Lutang ang isip ko ng makapasok ng bahay, walang tao sa loob kaya dumiretso na lang ako sa kwarto para magpalit ng damit. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa kama ng mapuna ang ilaw galing 'dun.

I saw you with him. Nakaakbay. It seems like you enjoying it, are you?

Are you having a date with him? Reply ASAP.

You're ignoring my messages.

I'm mad now. Tell me where were you are.

Answer my damn call!

Nagulat ako sa mga misscalls and messages na natanggap ko. Agad kong tinawagan ang taong iyon. Kabado kong pinindot ang call button.

"Where are you Elise?" Ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya. Nangingiti ako sa ideyang nagseselos siya. Gusto kong tumawa at ipamukha sa kanya ang ginagawa niya pero alam kong hindi din naman niya itatanggi iyon.

"Nasa bahay na 'ko. Sinundo lang ako ni Jacob sa amin. There's nothing to worry about," Kumbinsi ko sa kanya. Tinanong niya ako sa mga nangyari kanina. Sinabi ko lahat ng sinabi sa akin ni Jacob maliban sa halik. Ayokong gatungan pa ang mga iniisip niya.

"See you tomorrow Babe. I love you Elise," Sambit niya sa isang malambing na boses. Kanina pa malakas ang pagpintig ng puso ko pero hindi ko alam na may mas ilalakas pa pala iyon.

"See you. I love you too Gabriel," Isang matamis na ngiti ang binuo ng aking mga labi na para bang nakikita niya iyon. Totoo pala talagang makausap mo lang ang taong mahal mo ay parang gumagaan ang lahat ng bagay.

"Bakit dala mo pa kotse mo? Pwede naman tayong maglakad papunta samin," Reklamo ko kay Jacob. Labas na kami at ihahatid niya daw ulit ako.

"Hindi ko 'to pwedeng iwanan noh, Iisang way lang tayo 'diba? Tama na ang reklamo. Sumakay ka na lang," Hinila niya ang kamay ko at pinapasok sa kotse niya, halos walang pagbabago ang loob maging ang amoy nito, malinis at amoy mayaman.

"Teka, 'yung bahay ko nilagpasan natin!" Sandali kong hinabol ng tingin ang bahay ko bago ko inis na tiningnan si Jacob pero parang wala siyang naririnig! Hinampas ko siya sa braso. Ganito ang galawan niya pag gusto niya akong i-date dahil lagi akong tumatanggi.

"Aray! Hahaha, may ipapakilala lang naman ako sayo eh," Hindi ko na narinig ang sinabi niya at agad akong nanlamig ng makita kong iniliko niya ang kotse. Patungo kami sa bahay nila!

"Gusto kang makilala ni Mama," Tinitigan niya ako at hinawakan ang aking kamay ng matapos siyang mag drive. Bullshit!

Napaka romantic na tao ni Jacob, siya yung tipong magugulat ka nalang sa lahat ng kaya niyang gawin para sayo. Pag gusto ka niya, nasayo lang ang buong atensyon niya. Kahit wala pang kayo, ituturing ka na niyang prinsesa niya. Isa siyang living character ng mga fictional sa libro. He is a prince charming but I'm not his princess. I was already owned by someone. Iyon ang hindi ko masabi sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at iniwan sa loob ng kotse. Sumunod ako sa loob ng bahay nila.

"Ma, we're here," Hinalikan ni Jacob ang kanyang Ina pagkatapos ay lumapit naman ito sa akin para bigyan ako ng yakap. Ilang naman akong tumango sa lalaking katabi ni Jacob, si Sir Jorson.

"Let's eat, shall we?" Nasa dinning area kami at apat sa lamesa. Katabi ko si Jacob, tapos kaharap ko ang Mama niya at kaharap naman niya si Sir Jorson.

"So you're Elise, the reason why my son is so responsible now," Isang kalmadong ngiti ang binigay sa akin ng Ina ni Jacob. Pinilit ko ang aking sarili na mailabas ang pinakasinseridad kong ngiti pero alam kong pumalpak ako.

The AuditionsWhere stories live. Discover now