Secret and Lies

Começar do início
                                    

Tinanong niya ako kung gaano na kami katagal na magkakilala ni Jacob, kung kamusta ang pag aaral ko, at kung anu ano pa. Kinalma ko ang aking sarili at pinilit na masagot ang lahat ng tanong niya kahit sa simula pa lang ay hindi na ako kumportable. Hindi ako makatakas sa matalim na titig sa akin ni Sir Jorson.

"Kailan mo sasagutin ang anak ko?" Birong tanong ng ng Ina ni Jacob.

"Excuse me ate, CR lang," Paalam ni Sir Jorson bago dire-diretsong umalis.

"Mama naman, don't pressure her. Everything will fall into right places on a right time." Hindi maipaliwanag ang saya sa mata ni Jacob at ng kanyang Ina. Ganun ba ako kagaling magpanggap at hindi nila nararamdaman na kabaliktaran lahat ng ngiti ko? Gusto kong umiyak.

"Okay ka lang?" Bulong sakin ni Jacob. Nasa salas na kami, gusto niyang mag Movie Marathon kami.

"I'm fine," Natawa ako sa sinabi ko. Quotang quota na ako ngayong araw sa lahat ng kasinungaling lumalabas sa bibig ko. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang akong hilahin ni Satanas papuntang impyerno.

"I'll choose some movies, pumunta ka muna kay Tito, ibabalik niya daw thesis mo eh," Tumayo ito sa kinauupuan para tuluyang maghanap ng magandang pelikula.

Dumiretso ako sa mini office ng bahay, alam ko ang pasikot sikot dito. I use to go here.

"Sir Jorson, anong problema sa thesis ko?" Mahina kong sambit. Nakaupo lang siya at nakapokus sa laptop na nasa harapan niya. Tinigil niya iyon para tumayo at makalapit sa akin.

"Wala." Malamig niyang sambit sa akin. Kinabahan ako ng patuloy pa din ang paglapit niya sa akin, automatikong umatras ang aking mga paa para makaiwas pero nahawakan niya agad ako at hinila palapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Galit ang mga mata nito na diretsong nakatingin sa akin.

"H-hindi ko alam," Nagsimulang mag-init ang mga mata ko. Binitawan niya ako at minasahe ang kanyang sentido, pilit na kinakalma ang sarili. "Baka sobra siyang masaktan pag nalaman niya, kaibigan ko pa din siya." Tuluyang bumagsak ang aking mga luha.

"Bullshit! Pamangkin ko siya pero wala akong pakialam kung masasaktan ko siya! Tell me, gusto mo na ba siya?" Nagulat ako sa sinabi niya at agad na uminit ang ulo. Paano niya nasasabi ang ganoong bagay?!

"Hindi mo ako naiintindihan!" Sigaw ko sa kanya habang pinipigil ang aking hikbi. Walang makakarinig sa amin, soundproof ang opisinang ito.

"Ipaintindi mo sakin dahil wala na akong maintindihan! Putang ina ako dapat 'yung nandoon pero ako pala ang audience!" Natahimik ako. Kumirot ang puso ko sa narinig ko, nawala ang galit na naramdaman ko. Gaano ba kasakit na makita ang mahal niya na may kasamang iba ng harap harapan, na wala siyang magawa kung hindi ang manood at tumahimik dahil baka sa isang iglap magulo ang lahat ng naka-plano. Ang sakit na ako mismo ang nananakit sa taong mahal ko.

"S-sorry. Sorry na napunta tayo sa ganitong sitwasyon. Natakot lang akong mag away kayo dahil pamangkin mo siya. Natakot akong magalit siya sa akin. Naduwag ako eh, binalak ko naman talagang umamin, naduwag lang talaga ako." Patuloy ang pag-iyak 'ko. Hindi ko na alam ang gagawin 'ko. Lagi na lang may kailangang masaktan.

Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit, "Im sorry Babe, I just love you so much Elise, mali tayo sa batas at gusto ko sanang maging tama tayo kahit sa pamilya ko pero-" Hindi ko siya pinatapos pa at agad na hinalikan. Gusto namin maging tama sa paningin ng pamilya niya pero parang ayaw ng tadhana.

"I love you Gabriel," Nakita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. Kahit parang ayaw ng mundo para sa atin, Kahit pilit tayong sinasaktan ng pagkakataon hindi ako bibitaw. Iniangat niya ako para dalhin sa lamesa niya ng hindi tinatanggal ang aming magkadikit na mga labi. Sandali siyang tumigil para punasan ang aking mga luha.

Naagaw ng atensyon ko si Jacob na papunta dito. One way mirror ang opisina, "Si Jacob." Agad kong inayos ang aking damit at dire-diretsong pumasok sa banyo. Hindi na natuloy ang planong movie marathon dahil nagreklamo ako kay Jacob na masama ang pakiramdam ko, sa huli'y inihatid na lang niya ako sa bahay.

Ilang linggo na ang nakaraan simula nung ipakilala ako ni Jacob sakanila. Pinilit kong iwasan siya at tanggihan ang mga alok niya pero parang hindi man lang niya makita ang mga iyon. Maaga akong pumasok, kaunti pa lang ang mga estudyante na naglalakad sa corridor, nagulat ako ng may humila sa akin papasok sa Faculty room.

"Sir Jorson," Sambit ko ng makita ang taong nakahawak sa akin. Binigyan niya ako ng pilyong ngiti bago hinalikan. Bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa takot na may makakita sa amin, kung hindi dahil ganito kalapit ang taong mahal ko, parang isang sayaw ang aming mga labi na sumusunod sa tamang galaw ng bawat isa.

"Putangina! Gago ka!" Hindi ko na alam ang nangyari basta nakita ko na lang na tumilapon si Sir Jorson sa sahig at halos patayin ito ni Jacob sa suntok.

"Kaya pala nawala sa akin yung iniingatan ko, Inaahas mo na!" Itinulak ko si Jacob para makalayo si Sir Jorson.

"Boyfriend ko si Gabriel, Jacob wala siyang inagaw sayo, hindi naman ako naging sayo!" Parang hindi makapaniwala si Jacob sa sinabi ko.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Elise!" Mahina ngunit madiin ang pagkabigkas niya ng mga salitang kanyang binitawan.

"Oo, alam kong mali kami sa batas. Estudyante pa lang ako pero alam ko ang sinasabi ko. Mahal ko si Gabriel!" Pinilit kong maging matapang, ayokong lagi na lang umiiyak. Tumalikod siya sa amin at pinagsusuntok ang pintuan ng Faculty room. Naiiyak ako sa ginagawa niya sa sarili niya. Pero ayokong awatin pa siya, tama na. Lagi ko nalang nasasaktan si Gabriel dahil sa kanya. Gusto kong ipakita kay Gabriel na handa ko ding talikuran ang paggiging magkaibigan namin ni Jacob para sa taong mahal ko. Ganun ko siya ka mahal.

"Tang ina, Wala akong pakialam sa batas na 'yan! Ginagago ka lang niya. Hindi lang ikaw ang girlfriend niyan dito! May asawa't anak pa yan sa States!" Humarap siya sa amin na umiiyak din, sinipa niya ang nakaharang na upuan sa daanan niya bago tuluyang lumabas.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tiningnan ko si Gabriel na walang imik. Hindi niya ako matingnan. Sumilay sa bintana ang sikat ng araw at naabot ng mata ko ang kumikinang na gintong singsing sa kamay nito. Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot niya. Napahagulgol ako.

Gumuho. Sa isang iglap, gumuho ang lahat. Nalaman ng buong school ang nangyari, napatawan ng mabigat na parusa si Sir Jorson, tinanggalan siya ng lisensya at nakasuhan dahil hindi lang pala ako ang nabiktima niya. Lumipat ako ng school matapos ang nangyari. Hindi ako okay, puno ako ng sugat sa loob pero hindi ko hinayaang gumuho pati ang pangarap kong makapagtapos. Masyado akong nabulag ng pagibig, napunta sa maling direksyon at nadapa pero hindi ko alam na kahit nasaktan ko si Jacob ay hinawakan niya pa din ako at pilit na itinayo sa pagbagsak ko.

The AuditionsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora