saka niya binati ng happy first monthsary 'yong babae, ang sweet. Naalala ko tuloy ang first monthsary namin ni Ziven, ganyan din ang ginawa niya n'on. Kinantahan niya ko kahit na hindi siya magaling kumanta at kahit na maraming tao ang nakapalibot sa'min.

Maya-maya nakarinig naman ako ng sigawan, pagtingin ko kung saan nanggagaling 'yon nakita ko naman ang isang grupo ng mga lalaki na may hawak na banner at nakasulat ang happy fifth monthsary. Nakatalikod 'yong babae at ang hindi niya alam nasa likuran niya lang 'yong lalaking may gawa siguro ng banner na 'yon. Kinalabit siya no'ng lalaki at pagharap no'ng babae agad siyang inabutan ng bouquet of rose ng lalaki.

Nangyari rin sa'min ni Ziven 'yan, saktong fifth monthsary din namin. Naiyak ako bigla, 'yong mga luhang kanina ko pa pinipigilan bigla-bigla nalang lumabas sa mga mata ko. Punas ako nang punas para mawala pero patuloy pa rin sa pagbuhos, nakakainis! Hindi ko alam kung anong meron kay Ziven at nagkakaganyan siya, isang linggo na siyang cold. Ano bang problema niya?

To: Baby Ziven

Baby nasan ka na? Malapit ng lumubog ang araw, nandito na ko sa seaside. Hihintayin kita baby. Hihintayin kita...

Kahit na hindi siya dumating sa lunch date namin kanina umaasa pa rin ako na darating siya bago tuluyang mawala ang araw. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya at handa akong maghintay para sa kanya.

Ilang oras pa ang lumipas at unti-unti ng nawawala ang liwanag, bumabagsak na ang araw at umaakyat na ang dilim pero wala pa rin ang boyfriend ko. Hinawakan ko 'yong cake na binili ko kanina at kasabay ng pagkawala ng araw, hinipan ko ang kandila.

"Happy anniversary baby Ziven. I love you so much." At unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko.

Napatingin ako sa itaas no'ng may biglang sumabog, fireworks. Hindi ko alam pero parang may bumulong sa'kin na tumingin sa likuran ko. Doon nakita ko ang isang lalaki at babae na magkayakap. Bumitaw sila sa yakapan nila saka hinalikan no'ng lalaki 'yong babae sa noo, saka sila sabay na tumingin sa langit kaya napatingin din ako.

"Happy tenth monthsary baby"

xx

Pauwi na ko sa bahay namin ngayon. 'Yong cake na binili ko ipinamigay ko nalang sa mga batang nagkalat sa kalye. Ayokong kainin 'yon ng hindi kasalo si Ziven. Habang naglalakad ako papalapit sa bahay namin para kong zombie-magulo ang buhok, mugto ang mata, tulala, parang hindi alam kung saan pupunta.

Nang makarating ako sa bahay nakarinig ako ng ingay. Bubuksan ko palang ang pinto nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin si-Teka, sino siya?

"Oh Shandy! Kanina pa kita hinihintay, saan ka ba galing? Saka bakit ganyan ang itsura mo? Tsk! Mukhang matatagalan akong ayusan ka ah?"

The AuditionsWhere stories live. Discover now