2x02: Memory Bank

Start from the beginning
                                    


"Uhm. What event?" -Enrique


"You won the 3-day all paid expense special trip throughout Guam!" tumingin sila sa malaking LCD screen sa may mini stage ng restaurant at sobrang gulat ko nung nakita ko ang picture namin ni Enrique nung bumulong siya sa akin kanina.


"You are the best couple tonight here and we present to you your prize!" umabante ang lalaking nasa likod na may hawak na silver platter kung saan may nakalagay na mga tickets at calling cards. What?! Is this real?!


"No no. This is a m-misunderstanding. W-we're not l-like that" tumayo na ako at nag-explain. Kalerks ano ba naman 'to.


"Enrique?" tawag ko sa kanya. Siyempre nangangailangan ako ng back-up. Tumayo rin naman siya pero ang kinabigla ko ay yung agad niya akong inakbayan!!


"Thank you! My girlfriend and I will definitely enjoy this one!" napatingin ako sa kanya. What is he doing?!


"Just call us sir, tomorrow for questions! Have a good night!" nagpatugtog ulit at nagpalakpakan ang mga tao sa restaurant. Wala na akong nagawa. Ngumiti na ako ng pilit.


------------------------------------------------------------------


Kathryn

"Kailan ba ang kasal, Kath?" umupo sa tabi ko si Katsumi. Nasa farm kami ni Kylie ngayon. Cinlear ko ang schedule ko para makapunta, Nagpa-barbeque party kasi sila nang nalaman nilang magpapakasal na kami. Kumpleto ang barkada ni Daniel dito ngayon. Andyan si Seth, Lester... si Katsumi. Si Enrique lang wala at si Julia. Wala silang alam kung nasan si Enrique ngayon while si Julia naman, nasa Paris pa. Sayang nga eh, si Julia pa naman ang tanging nakakausap ko tuwing nagkakasama ang mga lalaking ito.


"Wala pa pero soon. Tatapusin ko pa schedule ko"


"Bride-to-be in the house!!!!!" sumulpot naman si Seth at lester na may hawak na beer.


"Kath, ano bang naisip mo at sinagot mo si Daniel?" si Lester yun. Hindi ako nakaimik. It's not like he proposed to me...I asked him to marry me. I have my pride but I gave it up...for him.


"Alam niyo, ang kulit niyo! Teka, nasan ba siya? Hanapin ko muna" I needed to escape. Eh wala naman akong masasagot dun. On second thought, nasan nga ba si Dj? Pumasok na ako sa resthouse para hanapin siya. Wala siya sa kusina. Pumunta ako sa taas pero wala siya sa kwarto. Bumaba ako ulit. Uhm! Sa garden sa likod! Tama, baka nadun siya. Naglakad na nga ako at nakita ko siyang nakaupo habang kumukuha ng pictures gamit yung camerang nakasabit sa leeg niya. Hobby niya yan eh. Lalapit sana ako pero napatigil ako nung narinig kong nagsalita si Kylie...kasama niya pala ito, hindi ko lang napansin.


"You're really marrying this time, dork" -Kylie


"Wag mong simulan" malamig na sagot niya.


"Kath's a really nice woman. You're lucky to have her" naghihintay ako ng sagot ni Dj pero tunog lang ng camera ang narinig ko.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now